29: Care About You

7.8K 112 0
                                    

"Pumasok ka muna kaya sa loob?" Sabi ko kay Gray bago bumaba. "Sige."

Sumalubong sa amin ang muka ni papa. "Pwede bang mag-usap muna kami ng papa mo?" Bulong ni Gray sa akin. Eh! Nakakakiliti naman. Tumango lang ako at umakyat na sa kwarto ko.

Third person's POV

"Good evening po." Bati ng isang gwapong nilalang sa papa ni Cathy.

"Nakauwi na ako sa bahay namin, bakit hanggang ngayon kasama mo pa rin si Cathy? Wala ng rason para lapitan mo pa siya." Tanong ng papa ni Cathy kay Gray.

Tumawa lang ang lalaki. "Gusto ko po ang anak niyo." Diretso siyang nakatingin sa nakatatanda ng sabihin iyon. Halatang nagulat ang ama ni Cathy sa narinig niya mula sa lalake at sumama ang tingin nito sa kanya.

"Gusto ko po ang anak niyo na maging kaibigan."

Nagduda ang nakatatanda sa inasal ng lalake. "Umayos ka ha! Matanong nga kita, bakit naging tahimik ang anak ko netong mga nakaraang araw? May nangyari ba sa kanya?" Tanong ng nakatatanda dahil alam niyang laging siya ang kasama ng anak niya.

"Dahil po iyon sa Leorence Alvarez na iyon." Kinuwento ni Gray ang mga nangyari kay Cathy. Simula noong nakita niya ang pictures hanggang sa nangyari sa kaniya kanina.

"Pwede bang mag-ask uli ng favor sayo?" Tanong ng papa ni Cathy.

"Sure, ano po iyon?" nakangiting tugon ng lalaki.

"Ilayo mo ang Leorence Alvarez na iyon sa anak ko."
---+
Cathy's POV

"Bye pa! Pasok na po ako!" Sabay hug kay papa.

"Okay, ingat ka!" Paalala pa niya.

Nag-abang ako ng bus at pumunta papuntang trabaho. Maaga akong pumasok para makausap ko si secretary Dy. Kung bakit niya ginawa lahat ng ito.

Kumatok ako sa office ni Gray. Baka nandito siya. Kumatok uli ako pero walang nagbubukas ng pinto. Binuksan ko unti-unti ang pinto at nakita ang isang babaeng nakaupo sa sit ni Gray. Parang hindi naman eto si secretary Dy eh. "Excuse me?" Tawag ko at ng iniharap niya ang upuan niya nagulat ako.

"Who are you? I guess you're my son's secretary? Aren't you?" Son's secretary daw? Ibig sabihin mommy to ni Gray? My goodness! Parang mas matanda lang sa akin ng 2 taon ah! Ang kinis, ang puti, walang wrinkles, at muka namang mabait.

"Nope ma'am, I-I am just his employee here. Sorry."

Sinara ko agad ang pinto at ng humarap nakasalubong ko pa si Gray. "What are you doing here?" He asked. "I-i'm finding secretary Dy. But...s-suddenly I opened the door and found out that you're mom was there." Itinuro ko ang door sa likod ko. "S-sorry." Sabi kong nakayuko.

"You don't have to be sorry." Tinap pa niya ang ulo ko. "Bukas pa papasok si secretary Dy." Then binuksan na niya ang pinto at pumasok doon to meet her mom.

"Friend! Friend! Ano ka ba naman! Bakit hindi ka pumasok kahapon? Omg girl ah, nag-alala ako sayo! I called you kaya! Don't tell me you didn't check your phone?" Sunod-sunod na sabi ni Pat. Mabuti na lang medyo maaga pa at walang masyadong tao sa place namin. "Hala! Iyong phone ko, nakalimutan ko!" Grabe nakalimutan ko sa bed side table ko! "Hay nako naman! Magkuwento ka nga! Ano bang nangyari at parang naglabasan iyang eyebags mo at pumayat ka pa?!"

"Ay, sandali Pat, sandali! Ikukwento ko na maghintay ka! Susme!" Nas-stress ako sa pagbubunganga mo! Tumabi siya sa akin at halatang interesado nga sa ikukwento ko.

"Umuwi na kase si Leo." Hinanda ko na ang ear drums ko.

"What? Umuwi na siya?! Omg bakit di ako informed? Ay pero nung umuwi na siya may surprise ba siya sayo? Bongga ba? O simple pero sweet? Aaahhh kwento ka dali!"

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now