16: Strange Night

9K 144 0
                                    

Sorry anak. Patawarin mo na ang papa.
Sorry anak. Patawarin mo na ang papa.
Sorry anak. Patawarin mo na ang papa.

Syempre, tinaboy ko siya at nagpaka-stubborn na naman. Paulit-ulit nagrereplay iyong sinabi niya sa utak ko. Sabi ng puso ko, makipag-ayos na ako pero hindi ako makapagsalita pag kaharap ko na siya, tinataboy ko pa siya.

"Cathy, mag hapunan ka na."

"Ayoko po. Nandiyan pa ba si papa?"
Binuksan ko unti unti ang pinto. "Wala na siya. Sige na." Sagot ng tita ko.

Nasa kalagitnaan kami ng dinner ng lumabas si tita at bumalik ng may hawak na flowers and chocolates. "Balak bang gawin niyang manliligaw mong garden itong bahay? Jusmiyo." I chuckled. Baka nga.

Tinawagan ko agad si Leo. "May balak kang gawing garden itong bahay no?"

[Haha. Sorry naman. Nagustuhan mo ba?]

"Sobra. Thank you so much."

[You're always welcome Cathy my one and only. Sige ah, may gagawin lang ako. Love you.] And he ended the call.

Dumating pa ang araw araw na pag-ulan ng mga bulaklak sa bahay na halos maging flower shop na  dahil sa iba't-ibang flowers, na lahat ay galing kay Leo. Malapit na rin mapuno ng chocolate ang ref, iyong iba pinapakain ko na lang kay Ren eh. At ang maliit na cabinet na naglalaman ng nagsisiksikang stuff toys. Nagugustuhan ko naman ang efforts niya pero malapit na rin akong mainis.

Bago umuwi, papalabas na ako ng CR at nakita ang isang lalaking nagma-mop sa CR ng gentleman, parang ang papa ko?

"Papa?" Tawag ko.
Napahinto siya sa ginagawa niya. "Ikaw ba yan, Pa?" Lalapitan ko na sana siya kaya lang tumakbo siya bigla. Hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan.

Baka hindi talaga si papa iyon. Saka kung siya iyon, bakit dito pa siya sa company na ito at magja-janitor lang?

As usual, nag-abang na naman ako ng bus dito sa waiting shed.

Ilang minuto pa pero wala pa ring nadating. Mayamaya may bumusina sa tapat ko. "I'll drive you home. Gabi na." OMG. ETO NA NAMAN ANG BOSS KO!

"Wag na sir, okay lang." Tanggi ko.

Bumaba siya ng kotse at biglang hinawakan ang bag ko. Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto. "Sir, wag na talaga. Okay lang sir. S--" he cut me off and pushed me inside the car.

"Okay nga lang sabi. From now on, I will drive you home after work. Okay?" Kundisyon niya. "Huwag ka ng tumanggi, because I'll do it everyday."

Nag-umpisa na siyang magmaneho. "Thank you so much sir. Pagiigihan ko po talaga sa work."

Hinatid pa talaga niya ako sa mismong tapat ng gate namin. "Sir thank you. " sabi ko pagkababa ko.

Nakababa pa rin ang mirror ng magsalita siya. "Kung anong gawin sayo ni secretary Dy, sabihin mo agad sa akin ah? "

Ano daw? Hindi ko naintindihan. Tatanungin ko pa lang siya pero pinatakbo na niya ang kotse niya.

"Mukang bagong manliligaw iyon ah?" Hala! Nandito pala si tita sa tapat ng gate. "You scared me tita! Hindi po, boss ko po iyon."

"Boss na manliligaw? Nice!" Nasapian ba ang tita ko at kung anu-anong sinasabi? "Hindi ko nga po manliligaw iyon tita."

"Oo na, sige na naniniwala na ako. Mukang walang bulaklak ngayon ah? Sinabihan mo ba iyong manliligaw mo?" Ang kulit ng tita ko.

"Tita! Boss ko nga po iyon, hindi siya nanliligaw sa akin!" Sabi ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Ay defensive oh! Sabi ko iyong isang manliligaw mo na nagpapadala ng mga bulaklak!" I left my mouth half opened. Lutang ka na naman Cathy.

"Talaga po? Hindi siya nagpadala ngayon? Hindi ko po siya sinabihan." Pagsasalita ko na lang.

"Hi Ren!" Papaakyat na ako sa taas para umiwas sa tita ko ng magsalita uli siya. "Tulog na ang kapatid mo." Ayy. Tumakbo agad ako sa taas at chineck si Ren. Tulog na nga, but still, I kissed him in his forehead.
----+
Dumating pa ang mga araw at hindi na nga nagpadala ng flowers si Leo. "Hindi na rin siya nagtetext at tumatawag sa akin and it felt strange. Kada oras tumatawag sa akin yon eh." Kwento ko kay Pat over the phone.

[So namimiss mo siya?] Pang aasar nya.

"Hindi iyon iyong sinasabi ko. Parang sobrang busy ba siya? Parang strange nga kasi."

[Miss mo nga. Baka nagkaproblema lang sa inaalagaan niya. Ito naman! Sige na, tatawag pa si Julius sa akin eh.]

"Iyan tayo Pat eh. Konti na lang aawayin ko na si Julius eh, bihira na tayong magkita. Umamin ka nga Pat, kayo ba ni Julius--"

[OMG. Hindi pa naman. Sigebyenightlovelove~] mabilis niyang sabi at binabaan agad ako ng phone. Grabe talaga ito! Hindi man lang magkuwento!

---+
Mamaya may pasok na naman pero alas dose na ng madaling araw buhay pa rin ang mga brain cells ko. Hindi ako makatulog, Leo's bothering me.

Aaminin ko na, namiss ko nga siya. Pero ilang linggo na siyang ganyan.

Kinuha ko ang phone ko at ite-text na sana siya ng makita ang pangalan niya sa screen.

"Leo! Buti naman tumawag ka na uli! Anong problema?"

Tahimik lang siya at hindi nagsasalita kaya tumahimik na lang ako at hinintay siya.

[Bakit, Cathy?]

Nagtaka ako, "Ha?" Anong sinasabi niya?

[I love you...] And he ended the call.

That was the most strange night I've been through.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now