32: 2 Months Later

8K 114 0
                                    

"Nuong araw na iyon, na-promote ako sa isang company kung saan nagtratrabaho rin ang papa ng Leo na iyon. Mayaman ang pamilya nila. Na-insecure siya sa akin at binalaan niya ako na pag-uwi ko daw, wala na akong maipagmamalaki pa.

Pag-uwi ko sa atin, wala na ang bahay natin pati ang...mama mo."

Umiiyak siya habang nagku-kuwento.

"Ang company na kung saan ako nagta-trabaho ay company ng mga Alvarez. Nagkataon lang na ako ang na-promote dahil mas gusto ako ni Mr. Rodolpho--ang lolo ng Leo na iyon.

Hindi ko naman akalain na aabot sa ganun ang paghihiganting sinabi niya. Siniraan ako ng papa ni Leo kaya natanggal ako sa trabaho nuon. Gusto ko siyang ipakulong! Pero anong magagawa ng isang gaya ko kumpara sa kanyang makapangyarihan at mayaman? Wala. Sinikap kong bumangon uli, pero nahirapan ako anak, ang hirap hirap."

Hindi makatulog, at umiiyak ako ngayon.

Lahat pala ng nangyaring iyon, planado? Alam ba lahat ni Leo ang tungkol duon? Dahil lang sa insecurities, nawala lahat sa amin?

Ang daming tanong sa isip ko, kailangang makausap ko si Leo. Kailangang makausap ko din ang mga magulang niya.

Gusto kong mawala na rin ang papa ni Leo ngayon! Parang lahat ng problemang ito, tinabunan ako.

Akala ko tapos na, akala ko wala na, iyon pala hindi pa. Anong gagawin ko?
---+
Nagising na lang ako umaga na. Sabay kaming nag-breakfast ni papa.

"Kakausapin ko si Leo." Sabi ko habang hinihiwa ang scrambled egg na nasa plato ko.

"Huwag na." Madiin niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong huwag na, pa? Kahit ano pang yaman nila wala akong pakealam. Kakausapin ko siya, pati ang papa niya." Desidido na ako.

Napabuntong hininga si papa at hindi na umimik pa.

Maya-maya dumating na ang sundo ko kaya naman nagpaalam na ako kay papa.

Habang nasa loob ng kotse, tinext ko si Leo. Sabi ko mag-usap kami sa coffee shop gaya ng dati.

"Sinong ka-text mo?" Tanong ni Gray.

"Si Leo lang."

"Bakit nakasimangot ka ata ngayon? Pwede ka namang magkuwento kung may problema--"

"Ang papa ni Leo ang sumira sa buhay ng mama ko. Kaya gusto kong makipag-usap sa kanya mamaya, iyon ay para itanong kung may alam ba siya dati pa. Planado pala lahat ng iyon? Nakakainis! Hindi ko alam kung paano ko ito maaayos eh." Parang maiiyak na ako.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now