10: When I saw him

14.3K 205 0
                                    

Yay! Happy 500 reads! Thank you po!

---+

It was my boss.

He sat beside me. I was shocked when he patted my back. My boss was trying to calm me? Naguguluhan ako sa mga inaasal niya lately sa akin. Tanging 'thank you' na lang ang nasabi ko.

We stay like that for a minute. Ang akala ko aalis na siya sa tabi ko pero I was wrong. Nasa tabi ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam habang kasama siya, ang boss ko and a little bit awkward, syempre. Bigla ko na lang naalala iyong sabi ni Leo sa akin na siya daw ang nagdala sa akin sa clinic ng mahimatay ako. Nasabi na ba sa kanya ng secretary niya?

"Thank you, boss."

Nakatingin lang ako ng diretso pero nakita ko sa peripheral view ko ng lumingon siya sa akin.

"Ikaw po iyong nagdala sa akin sa ospital nung nawalan ako ng malay diba? Thank you doon and... Thank you for staying by my side. Pero bakit mo ginagawa lahat ng ito?"

Hindi ko na naiwasang wag itanong sa kanya. Sobrang nakakapanibago na ang bossy boss namin ay magiging ganito sa isang kagaya ko. Parang biglaan lahat ng nangyayari sa kanya at napapansin kong sa akin lang siya ganito.

"Hindi ko rin gustong gawin ito no'ng una pero...habang tumatagal nagugustuhan ko na rin. Gusto kong matulungan ka, lahat ng problema mo, malalagpasan mo rin yan. Kayanin mo yan."

Matapos niyang sabihin iyon, agad siyang umalis. Anong ibig niyang sabihin? Ang gulo, hindi ko maintindihan. Tinignan ko ang kamay ko. Nasa akin pa rin pala ang panyo niya. Inamoy ko ito at grabe! Ang bango!

Parang naging motivated ako. Simula ng sinabi sa akin ng mga kaibigan ko hanggang sa sinabi ng...boss ko.

Gusto kong masulit ang huling mga araw na nilalagi ni Ren dito sa mundong ibabaw. Kaya ngayon, kasama sina Pat at Leo pati ang tita ko at ilang kaibigan ni Ren, may surprise kami for Ren. I'm sure na magugustuhan niya lahat ng ito. Simula sa bilog na cake na may nakasulat na 'Happy Birthday Ren!' Chocolate flavor din ito. Sabi ko kase sa kanya no'ng nakaraang taon, bilog na ang cake sa birthday niya. Sa mga balloons, favorite cartoon characters niya, mga favorite food, at sa mga regalo syempre! Gusto ko na iparanas sa kaniya lahat ng magagandang bagay sa mundo bago niya tuluyang...lisanin ito.

Matapos namin siyang kantahan ng birthday song sa loob ng room niya, mag-boblow na siya ng candle. Tapos ng akmang nagwi-wish na siya, tumingin siyang lahat sa amin na para bang nag-iisip. Nag-aantay lang kami hanggang sa nagsalita na siya.

"Happy po ako na nandito kayo lahat. Thank you po sa pagpunta at paghanda ng mga ito! Salamat tita sa pagbabantay po sakin po, lalo na kay Ate ko. Alam ko po ikaw nag-isip lahat ng ito! Ganda ng robot ko oh!" Nakangiti niyang sabi habang tinuturo ang robot niyang regalo ko. Sa sobrang excitement niya, binuksan niya agad ang gift ko. Napangiti na lang ako. Akala ko tapos na siya sa mga sasabihin niya pero hindi pa pala.

"Alam ko po malapit na akong mawala dito,"

Napatingin ako sa tita ko. Sinabi niya?! Bumulong siya sa akin. "May karapatan siyang malaman."

Pinagpatuloy ni Ren ang sinasabi niya. "Pero bago po yon, gusto ko po i-wish na makita ko si papa ko." Nakapikit siya ng sabihin iyon saka ibinlow ang candle. Napabuntong hininga na lang ako.

Parang naramdaman ni Pat at Leo na hindi na maganda ang atmosphere na bumabalot sa loob ng kwarto kaya pinagaan nila ito.

"Yehey! Happy birthday Ren!" Pat said while showing his concern smile.

"Oh, kainan na!" Leo had the same expression, too. Nagsimula na silang kumain. Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas muna ako ng kwarto at magpapahangin.

Nang isinara ko ang pintuan ng kwarto ni Ren, parang lahat ng galit umakyat sa ulo ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ng pinto ng kapatid ko.

Anong ginagawa niya dito?! Wala ako sa posisyon para sabihin ito pero naiinis talaga ako. Ang kapal ng mukha niya para magpakita dito! At ano? Sa mismong birthday pa ng 'pinakamamahal' niya daw na anak?! Grabe, parang gusto ko siyang sampalin pero kinalma ko na lang ang sarili ko. Imbis na gawin kung ano ang nasa isip ko, nilagpasan ko na lang siya. Pero bago pa man ako makalayo, hinawakan na niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad ko.

Kahit anong miss pa ang naramdaman ko sa kanya noon, parang nawala iyon lahat at napalitan na lang ng galit at inis.

Galit dahil bumalik pa siya dito matapos niyang umalis. Inis dahil nakita ko siya ngayon.

Nanatili akong nakatalikod pero nagsalita siya.

"A-anak. Alam kong sobra mo akong kinagagalitan. Pero ngayong birthday naman ni Ren sana pagbigyan mo akong makita siya. O kung ayaw mo man, pakibigay na lang sa kaniya itong regalo k--"

Hindi ko siya pinatapos at nilingon siya. Kinuha ko sa kamay niya ang regalo daw ata niya sa kapatid ko na may kulay blue na gift wrapper. "Eto, hindi niya kailangan nito! Iniwan mo kami kaya ano pa ang karapatan mo na makita siya, ha?! Valid reason na ba sa tingin mo ang isinulat mo doon sa letter?! Na ano, babaguhin mo muna ang buhay mo?! Grabe pa, halos mangulila kami sa presensya mo, halos araw-araw kang hinahanap ng kapatid ko! At alam mo ba ang lagay niya ngayon, ilang months na lang ang itatagal niya para mabuhay! Lahat na ata ng sakit binigay mo sa kanya, lalo na sa akin, pa."

Kahit pilitin ko na maging malakas sa harap niya at wag umiyak, na-failed ako. Si papa ata talaga ang weakness ko.

Pagbibigyan ko siya na makita niya ang kapatid ko, tutal, iyon lang ang wish ng kapatid ko at ayokong ipagkait sa kaniya iyon dahil alam kong lumilipas ang oras.

Iniabot ko kay papa ang regalo niya sa kapatid ko. "Pagbibigyan kita ngayon pa! Pwede mo siyang lapitan o kausapin ngayon lang pa! Pero sana bukas o kahit kailan, huwag ka na lang magpakita sa amin, please lang." Tinalikuran ko na ang papa ko at lakad-takbo ang ginawa ko para makapunta sa labas ng hospital na ito.

Kahit ano ang kagustuhan ko na makita ulit siya dati, ngayon naman gusto ko siyang itaboy na lang at huwag ng makita kahit kailan. Ang gulo ko. Super mixed emotions na ang nararamdaman ko-galit, inis, saya, pagmamahal. Umupo muna ako sa bench malapit sa garden ng ospital na ito. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko ang panyo ni boss at agad na ipinunas sa basang muka ko. Hindi ko pa pala naisosoli sa kanya ito ilang araw na simula ng binigay niya sa akin ang panyo niya.

Malabo ang paningin ko dahil sa luha pero naaaninag ko ang isang lalaking naka-formal attire na unti-unting lumalapit sa pwesto ko.

It was my boss. Again? Nandito ulit siya? Pero bakit? Anong papel niya sa buhay ko at pakiramdam ko lagi niya akong dinadamayan sa lahat ng problema ko?

Lumapit siya sa pwesto ko at gaya ng ginawa niya last time, he sat beside me. "Just cry, ilabas mo lahat ng galit mo kung gusto mo. Punasan mo ng panyo ko ang luha mo, kahit ilang beses mong gusto. At...yakapin mo rin ako kung g-gusto mo. Pwede mo akong s-sandalan, Ms. Catherine." Pormal lang ang pagkakasabi niya no'n pero nakaramdam ako ng saya. Masaya ba ako kasi mabait ang boss ko sa akin? Pero hindi, kakaibang saya ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag pero niyakap ko siya at parang falls na nagsisiagusan ang mga luha ko. Mga luha na lagi na lang akong pinagmumukhang mahina sa harap ng ibang tao.

Malabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko pero habang nakayakap ako sa boss ko, kilalang kilala ko ang nakatayo malapit sa amin. Inilayo ko ang sarili ko kay boss ng makitang ang nakatayo pala ay si

Leo

My Bossy Boss (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang