Special Chapter

7.2K 85 4
                                    

''Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Patricia habang masama ang tingin sa asawa niya.

"Hon naman, alam mo namang nag overtime ako ngayon."

"Kanina ka pa dapat umuwi, anong overtime ang sinasabi mo?"Galit na tanong pa niya at hindi pinakinggan ang asawa.

"Pagod ako." Nilampasan siya ni Julius saka umupo sa sofa. Gusto niyang pakalmahin ang sarili dahil pagod na nga siya, kung anu ano pang tinatanong ng asawa niya sa kanya.

"Sagutin mo ang tanong ko! Bukod sa office, saan ka pa nagpunta? May nililihim ka ba sa akin?"

"Tsk, ano ba iyang sinasabi mo?"

Nilapitan siya ng asawa niya. "Bakit hindi ka makasagot? Dahil totoong may tinatago ka sa akin, ha?" This time, napatayo na si Julius. "Wala akong tinatago sayo." Nakatingin siya sa mga mata ni Patricia habang sinasabi iyon at hinawakan ang mga kamay niya pero inalis niya agad ito. "Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin! Siguro may babae ka na, 'no?" Giit pa niya.

Malungkot ang naging ekspresyon ni Julius. Hindi niya akalaing pagbibintangan na siya agad ni Patricia ng ganito, nalulungkot siya dahil nakakaramdam ang asawa niya ng ganito.

"Hon, wala akong babae, ikaw lang. Sapat ka na eh." Sabi niya sa kanya sabay kindat. Pero tumalikod sa kanya si Patricia at hindi nagtagal naramdaman nito ang paghikbi niya. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Hon, ano ba kasing problema?" Ipinatong pa niya ang chin niya sa balikat ni Pat at mas hinigpitan ang yakap dito.

"Hmm, siguro nga, may babae ka na. Ayaw mo lang sabihin sa akin. Naghahanap ka na ba ng iba? Dahil pangit na ako? Tunataba na ba ako? Nagkulang ba ako sa pag-aalaga sa anak natin? Ginagawa ko naman lahat ah? Kulang pa ba? Lagi ka na lang gabi umuuwi, gusto ko lang naman ng kahit konting oras mula sayo, simula ng ma-promote ka nawalan ka na ng oras sa akin. Kahit konting minuto lang naman, Julius." Sa apat na taong pagsasama nila ni Patricia ay hindi niya inaasahang masasabi nito ang mga salitang iyon. He felt guilt and at the same time sadness.

He should've give her more time para hindi siya ganito, para hindi siya nalulungkot, para hindi siya umiiyak.

Hinarap niya sa kanya ang asawa niya, hinawakan ito sa balikat at hinalikan sa noo at labi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinunasan ang luha niya. "Hon, sorry." He said with full of sincerity while looking straight into her eyes.

"Sorry for being insensitive, sorry kasi hindi ko namalayang nalulungkot ka na pala. Sobrang gusto ko kasi talagang ma-promote sa kumpanya kaya naengyano pa akong magtrabaho. Hindi ko namalayang nawawalan na pala ako ng oras sayo. Sorry, hon. I will never let this happen again, I'm so sorry. Please forgive me."
Niyakap niya ito ng mahigpit at muling hinalikan.

"Iyong mga sinabi mo kanina, hindi iyon totoo. Wala akong ibang babae, ikaw lang nga. Sapat ka na kasi. And you're beautiful, you'll always be beautiful for me. You're taking care of our child well, and everything you do is enough, no, sobra sobra pa nga eh. I love you so much, Hon. Please stop crying." He locked Patricia in his arms and kissed her in her forehead.

Tumingala si Patricia sa kanya. "Thank you for appreciating me, I love you too, Hon." hinigpitan ni Patricia ang yakap sa bewang niya. "May kailangan ka nga palang malaman." sabi nito kaya tinignan niya ito and cupped her cheeks.

"Ano iyon?"

"We need to save money."

Ngumiti si Julius sa asawa, umi-English na naman ito gaya noong nagliligawan pa lang sila. Minsan nakakamiss din pala ang pagka-conyo ng asawa ko, sabi niya sa isip niya.

Ginagawa naman nilang mag-ipon para na din sa nalalapit ng pag-aaral ng unang anak nila kaya medyo nagtaka siya. "Why? Magwi-withdraw tayo kapag kulang ang mga panggastos, you just have to tell me."

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon