21: Say It

8.9K 149 0
                                    

"Mukang ginabi ka ha? Nag-overtime ka ba?" Tanong ni papa matapos akong pagbuksan ng pinto.

"Hindi po. Kumain lang po ako dyan sa labas ng subdivision." Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig.

"Anak, close ba kayo nung sinasabi mong manliligaw mo?" Biglang tanong ni papa habang nakasandal sa ref.

"Opo. Bakit pa?"

Kumunot ang noo niya at parang nagisip. "Nasaan siya ngayon?"

Kahit naguguluhan sa inaasta ni papa, sinagot ko na lang siya. "Wala po siya dito ngayon, nasa Canada po."

"Kapag...umuwi siya, huwag ka ng masyadong maglalapit sa kanya ha?" Mahinahon lang ang pagsasalita niya pero parang galit siya na ewan.

"Bakit ba pa?"

Tumalikod siya sa akin. "Basta." At umakyat na sa taas.

Naguguluhan ako kay papa. Bakit ko naman lalayuan si Leo eh kaibigan ko siya? Parang ang hirap naman non.

---+
"Make appointments and schedules, ipasa mo agad sa akin BUKAS."

"H-ha? Bakit ako? A-asan si secretary Dy?" Nagulat talaga ako. BUKAS AGAD? Kill.me.now

"Aabsent siya bukas-- Bakit ka pa ba nagtatanong?! GAWIN MO NA LANG!"

Napabuntong hininga na lang ako. "Yes, sir."

Lalabas na sana ako ng pinto ng bigla nya kong tinawag.

"Ms. Catherine, are you free for tomorrow?"

Humarap ako sa kanya. "Free for tomorrow? For what, sir?"

"For a dinner. Alam ko namang matatapos mo agad ang pinagawa ko sayo right? Payag ka ba?" Ang moody talaga ng boss namin! Minsan bossy, tapos minsan galit, minsan naman good mood na.

Pero bakit ba ako niyayaya ng boss ko for dinner? Bukas ko nga itatanong sa kanya. Pero ano? Papayag ba ako? O hindi? Baka sabihin ng iba kumakapit ako sa boss ko para mapromote? Hindi, hindi pwede!

"Hindi masamang pumayag." Paalala niya.

"O-okay sir." Agad akong lumabas ng office niya matapos sabihin iyon. Para kasing nawawalan ako ng oxygen eh.

Nakasalubong ko pa si secretary Dy. "Oh, mukang galing ka sa office ng boss mo? Anong sinabi niya sayo?"

Ano bang pakealam niya?

"May pinagawa lang siya sa akin." Maiksing sagot ko.

"Oh talaga? As if maniniwala ako! Ms. Catherine Reyes, 'wag na 'wag kang magkakamali ng galaw dahil hindi mo alam kung sinong binabangga mo." Diretso siyang nakatingin sa akin.

"What do you mean?" Ayan, napa-english pa tuloy ako.

"Iyang pagdikit mo sa boss mo. Maghintay ka dahil hindi mo maguhustuhan...ang mangyayari sayo. Goodluck sa dinner nyo bukas!" At dumiretso siyang pumunta sa office ni sir Grayson-ang boss ko. Bakit alam niya ang tungkol dun?

Is she trying to threaten me? Bakit pakiramdam ko may mangyayaring kakaiba? Sana mali lang ang kutob ko. Sana, sana walang mangyaring hindi maganda.

"Tulala ka friend?" Bati sa akin ni Pat. "Lunch tayo?" Tumango na lang ako.

This time, sa isang fast food chain kami kumain at libre ni Julius. Nako ah, gusto ko na itong si Julius para kay Pat!

"Niyayaya kang magdinner ng boss natin?!" Gulat na tanong ni Julius.

Pinalo siya ni Pat ng mahina. "Sabi ngang wag maingay eh! Hindi kaya, may something siyang nararamdaman for you? Oh my gosh! Ang gandang love story niyan!" Natatawa na parang kinikilig na komento ni Pat. "Pumayag ka?"

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now