03: Hard To Live Like This

17.7K 292 2
                                    

Hello readers! Iyong iba baka naguguluhan kase ang labas sa mobile phone, mas nauuna ang chapter 02: Eye Contact. Unahin niyo po ang chapter 01: This Is My Life pero kung nauna niyo na si 02 isunod niyo na ito.

PS: If ever na may misspelled names or words ako, comment kayo para madaling mabago. Feel free to comment and vote IF nagustuhan niyo lang naman. :)) enjoy reading!

-------+

Uupo na sana ako sa pwesto ko ng biglang...

"25 minutes late? Okay, wag ka ng magtataka kung bakit mababawasan ng 1500 ang sweldo mo." Cold na sabi ni boss.

Ano daw?! 1500?! Akala ko ba wala? Late lang ako hindi ako absent! Hinatak ko siya sa braso dahilan para tignan niya ako ng masama.

Nakayuko akong nagsalita "P-pero a-akala ko po sir pag absent lang iyon? Late lang naman po ako ah? Unfair naman po ata 'yon."

Inalis niya ang hawak ko sa braso niya.

"Sino ka para diktahan ako? Kung anong gusto ko, 'yon ang gagawin ko. Naiintindihan mo ba?" Tapos nilagpasan na niya ako.

Life is unfair talaga.

----+

Time check: 10:02 pm

"Bye Cathy!"

"Bye, ingat!" Nginitian ko ang isa sa mga officmate ko.

Tinanggal ko ang salamin ko at kinusot ang mata ko. Nakakasakit ng mata ang magbabad sa tapat ng monitor! 23/65 pa lang ang natatapos ko, kamusta naman health ko?

"Cathy, anong balak natin?" Tanong ng dalawang best of friends ko.

Sinuot ko uli ang salamin ko "Overtime" maikling sagot ko.

"Paninindigan mo talaga yan?" Humihikab na sabi ni Pat.

"Oo" I smiled, kahit pagod.

"Sorry Cathy, gusto sana kitang tulungan pero antok na antok na ako. Puyat rin ako eh." matamlay na sabi ni Pat.

"Ano ba! Okay lang yon kaya ko na 'to!" at sinimulan ko na ang pagtatype.

"Sorry din Cathy...'' Napatingin naman ako kay Leo na nakayuko.

"Gusto rin kitang tulungan, kaya lang may family dinner kami. Late na nga ako eh, sorry Cathy."

Ano ba naman 'tong dalawang to! Masyadong mababait!

"Hala ano ba! Ayos lang yun! Saka family comes first ano! Teka tama ba? Haha balak nyo ata mangonsensya eh! Sige na, ingat kayo!"

They waved at me "bye!"

----+

Okay, 26/65 na! Nahinto ako ng may nag ring sa tabi ko, phone ko. Sinagot ko naman.

[Ate! Umuwi ka na! Si papa kasi nagwawala na naman eh.]

Tumawag si Ren na umiiyak pero agad naman niyang binaba ang phone, kailangan ko ng umuwi!

Lakad-takbo ang ginawa ko para agad makauwi. Iba si Papa kapag naka inom. Baka kung anong gawin niya kay Ren, nag-aalala na ako.

"Mga palamunin lang kayo!" Narinig ko agad ang sigaw na iyon ng buksan ang pinto. Nakita ko si Ren na nasa sulok at umiiyak, may mga nagkalat ding bubog dahil sa bote ng alak at vases. Tumakbo agad ako sa pwesto ni Ren.

"Ren, ano ayos ka lang ba?"

Tumango lang siya.

"Sige, umakyat ka muna sa taas ah." at hinalikan ang noo niya. Sinunod naman niya ko.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo rito? Sabi ko na ngang wag kang magpapakita sa 'kin eh! Pero kung bibigyan mo ako ng pera, matutuwa pa ako sayo."

'Di ko pinansin ang sinabi niya at pilit kinuha ang bote ng alak sa kamay niya pero bigla niya akong tinulak.

"Bakit mo ba kinukuha?! Gusto kong uminom! Ang alak at beer hindi ako iiwan, palagi lang silang nasa tabi ko. Pero kayo iiwan niyo rin ako! Ang Mama mo, namatay na, si Ren mamamatay rin pati ik--" di ko na siya pinatapos pa.

"TAMA NA PA!" Mabilis kong kinuha ang bote sa kamay niya at tinapon ang laman no'n. Lumapit ako kay Papa.

"Hindi namin kayo iiwan Pa, nandito lang kami lagi sa tabi mo. Kung pwede ko lang bawiin si Mama ginawa ko na para di ka maging ganyan. Pero hindi na eh! Sana ma-appreciate nyo naman iyong ibang tao sa paligid nyo, hindi yung nags-stick lang kayo sa isang tao na wala na, na 'di naman na pwedeng bumalik sa inyo!"

*PAK!*

Isang malakas na sampal ang natanggap ko matapos sabihin ang mga iyon.

"Peste lang kayong dalawa ni Ren sa buhay ko, tandaan mo yan ah!" At umalis sa harap ko.

Sobrang sakit na sa mismong ama mo pa narinig ang mga salitang iyon. Parang ang bigat sa pakiramdam.

Nilinis ko na ang mga kalat at nakaramdam ako ng hapdi sa kamay ko.

Dugo. Dumudugo ang kamay ko.

Oo nga pala, tinulak ako ni Papa sa sahig na puro bubog kaya nasugatan ako.

Pumunta ako ng banyo para hugasan ang kamay ko pero wala na 'kong nararamdamang sakit, nanlalambot na lang sila, parang biglang sumama ang pakiramdam ko.

Naalala ko na naman iyong mga sinabi ni Papa sa akin. Naiiyak na pala ako. Kahit anong pigil ko sa luha ko tumutulo pa rin sila parang kami lang ni Papa. Kahit anong unawa ang gawin ko, at kahit anong pinagsasasabi ko bale wala lang sa kanya lahat ng iyon. Matigas pa rin siya, bato pa rin ang puso niya para sa amin ni Ren. Siguro kahit anong mangyari sa amin ni Ren wala siyang pakialam, ayaw na siguro niya kami sa buhay niya, no?

Pakiramdam ko talagang walang kwenta akong anak. Ni sariling tatay ko, hindi ko maalagaan man lang. Mama, tulungan mo naman sana ako, kami.

Ang hirap na, hirap na hirap na ako. Badtrip na buhay naman 'to oh! Ang hirap mabuhay ng maraming problema.

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon