27: Inches Apart

7.6K 123 0
                                    

"A-ano?" Paanong dahil sa papa ko?

"Dahil sa papa mo! Dahil sa kanya kaya kita tinulungan at nilapitan! Happy?" Biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Good timing naman neto, wala kaya akong dalang payong. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit dahil kay papa kung bakit niya ako tinutulungan at nilapitan.

"Paanong dahil sa papa ko?"

"Ang tindi mo rin eh, no? Mamaya na tayo mag-usap!" Tinanggal niya ang coat niya at ipinatong sa ulo ko. Inakbayan niya pa ako at sabay kaming tumakbo papuntang elevator.

Iyong oxygen ko parang nawawala na naman. Hanggang sa loob ng elevator nakaakbay pa rin siya. Naiilang tuloy ako. "G-gray, iyong..kamay mo." Paalala ko at inalis naman niya agad. Ginawa kong jacket ang coat niya. Ng huminto ang elevator, nakasabay pa namin ang dalawang ka-office mate ko kaya lumayo ako agad kay Gray. Baka mamaya kung ano pang sabihin nitong dalawang ito.

"Good afternoon sir!" Bati nila kay Gray at tumango lang si Gray. Suplado talaga neto. Ang swerte ko nga siguro dahil sa akin lang siya mabait. Wow Cathy, kung magsalita ka parang limang taon na kayong magkakilala! Okay. Nevermind.

Nangg dumating sa main door, may sumalubong sa amin na parang bodyguards ata niya at inabutan siya ng payong. "Thank you, I'll go ahead. And pakisabi, i-cancel ang meeting ko later." Paalala niya.

Binuksan niya ang payong at inakbayan ako hanggang sa makapunta kami sa car niya. Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nag-aalala naman ako na hindi niya magampanan ang pagiging CEO niya ng dahil sa akin. "B-bakit pina-cancel mo pa ang meeting mo? Pwede mo naman akong hayaan ah." Nilalamig tuloy ako. Paano, nabasa na nga kame ng ulan nakabukas pa ang aircon?

Napansin naman niya iyon kaya pinatay niya agad ang aircon. "Sorry, hindi ko napatay ang aircon. Ayokong hayaan ka dahil iyon ang sabi ng papa mo." Iyan na naman.

"I-explain mo nga sa akin kung bakit? Paano kayo nagkakilala ni papa?"

"Mamaya na, kapag tuyo ka na." He smiled na parang may iniisip.

"Kung magsalita 'to, basa ka rin 'no!" Protesta ko pero this time, nakangiti na ako.

Maya maya nakarating kami sa isang condo unit at pinark niya muna ang kotse niya sa parking. Parang natatandaan ko ang lugar na ito. Parang I've been here before. Pero medyo kinabahan ako, first time kong pumunta ng isang condo unit with a boss na hindi ko pa naman masyadong kilala.

At ang tindi ng ulan, hindi pa rin tumitigil, malakas pa rin. May pa lang ang buwan, umuulan na, tsk.

Pinayungan niya uli ako ng makaramdam ako ng sakit ng ulo. Haynako, ang hina talaga ng resistensya ko. Mabasa lang ng konti, magkakasakit na. Since then ganito na talaga ako. Nakakainis!

"We're here. Dito ka muna ha?"

Ang luwag ng condo unit niya. I wonder if mag-isa lang ba siya dito kasi pwedeng pang isang pamilya ang buong unit. "Dito ako tumutuloy kapag badtrip ako o kaya gusto ko mapag-isa." Kwento niya.

"Bakit, badtrip ka ba ngayon?" I asked habang giniginaw pa rin.

"Hindi. Simula ngayon, pupunta na ako ngayon dito kapag kasama ka." Pinapakilig ba niya ako? I think I'm gonna faint. Umayos ka Cathy! Isipin mo nga muna si Leo!

Sorry!

Kahit nahihiya akong tanungin, tatanungin ko na din. "Mag-isa ka lang dito?" He looked at me.

"Oo"

Lumapit siya sa akin. "Eto, buti may damit dito. Maligo ka sa taas at dito ako." Tinuro niya ang cr. "Bakit may damit ka ng babae dito?" Curious ako, bakit ba?

"Sa sister ko iyan. I'm sure kasya sayo. Eto ang towel, maligo ka na!" Pagpipilit niya kaya umakyat na ako sa taas. Nakita ko pa siyang punasan ng towel ang basang buhok niya. Bakit ang gwapo niyang gawin iyon? Hay, tama na nga Cathy! Magtigil!

Ang lamig pa rin ng pakiramdam ko, buti na lang may heater ang shower niya dito.

Tinignan ko sa salamin ang suot ko. Loose na T-shirt at black leggings. Di na rin masama.

May isang malaking curtain at dahil curious ako, binuksan ko at napangiti ako ng makitang veranda pala siya! May sliding door muna bago mag veranda. Pero hindi na ako pumasok sa loob. Baka sabihin niya pakealamera pa ako.

Bumaba na ako ng hagdan at naamoy ang ramen ata? Ang bango! Nakakagutom, hindi pa naman ako nag-lunch.

"Let's eat?" Tumingin siya sa akin ng nakangiti, tumango ako syempre.

"Chopsticks or fork?" Tanong niya.

"Ano ba ang sayo?" Gusto ko kung ano ang sa kanya, akin din. Bakit ba?

"Chopsticks"

"Sige, chopsticks din ang akin." Sagot ko habang nakatingin sa ramen sa harap ko.

"Gaya gaya." Bulong niya pero narinig ko pa rin 'no.

"Hindi 'no! Iyon naman talaga ang pipiliin ko nung una pa lang!" Napatingin ako sa kanya at nakita ang mapang-asar na ngiti niya.

"Eh bakit ka defensive?" Natawa kami pareho at sabay kumain.

"Luto mo ba ito?" Ang sarap kase.
"Nope. Instant ramen lang." Akala ko pa naman.

"Sanay ka ba talaga sa chopsticks?" Hot seat ito? Oo!

"Yep. Chan ang surname ko." Banggit niya.

"Grayson Chan." Banggit ko sa whole name niya. Bigla siyang napangiti.

Bigla kong naalala kung bakit kami nandito. Syempre dapat wala ng paligoy-ligoy. "Balik nga tayo sa usapan kanina, paano kayo nagkakilala ni papa? Paanong dahil sa kanya kaya mo ako tinulungan?" At hinigop ko ang natitirang sabaw ng ramen ko. Makabili nga nito.

"Eto na nga, kikwento ko na." Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. Hinintay ko ang sasabihin niya.

"Dahil sa papa mo kaya kita tinutulungan at nilapitan. Paano? Nag-apply siya sa company ko. "

Hindi kaya, siya talaga iyong nakita ko sa cr? "Bilang ano?"

"Sabi niya kahit ano. Eh saktong hiring kami that time ng janitor. So...janitor. Hindi ko naman alam na papa mo siya noong una. Hanggang sa isang gabi, kinausap niya ako. Gusto niyang tulungan ko ang anak niya. Paano? Eh hindi ko naman kilala ang anak niya. Tanong ko pa nga sa kanya yon eh." Dire-diretso niyang sabi. Ang dami nga namang employee ang meeon sa kumpanya kaya hindi naman talaga niya ako makikilala. 

"Kilala mo ang anak ko, dito siya nagtatrabaho."" Ginaya pa niya ang boses ni papa kaya natawa ako.

"Sabi niya, kaya tinanong ko kung sino tapos sinabi niya iyong name mo. Nagandahan pa nga ako sa name mo eh." Then he chuckled. Lahat ng ginagawa niya, gwapo. Bakit kaya? Well, maganda naman talaga ang pangalan ko, no. "Favor daw iyon, gawin ko daw hanggang sa makauwi siya sa inyo. Umalis daw kase siya sa bahay niyo. Pero bago pa iyon nung ha-halikan kita sa rooftop ah. Ginawa ko na, favor lang naman eh." Tapos nagpunta siya sa kusina at hinugasan ang pinagkainan namin. "Ako na dyan." Inagaw ko ang sponge pero nilayo niya. "Ako na." Fine! I was just trying to help. Pero ang galing ah, ang sarap gawing headline nito sa isang article. Isang CEO ng company, naghuhugas ng pinggan kahit bossy siya!

"Pero dapat hinahayaan mo na ako ngayon, dapat hindi mo na ako tinutulungan o nilalapitan." Sabi ko habang nakasandal sa ref.

"Bakit naman?"

"Kase nakauwi na ang papa ko sa amin eh." Napatingin siya sa akin at ngumiti.

"May iba pang rason kung bakit kita patuloy na tinutulungan at nilalapitan." Nilapit niya unti-unti ang muka niya sa akin. Napasandal pa tuloy ako lalo sa ref. Parang inches na lang ang pagitan ng mga muka namin. A-ano sa tingin niya ang ginagawa niya?

"A-ano iyong r-rason mo?" Tanong ko. Kase parang nawawalan ako ng oxygen. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko!

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now