12: Flight To Goodbye

13.8K 167 2
                                    

"Bilisan mo ah! Hintayin kita dito." Sabi ni Leo habang naka upo pa sa sofa. Inuwi na niya ako sa amin para makaligo at kanina, siya pa ang nagprepare ng breakfast namin, sweet isn't it?

Ng tapos na ako maligo, pinauna na niya ako sa sasakyan niya dahil makiki-cr daw siya kaya eto ako ngayon, pa linga linga sa kotse niya.

Ano kayang laman ng drawer na ito? I asked myself at binuksan ang drawer na meron ang kotse niya. Nakakita ako ng I.D picture niya at passport niya? Aalis siya? Ng makita kong papalapit na siya, dali dali kong ibinalik iyong passport niya sa drawer. Bakit hindi niya sinasabi sa aking aalis siya? Bakit tinatago niya sa akin?

"Ready?" Tanong niya kasabay ng pagstart niya ng makina. Tumango lang ako.

Habang nasa byahe nakikita ko sa peripheral view ko na tumitingin tingin siya sa akin. "Cathy, may problema ba?"

He asked pero iling lang ang isinagot ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Salamat." Sabi ko ng makarating kami ng building. Lumabas na ako agad at hindi na hinintay na pagbuksan pa niya ako. "Cathy" rinig kong tawag niya pero nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. "Cathy, ano ba! Mag-usap nga tayo!" Sabi niya kasabay ng paghatak niya sa braso ko at iniharap ako sa kanya. "Ano ba? Iniiwasan mo ba ko?" He looked straight into my eyes.

"Mas mabuti ng iwasan kita, iiwan mo rin naman ako diba?" Nakita ko ang pagkagulat niya pero napalitan agad ito ng malungkot na ngiti.

"Alam mo na?"

Tumango ako

"Sinong nagsabi sayo?"

"Nakita ko ang passport mo."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Hindi kita iiwan, Cathy."

Sa sinabi niyang iyon, napatingin ako sa kanya. Anong sinasabi nito? Sinungaling.

"Sasabihin ko naman talaga sayo eh ka--" I cut him off.

I fake a laugh "Ano nga ba ang karapatan ko para malaman ko? Hindi nga pala tayo."

"Cathy, listen to me. Wala mang tayo o meron, sasabihin ko pa rin sayo. Mamaya ko nga sana sasabihin naunahan mo lang ako, nakita mo na pala. Sorry, Cathy. Isang buwan lang naman ako doon eh." Then he gave me a hug. "Aalagaan ko lang naman iyong grandma ko doon kase walang ibang pwedeng gumawa non kundi ako. Sana maintindihan mo, I'm so sorry."

"Oo na. Naiintindihan ko na. Sorry rin." And hug him too.

"Hoy! Mga PDA na to! Tignan niyo oh! May mga audience na kayo!" Napabalikwas kami ng yakap ng marinig ang sigaw ni Pat. Tinignan ko ang paligid at nag-init ang pisngi ko sa nakita ko. May ilang passersby at ilang office worker ang nakatingin sa amin ni Leo. Grabe, nakakahiya! Si Leo kasi eh!

"Hoy ikaw Leorence! Inuwi mo ba itong kaibigan ko kagabi ha?!" Sigaw ni Pat kay Leo at tinuturo-turo pa siya.

"Hindi, kanina ko lang siya inuwi." Nakangiting sagot niya. Nanlaki ang mata ni Pat at parang gusto na naming matawa ni Leo dahil sa reaksyon ni Pat.

"Sa condo unit niya ako natulog." Dugtong ko pa.

"ANO?!" Halos mapasigaw si Pat at doon na namin nailabas ang tawa namin.

--+

"ANO?!" Halos mapasigaw na naman si Pat sa narinig niyang kuwento ni Leo na aalis ito ng bansa.

"Hinaan mo nga yang 'ano' mo!" Saway ko sa kaniya na halos mapatingin ang ibang tao dito sa cafeteria dahil sa sigaw niya.

"So kailan ba ang alis mo?" Tanong ko.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now