38: Reminisce

8.5K 127 0
                                    

"Ibigay mo na kasi sakin! Akin na kase! Isa!" Kanina pa ako tingkayad ng tingkayad at takbo ng takbo dito.

"Ayoko! Habulin mo kasi ako!" Sabay tawa. Loko loko talaga ito! Lagi na lang akong pinapagod, kainis.

Pero hindi ko siya sinunod at naupo na lang sa paanan ng puno at hinabol ang hininga ko. Nakita ko siyang papalapit at habang nakangiti pa rin na labas ang dimples. Kahit kailan talaga, ang gwapo gwapo gwapo niya!

"Pagod ka na ba?"

"Oo! Pinagod mo ako eh, akin na kasi iyang phone mo at idi-delete ko na ang picture ko!" I crossed my arms at iniwas ang tingin sa kanya. Kunwari galit ako!

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. "Hindi ko na idi-delete ito." Bulong niya kaya napalingon ako sa kanya at saktong magkalapit na ang mga mukha namin. "B-bakit?" Kunwari inis pa rin ako. "Dito lumalabas ang tunay na beauty mo."

Tinulak ko siya palayo. "Aba't bakit?! Fake ba ang beauty ko?" Grabe siya.

"Hindi. You're always beautiful, the way you are." Sabay kindat sa akin. Psh, eto talaga iyong isa sa weakness ko-ang kindat niya.

"Psh, oo na." Sabay tingin sa blue sky. Ang ganda talaga ng panahon ngayon, kasing ganda ng relationship namin ni Gray.

"Tingin ka dito. Picture tayo sa Polaroid ko dali." Dala pala niya ito.

Tumingin ako sa camera at nag-smile, nag-peace rin ako. Nang saktong pinindot na niya ang button bigla niya akong kiniss sa cheek!

Gusto mo rin naman eh! Argh ang konsensya kong ito, tama na naman!

Pinalo ko siya ng mahina sa braso "Wala ka namang sinabi na ikikiss mo ako eh! " pinagpapalo ko siya tapos humiga siya pero sinama niya ako kasi hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Magkalapit na naman tuloy ang mga mukha namin.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at ganun din ako sa kanya, p-parang namamagnet ako! Grabe! Napapikit na lang ako and bang!

I felt his soft lips into mine. We stay like that for a minute and unti-unti akong dumilat at sabay kaming napangiti. Hindi ito ang first kiss namin pero eto iyong gusto namin, iyong totoo at hindi pilit.

"Let's go?" Inalalayan niya akong tumayo at pumunta kami sa isang fast food chain at kumain together.

"Do you remember our first kiss?" Tanong niya habang ngumunguya ng Burger. Tumango ako. "At doon kita lalong kinainisan!" Sabay tawa ko. Totoo naman eh, sino bang matino ang bigla na lang manghahalik sa taas ng roof top? Nagmukha nga siyang manyak at bastos na boss nuon para sa akin eh, swear!

"Sasabihin ko na sa iyo ang secret ko." Panimula niya at kumunot naman ang noo ko. "Ha? Nags-secret ka sa akin? Akala ko ba wala dapat secrets sa isa't-isa?" Mahinahon kong sabi.

Ngumiti siya. "No, it's not what you think." Medyo lumapit siya sa akin at lumapit rin ako sa kanya. "I like our first kiss." Sabay ngiti niya habang natulala naman ako. "Nung una parang hindi naman pero nuong mas diniinan ko pa, saka ko lang nagustuhan." Nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako. "Natatandaan ko pa! Kaya pala sinabi mo bago ka umalis 'I will kiss your sweet lips AGAIN' diba?" Sabay tawa ko na naman. Nakita ko ang pagkaasar sa mukha niya kaya naman pinigilan ko ng tumawa. "Psh. Kumain ka na lang nga." Utos niya.

Nang papalabas na kami ng fast food chain eksaktong nakasalubong ko si Julius at Pat at natuwa ako ng makitang malaki na ang tiyan niya! "Pat! Long time no see. Mukang malapit ng lumabas si baby ah? Dapat hindi ka na gumalaw-galaw!" Sabi ko habang nakatingin sa tiyan niya. "Iyon nga ang sabi ko eh, ang kulit kasi niya." Sabi ni Julius habang nakaalalay kay Pat. Kahit kailan talaga ang sweet nila.

My Bossy Boss (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara