37: Will You?

7.7K 124 2
                                    

Author's note: Hi readers! Medyo padadaliin natin ang update ha? Yung tipong magugulat na lang kayo. Hahaha. Enjoy reading!
---+

"Anak, tinatanong kita! Bakit natulala ka naman dyan?" Sa sobrang pag-iisip ko kung anong isasagot, hindi ko na namalayan si papa.

"K-kasi pa..." Umiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko.

Napatawa ng bahagya si papa. "Hindi mo na kailangang sumagot, alam ko na." Napatingin ako kay papa at nginitian niya lang ako. "Hayy, hindi ka na talaga baby. I love you anak." Niyakap pa ako ni papa. Niyakap ko siya pabalik. Paano niya nalaman ang sagot?

Hindi nagtagal, natapos na ang afritada ni Gray at talaga namang pasadong pasado na siya sa akin dahil ang sarap nito! Naalala ko bigla si Leo. Masarap din kasi siya magluto. Bakit ba bigla ko pa siyang naisip?

"Ang sarap ng luto mo ah. Saan ka natuto?" Tanong ni papa pagkatapos uminom ng tubig.

"Ah, sa mga cook books lang po."

"Impressive." Sabi ni papa habang napatango-tango ako at napa-'oh' din.

Ng matapos kumain, kinain namin ang fruits. "Let's watch a movie?" Tanong niya. "Sige!"

Sinalang niya ang isang horror movie. Nice, gusto ko nga iyan pero takot din naman ako sa mga multo.

Nakita ko si papa na humiga sa sofa. Wow, feel at home na feel at home ang papa ko.

Tinusok ko ang melon at kinain iyon. Magkatabi kami ni Gray at kabilang sofa si papa.

Maya maya lumayo ng konti si Gray sa akin at nagulat ako ng humiga siya sa lap ko. "Hoy, ano bang ginagawa mo? Mamaya makita tayo ni papa!" Saway ko.

"Eh ano naman? Okay na kaya ako sa papa mo." Hindi ko na narinig ang huling sentence na sinabi niya kasi hininaan niya. "Ano?"

"Wala! Let's stay like this for a minute. Dali, kunin mo iyong grapes. Ahh!" Ngumanga siya. "Ano iyan?" Tatawa-tawang tanong ko.

"Subuan mo ako ng grapes. Para sweet tayo! Grabe ako lang lagi ang sweet sayo, nakakatampo." Natawa naman ako sa inasal niya na parang batang hindi mabigyan ng favorite toy niya. Kinuha ko ang bowl ng grapes at sinubuan na lang siya. Kumakain lang kami ng grapes ng biglang tumayo si papa at tinignan kami. Pero ngumiti lang siya. "Makiki-CR muna ako ha."

"Sure po!" Sagot ni Gray at nakahiga pa rin sa lap ko. Bakit parang okay lang kay Papa tong ginagawa namin? Parang wala lang kay Gray na makita kami ni Papa na ganito.

Naalala ko na may itatanong nga pala ako sa kanya pero bago iyon, sinubuan ko muna siya ng grapes. "Gray" Hindi siya sumagot pero alam kong nakikinig siya. "Matagal mo na bang kilala si... Christian Lee?" Napatingala siya agad sa akin. "Oo, bakit?"

"Alam mo ba na siya ang dahilan ng pag-iyak ko nuong una tayong magkita?" Sabi kong nakangiti.

Napatayo siya agad. "Talaga? H-hindi ko alam na siya. Kung alam ko lang, matagal ko na siyang inupakan!" Sabi niya.

"Hayaan mo na, chill lang." Natatawa kong sabi.

Biglang nag-black ang screen ng TV at bumungad ang isang babae. "Aaaahhh!" Sigaw ko, ayoko, ayoko na! Ayoko na manood! Natatakot na ako! Pagdilat ko napansin kong nakakapit na pala ako sa braso ni Gray at nakatingin siya sa akin sabay tawa. Napabitaw na ako agad sa kanya. "T-takot ka sa ganon, ang l-laki laki m-mo na!" Tawa pa rin siya ng tawa kaya nainis ako. Ang sama sama niya!

Pinagpapapalo ko siya sa braso. "Bakit, akala mo ba bata lang ang natatakot? Ha?" Tawa pa rin siya ng tawa. Ng mahimasmasan siya, oo mahimasmasan kasi ang saya saya niya! Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilapit ako sa kanya k-kaya napatigil ako.

"Hindi lang naman ikaw ang takot eh, takot rin ako." Seryoso na siya this time. "H-ha? S-saan?" Nauutal na tanong ko. Eh kinakabahan nga ako kase ang lapit ng mga muka namin sa isa't-isa.

"Takot rin akong mawala ka." Grabe na talaga siya, parang gusto ko ng tumalon talon! Grabe talaga. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Maya maya naramdaman ko ang lips niya sa nose ko.

Bakit sa nose lang? Ang expectation ko pa naman sa lips!

Here's my konsensya again! Napadilat ako at biglang namatay lahat. Pati TV namatay as in wala na akong makita. "Gray? Nasaan ka na?" Tumayo ako teka, brownout ba? Kinapa ko ang phone ko sa pocket ko pero naalala ko! Nasa taas nga pala siya! Lumakad ako papuntang kusina hoping na may kandila pero useless din dahil hindi ko makita! Teka, akala ko magc-CR lang si papa kanina? Nasaan na siya? "Pa? Papa!" Sigaw ko. Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa madapa pa ako sa natapakan ko. "Tsk, ano iyon?" Pagtingin ko, flashlight. Binuksan ko agad at nakita ko ang back-door na nakabukas at nararamdaman ko pa ang hangin. Gusto ko ng lumabas dito! Naaalala ko pa iyong pinanood ko kanina. Grabe parang pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba! "Pa? Gray! Asan ba kayo!? Sana sinabi niyong mag-magh-hide and s-seek tayo para alam k-ko." Lumalabas na ako sa back door at puro damo ito at may tatlong malalaking puno. Ngayon lang ako nakapunta sa part na ito. "A-ang galing naman ng c-condo unit niya, m-may garden pa." Nanginginig kong sabi. Natatakot na kaya ako!

Maya maya biglang bumukas ang lights na nakapaligid sa mga puno at sa sobrang gulat ko nabitawan ko ang flashlight na hawak ko.

"Whatever weather, baby I'm yours. Be your forever, be your fling, baby I will be your everything." Kumanta siya at unti-unting lumapit sa akin. "I don't want you to be just my secretary, I want you to be my girlfriend. Will you?" Nakaluhod siya sa harap ko. Proposal lang ang peg diba?

Sa tagal na niyang nanliligaw sa akin, umabot din sa puntong ganito. Ayaw ko ng maging boss ko lang siya, gusto ko din siyang maging boyfriend. Kung iyon din ang gusto ko, bakit ko pa patatagalin ito, diba?

"Yes!" Masaya kong sabi nakita ko ang tuwa sa mga mata niya kasabay ng pagbuhat niya sa akin. Eto na iyon eh! Eto iyon! Nakita ko si papa sa gilid at nag-thumbs up lang siya sa akin. Binaba ako ni Gray at niyakap ng sobrang higpit. Sobrang saya ko rin na finally, I'm officially his girlfriend.

How can my bossy boss, be my boyfriend?

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now