31: Another Truth

9K 142 0
                                    


Magkasama na naman kame sa kotse ni Gray dahil ihahatid niya na ako pauwi. I started confronting him about secretary Dy's fired thing.

"Gray."

"Hmm?"

"Bakit mo naman finired si secretary Dy?"

Napatingin siya sa akin pero bumalik din ang tingin sa daan. "Because I want her to get out of my life and start her own love life."

"Bakit, hindi na ba kayo pwedeng maging magkaibigan?" Tanong ko pa.

"It's not like that. Friends pa rin pero magpapakalayo muna siya. Ayos lang naman daw sa kanya. We talked about this issue before. "

Eh di... "Eh sino ng magiging secretary mo ngayon?" Sino kaya? Ako? Assuming ko naman.

Nakita ko ang ngiti niya at napangiti rin ako ng makitang may dimples pala siya. Ang cute, bagay sa kanya. "Secret muna. Bukas ko sasabihin."

Ng makarating sa bahay, kumain lang ako at natulog na rin.

Kinabukasan may bumusina mula sa labas. Sino kaya iyan?

"Ako na." Presinta ni papa at tumayo para buksan ang gate. Maya maya pumasok na siya. "Ang boss mo. Mukang panay na ang sundo niya sayo nitong mga nakaraang araw ah. "

Napangiti lang ako. Ang kulit niya talaga, sinabi ng huwag akong sunduin dito eh. "Iyang ngiting iyan kakaiba ah. Sige na, bilisan mo na ang pagkain mo at hinihintay ka niya."

"Sige po. Mauna na po ako. Bye pa! Saka pa, huwag na po kayong magtrabaho. Ako na pong bahala sa lahat. Mag-stay na lang po kayo dito ha?" I kissed him at dali-daling pumunta sa labas.

"Ang kulit mo rin 'no? Sinabi ng--" hindi nya ako pinatapos at hinila papasok sa kotse niya.

"Hayaan mo na. Nami-miss kase kita agad eh." My goodness! Isa ito sa nagpaganda ng umaga kooo! Ehhh.

Hindi ko na lang siya sinagot at sinimulan na niya ang pagmamaneho.

Maya maya nasa parking na agad kame. "Sandali lang ah, huwag mo itong aalisin hanggang hindi ko tinatawag ang maganda mong pangalan." Nilagyan niya ako ng blindfold.

"Ano ba 'to Gray? Hoy, boss kita at empleyado mo lang ako. Kahit boss kita wala kang karapatang ganituhin ako! T-teka, n-nasaan ka na ba?" Nakatayo lang ako dito ng may humawak sa kamay ko. "Sino ka? Gray ikaw ba yan? Ay ayoko na! Tatanggalin ko na ito!" Ng akmang tatanggalin ko na hinawakan niya pa ang isang kamay ko. "Huwag friend." Bulong niya. "Pat? Ikaw?"

"Oo, don't worry." Narinig ko pa ang hagikgik niya. "Halika lakad tayo duon." Inalalayan niya akong maglakad. "Kaibigan pa man din kita iyon pala kasabwat ka dito! Grabe ka Pat! Hindi na kita ililibre ng lunch!" Sigaw ko sa kanya. She betrayed me.

"Wag kang maingay vivideo-han ka! Lokaret ka! Hindi ka ba naeexcite? Tumahimik ka na lang." Bulong niya uli sa akin kaya nanahimik ako. Saka anong dapat ika-excite eh binubulag nila ako dito! Saka may pa-video video pang nalalaman!

Maya maya naramdaman kong sumakay kami ng elevator. Siguro papunta kami sa working place namin. Andaming alam ni Gray! Pag nagkita kami papagalitan ko siya!

"Let's all welcome, my new secretary-Ms. Catherine Reyes!" Tinanggal ni Pat ang blindfold ko at sari-saring confetti ang nalalaglag. May mga balloons pa! Lahat ng officemates ko dito nagpalakpakan.

Ay, akala ko pa naman kung anong surprise. But still, I'm happy ako ang secretary niya.

Ano ba ang inaasahan mong surprise niya sayo? Proposal?

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now