13: Hotdog Sandwich

9.5K 158 0
                                    

Hinatid kami ni Jack sa bahay namin. Tapos nakatulog agad ako.

—-+

Maaga akong gumising para bisitahin si Ren sa ospital.

Nang makarating ako, napatingin ako sa date. Ilang araw. Ilang araw na lang ang natitira para sa kapatid ko. Ilang araw na lang ang natitira para mayakap at mahalikan ko siya. Ilang araw na lang at mawawala na siya sa akin. Pumasok agad ako sa loob at wala akong pake kahit magising si Ren, dahil niyakap ko siya agad. "Ate..."

Nginitian ko siya at hindi pinakita ang lungkot na nararamdaman ko. "Good morning Ren!" Bati ko agad. "Ate, dapat pasok ka na po ngayon di ba po?" Tumango ako sa tanong niyang iyon. "Ate pasok ka po! Baka pagalitan ka po ng boss mo~!"

"Binisita lang kita ngayon bago ako pumasok. Kakain ka ng mabuti ah. Wag mo masyadong pahirapan si tita. Aalis na ko ah. I love you, Ren." at hinalikan ko siya sa noo. Hindi ko na rin ginising ang natutulog kong tita sa couch. "Bye ate! Ingat po ikaw, lab you too po!" At tuluyan na akong lumabas.

Pero habang papalabas, hindi ko inaasahan ang makakabunggo ko.

"What the! Watch where you going!" Sigaw niya at ng i-angat niya ang ulo niya nakita niya ako kaya biglang nawala ang pagkagalit sa muka niya.

"Sorry." Umalis agad ako matapos sabihin iyon.

Nakakapagtaka lang talaga. Bakit kung nasaan ako, nandoon din siya. Bakit lagi ko siyang nakikita o di kaya makikita namin ang isa't-isa sa ibang paraan. Gaya neto, nagkabungguan kami. Sinusundan niya ba ako? Ay grabe naman ako mag-isip. Bakit ba kase lagi kaming nagtatagpo?

—+

[Lunch time na dyan ah, kumain ka na ba?]

"Hindi pa."

[Kumain ka muna. Magsabay kayo ni Pat.]

"Eh iyon nga eh, kasama ni Pat si Julius. Pakiramdam ko may something sa dalawang iyon eh. Di bali, sige na eto na at kakain na lang akong mag-isa."

[Kung nandyan lang ako sasamahan kita. Loner ka tuloy. Lagot sa akin iyang si Pat.]

"Hayaan mo na iyong tao. Sige na ha, bye Leo."

[Bye. Take care, I love you.]

And we ended our calls.

Nakakainis naman si Pat! For the first time, ngayon lang siya sumama sa iba para mag lunch. Sino ng kasama ko ngayon? Pumunta akong cafeteria mag-isa. Oo na! Ako na mag isa!

Susubo na sana ako ng may biglang maglapag ng tray sa table ko. Napatingala ako. "Can I?" Tanong niya.

Anong gagawin ko?! Iyong mga ibang office worker din na nandito all eyes on me! Sasagot ba ko ng oo o hindi? Ano ba Cathy, kumalma ka, kumalma ka! Parang kailangan ko ng oxygen, a-ang hirap huminga kasi eh! "Yes." Nanlaki ang mata ko ng bigla ko na lang masabi iyon. Parang nagwawala iyong tiyan ko, gutom na talaga siguro ako.

Umupo na siya at magkaharap kame. Hotdog sandwich at juice? Iyon lang ang order niya?! Nakakahiya naman ang adobo't chopsuey ko! May extra rice pa ko! Nagsimula na siyang kumain pero ako nakikipagtitigan pa rin sa kanin ko. Tapos sinamaan niya ng tingin iyong mga nakatingin sa table namin na mukang nagchi-chismisan pa. Eto kaseng boss namin, etong kaharap ko ngayon, hindi iyan napapadpad dito sa cafeteria ng building namin! Kaya laking gulat ko talaga na nandito si—

"Hindi ka ba kakain?" Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng bigla siyang magtanong. Kumain ka na kasi Cathy.

Subo lang ako ng subo hanggang sa nakita ng mata ko na nakatingin ang boss ko sa akin habang kumakain. Na- conscious tuloy ako bigla. Bakit ba kase dito siya umupo? Napatingin ako sa paligid, puno ang mga lamesa. Kaya naman pala, pero kase sa dinami-dami ng pwede niyang saluhan, ako pa? AKO PA TALAGA?! Susme lang.

Nang maubos ko na ang pagkain ko, napansin kong kami na lang ang tao sa cafeteria. Ano? KAMI NA LANG DALAWA ANG NAKA-UPO! AT ANG MALALA PA, NAKATINGIN PA RIN SIYA SA AKIN! Ay, baka nga nakatitig eh. I looked at my watch at grabe! Tapos na ang lunch time! 15 minutes ng tapos ang lunch time!

Hindi ko na napigilang tanungin siya, "Ay, s-sir. Bakit naman po hindi niyo sinabi na tapos na pala ang lunch time? Hehe." sa isip isip ko pa 'wag mo akong papagawin ng maraming paperworks ah.'

"Nag-eenjoy akong panuorin ang katakawan mo eh."

Katakawan ko? Ang katakawan ko nakita na mismo ng boss ko? Sana may tsunami ang dumating bigla at lamunin ako. Nahihiya na ako. Kulang ang salitang 'sobra' para i-explain ang kahihiyang pinakita ko. Eh kase naman! Paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. He just hold my hand! Pero parang nanginig ako. Ay ano itong mga to? Bago to ah!

"Asan na nga pala ang panyo ko? Mamahalin iyon kaya asa ka pang souvenir ko na iyon sayo!" Sabi niya.

Panyo? Panyo niya? Hala, hindi ko pa nalalabhan iyon eh! Kinapa ko sa bag ko at nakita ko naman siya.

"Eh Sir, hindi ko pa po nalalabhan eh. Sorry po. Pwede po bang bukas ko na lang iba—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay kinuha na niya ang panyo sa kamay ko.

"No need. Let's go. May ipapagawa ako sayo." Nakita ko pang pinunas niya iyong panyo niya sa muka niyang pawis. Ano ba yan hindi pa nalalabhan iyon eh, may bakas pa ng luha ko yon. Pero iyong 'may ipapagawa ako sayo' talaga yung kinakatakot ko eh.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now