36: Signs and Symptoms

8.7K 123 0
                                    

"Are you okay? Wait, do I know you?"

What?!

"Ah. S-sorry. I need to go." Nagmadali akong umalis.

Hindi naman sa hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka-move on, ayaw ko lang talaga muna siyang makita.

Paano kase, kahit na nahanap ko na ang kapalit sa kanya dati, specifically si Gray nga iyon--hindi ko pa rin siya agad nakalimutan. Nuong graduation, hindi na talaga niya ako pinansin. No connections din parang hindi na niya ako kilala. Ang gusto ko lang kasi, iyong sana kahit sa huling araw na nagkita kami ipaliwanag niya naman sana kung bakit niya ginawa lahat ng iyon. Iyon lang!

I texted Gray na maghihintay na lang ako sa lobby.

Nakaupo nga ako ngayon dito sa couch sa lobby at naisip ko, sa tagal ko ng nagwo-work dito bakit hindi ko alam na siya pala ang chairman dito? O hindi ko lang talaga inaalam dahil wala akong pakealam?

"Hey miss!" Nandito na pala si Gray at tumabi siya sa akin na magkatabi na ang braso namin. "What are you thinking at seryosong seryoso ka?"

I smiled. "Wala lang, let's just talk about it later eto oh." Inabot ko sa kanya ang transparent folder. "Sabi ng nagbigay neto sa akin, kailangan mo daw iyang pirmahan."

"Okay, sinong nagbigay sayo?" Iyong pinalitan mo.

"Chairman daw siya dito sa company." Sabay tingin ko sa black wedge ko.

"Sino? Actually, we have three chairmans here."

Napa-'oh' ako. "S-si Mr. Christian Lee." Sagot ko.

"Well, he is a great friend of mine. Let's go and have lunch?" Grabe naman, hindi niya alam na iyon ang iniyakan ko nuong unang beses kaming magkita. Tumungo kami sa isang mall.

"Dito na tayo mag-lunch then mag-grocery tayo after." Magla-lunch kami sa Jollibee. Isang CEO, magla-lunch sa Jollibee, ang cute lang. Kahit nasa 20's na siya bumabalik-balik pa din siya dito.

"Para maranasan ulit natin ang fast food chain, puro tayo resto! Okay lang ba sayo?" He asked me bago kami pumasok sa loob. "Okay lang." Hindi naman talaga big deal sa akin kung saan kami kakain, ayos lang kahit saan! Basta kasama ko siya.

What? Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin at pinagsasasabi ko!

"Anong gusto mo?" Bulong niya sa akin habang nakatingin sa menu malapit sa counter.

"Burger steak, fries, at burger. Iyon lang." Honest ako sa sinabi ko ah, iyon talaga ang gusto ko!

"Baka gusto mo pang dagdagan?" Pagbibiro niya kaya mahina ko siyang hinampas at sabay kaming tumawa.

"Pwede ba?" Sagot ko ng nakangiti.
"Oo naman!" Sabay kaming natawa sa biruan namin.

"Sige na, ako na ang oorder at humanap ka na lang ng upuan natin."

"Okay, sige."

Ng makakita na ako ng upuan, umupo ako agad at maya-maya dumating na rin si Gray na dala na ang drinks at number namin. "Five minutes lang daw at dadating na ang order natin." Tumango ako sa sinabi niya. Napansin ko ko ang ilang babaeng napapatingin sa pwesto namin at naghahagikgikan na parang kumokorte ang mga mata into heart dahil sa kaharap kong lalaki. "Gassshh! Ang gwapo gwapo niya!" Sigaw pa ng isang babae. Napatingin siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Huwag siyang magkakamaling lumapit dito! Napaiwas siya agad ng tingin at parang natakot sa akin kaya napatawa ako ng mahina.

"I'm watching you all the time. What are you doing?" Nagtataka niyang tanong. Ay, nandito nga pala siya.

Umiling ako. "Oh, ayan na ata ang order natin." Iniba ko na lang ang topic.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now