15: Papa

8.8K 169 2
                                    

May readers pa ba ko? Huhu. Sana meron pa para ganahan ako mag-update. Salamat sa lahat ng nagbabasa! :*
----+
"Ate!" Niyakap agad ako ni Ren pagkadating ko sa bahay. "Teka Ren, basa si ate! Sandali lang ah?"

Naligo agad ako at nagpalit ng damit. "Nandito ka na pala, sandali at ipaghahain kita." Napatayo pa si tita sa sofa. "Hindi na po, ako na lang po."

Habang kumakain ako, may isang bouquet ng white roses ang hinarap sa akin ni tita at hawak naman ni Ren ang white na bear. "Galing sa manliligaw mo." At inilapag ni tita ang flowers sa kabilang side ng mesa.

"Ate look, meron din po akong bear! Ang bait bait po talaga ni Kuya Leo! I want him for you!" Pilyong bata to! At tinaas pa niya ang brown na bear niya. "Sige na Ren, matulog ka na. Masamang nagpupuyat. Goodnight!" Pag-iiba ko ng usapan. "Opo, goodnight po, goodnight tita!" Sigaw ng bata at naakyat na sa taas.

Tinabihan naman ako ni tita. "Mukang napapadalas ang pagpapalakas niyang manliligaw mo ah."

"Oo nga po eh. Ang kulit." Napakamot pa ako sa ulo.

"Aba'y ganoon talaga kapag nanliligaw! Balak mo na bang sagutin?" Ay may tsismosa pala kong tita, di ako informed!

"Di ko pa po mahal eh." Nakita ko ang pagkadismaya ni tita.

"Oo nga pala, nag-text ang papa mo sa akin. Sabi niya pupunta daw siya dito bukas."

Napakunot ang noo ko. "Tita naman, alam niyo naman na hindi pa kami okay ni papa eh."

"Oo nga, pero para naman daw kay Ren eh. Alam mo na, hayaan mo na. Tatay mo pa rin siya kaya pagbigyan mo."

Tumango na lang ako at dali-daling nagpunta sa kitchen.
---+
Walang pasok ngayon! Yes! 9 am na rin ako nagising at pababa na sana ng hagdan ng marinig ang pamilyar na boses. Bakit ang aga niya dito? Binilisan ko na lang ang pagbaba "Kumain ka ng almusal dyan." Sabi ni tita kaya kumuha ako ng pinggan at kumuha ng pagkain. Dun na ako sa kwarto ko kakain ng tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Cathy"
Parang unti-unting lumalambot iyong puso ko, kahit pangalan pa lang iyong binanggit niya.

Hindi ko siya pinansin at tumuloy na lang sa taas.

Ka-text ko lang si Pat ng sumigaw si tita ng "Kakain na Cathy! Bumaba ka na rito!" Pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

'Cause when I'm with him I am
Thinkin' of you, thinkin' of you
What you would do if
You were the one who was spending the night, oh I wish that I was lookin' into your...eyes

Nagising lang ako sa ringtone ko at sinagot ko naman agad. "Hmm?"

[Bakit ang tagal mo sagutin?]

"Sorry, natutulog ako eh.

[Naistorbo pa ata kita, sorry. Natanggap mo ba?]

"Ang alin, Leo?"

[Iyong bulaklak at bear?!]

"W-wala akong natanggap" Pinagtritripan ko lang si Leo kahit natanggap ko naman talaga.

[Di bale, padadalhan na lang kita uli--] I cut him off.

"Joke joke joke!" At tumawa na ako ng tumawa.

Tapos inend na niya agad iyong call. Napikon siguro to! Hahaha! 2:57 pm na pala, dalawang oras akong nakatulog. Ahh, nagugutom na ako.

"Cathy! Bumaba ka diyan! Aalis na ang papa mo, hindi ka ba magpapaalam? Cathy!" Sigaw na naman ni tita.

"Mamaya na po ako bababa! May ginagawa lang po!" Sigaw ko kahit wala talaga akong ginagawa.

Bakit kasi di na lang umalis agad si papa? Bumabalik lahat ng galit ko kapag nakikita ko siya! Grrr!

"Kung gusto mo, ako na lang muna maging first love mo. Kung okay lang sayo?"

"Ikaw?"

Napadilat agad ako. Isang panaginip. Panaginip pero parang narinig ko na ang mga salitang iyon. Tinatandaan ko kung nangyari na ba iyon pero hindi ko na matandaan. Hayaan na nga.

3:26 PM

Hay makababa na nga. Wala na siguro si papa, umalis na siya kanina pa eh. Bumaba ako ng hagdan. "Tita anong ulam?" Sigaw ko pa. Paglingon ko sa salas, nagkamali pala ako.

Di pa pala siya nakakaalis.

"A-akala ko..."

"Anak, pwede bang mag-usap muna tayo?"

Imbis na sagutin siya, tumalikod agad ako pero hinawakan niya ko sa braso't hinarap sa kanya.

"Anak naman..."

Unti-unting nagbagsakan ang mga luha ko. Akala ko wala na to? Akala ko tapos na?

"Cathy, bumabalik na 'ko sa inyo. Cathy, tanggapin mo na ako. Tanggapin mo ako bilang tatay mo. Sorry sa lahat ng ginawa ko sainyo. Sana mapatawad mo ko."

Niyakap niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik. Para akong natuod na ewan.

---+
Author's note: Hi po! Iniba ko na uli age ni Ren into a 10 yr.old kid. Sarreh po paiba-iba! :))

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon