22: Dinner date

8.5K 166 0
                                    

5 kase ang uwi ngayon at 4 na. Konti na lang matatapos ko na ang schedule na ito. Bukas ko na lang gagawin iyong papers na gagawin ko dapat.

"Friend, mamaya na kayo magdidinner ni sir diba?" Silip sa akin ni Pat mula sa divider.

Tumango lang ako. Ayokong paistorbo eh. Yes, mamaya na.

Excited nga ako eh.

Naninibago ako sa sarili ko. Hindi ako dapat naeexcite sa mga ganito eh. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng excitement.

"Oh friend, coffee para di masyadong ma-excite." At iniwan ni Pat ang coffee na may note na 'First date with the boss? Good luck friend!' Date ba ang gagawin namin?

Sinilip ko siya. "Anong pinagsasasabi mo na date?"

"Bakit, ano ba dapat? Masyado kang slow! When a guy asks you for a dinner, it means he's asking you for a date! Sus. Palibhasa NBSB!"

For a date? Hindi sumagi sa isip ko na date 'to!

"Oops! No backout! Para hindi gumulo ang utak mo, I must say that it's just a...friendly date?" Bahagya siyang tumawa na parang kontrabida sa isang soap opera.

"Gtg muna, bibisitahin ko ng palihim si Julius." Then umalis na siya.

Okay. Friendly date. Keep that in mind Cathy!

Tatapusin ko na nga agad to.

-5PM-
Isa-isang nawawala ang mga tao malapit sa work place ko. Oh, 5 PM na pala! Sakto lang pala dahil tapos ko na ang schedule na ito.

"Are you done with that schedule? Let's go?" My goodness nandyan na siya.

"Ito na, pinapatay ko na ang computer. Wait, ayan." Sabi ko pagkatapos kong kunin ang bag at blazer ko.

Sumusunod lang ako sa kanya at parang nakita ko si secretary Dy sa gilid ng halaman. Siya ba yun? Nakatingin siya ng masama sa akin. Lalapitan ko na sana ng tawagin ako ni Sir. "Catherine?" Bumalik ang tingin ko sa halaman pero wala na siya. Baka guni guni lang.

"Saan ba t-tayo magdi-dinner, G-Gray?" Di pa rin ako sanay na tawagin siya sa name niya lang.

Nakita kong napangiti siya. "You'll know if we get there." Pa-suspense pa talaga. Baka mamaya hindi talaga siya mabait at nagbabait-baitan lang matapos niyang makuha ang gusto niya? Ay grabe ano bang iniisip ko?!

"We're here! Let me open your door." Paalala niya kaya hindi ko muna binuksan ang pinto ko.

Isang Chinese-Taiwanese restaurant! Wow.

"This is my uncle's restaurant. Masasarap ang meals nila dito." Kwento niya. Namangha naman ako, ang yaman yaman talaga nila, tapos Chinese at Taiwanese pa talaga ang theme oh! I guess, mahal dito.

"Pumili ka na ng order mo. Don't worry about the price. Ako ang nagyaya so dapat ako din ang magbabayad. Just enjoy the food." And he assured me by his smile.

I nodded at tinignan ang menu. Grabe naman itong Chinese pansit nila! Parang normal na pansit lang naman, 3,500 na? Don't tell me, may ginto sa loob niyan? "Nahihirapan a-akong magdecide eh." Nahihiya kong sabi.

"Sige, ako na lang ang oorder, ipapatikim ko sayo ang masasarap na dish nila dito." Tapos dumating iyong waiter at sinabi niya ang orders.

Habang naghihintay sa pagkain namin, nagsalita siya. "Ano bang pwede kong itawag sayo?" Nagulat ako sa tanong niya. Itawag?

Baby, honey bunch, sweety pie, babe, my love so sweet--

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now