09: Lifespan

14.1K 205 3
                                    

28 missed calls at 63 messages.

Malamang kila Leo at Pat galing ito.

Napagpasyahan ko'ng wag munang pumasok ngayon. Bimabantayan ko pa ang kapatid ko'ng nakahiga habang may mga wires na nakakabit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sobra sobrang paghihirap ang binibigay sa akin ngayon. Una, nawala si Papa pangalawa, kailangang ma-confine ni Ren dito. At hindi lang iyon, malamang dito na rin siya tumira.

Masyado ng marami. Wala na akong magawa kung hindi umiyak na lang. Sobrang hina ko'ng tao na imbis na gumalaw ako, nandito lang ako, walang ginawa kundi umiyak. Lagi na lang akong pinapahina ng mga problema ko.

"Ate..." Pinunasan ko agad ang luha ko ng marinig siya. Ayokong makita niya 'kong mahina. Kailangan 'kong maging malakas sa paningin niya.

"Ren, ano kamusta ka?"

Ngumiti siya. "Wag ka na po umiyak, Ate."

Kilalang kilala talaga ako ng batang ito. Hinalikan ko ang noo niya at walang ibang ginawa kundi ngumiti na lang rin.

--+

Hindi lang dapat ako magmukmok dahil sa mga sunud-sunod na problemang dumarating sa akin kaya ito ako, nasa office na naman. Kailangan magtabaho ako ng mabuti para sa amin lalo na kay Ren. May mabait naman akong tita na mapagmalasakit sa amin. Siya ang pinakiusapan ko na bantayan ang kapatid ko.

Ilang buwan pa ang nagdaan at tapos na rin ang schedules at paper works na pinapagawa sa amin at ito na ang araw ng deadline.

Nang pumasok ako sa office ng bossy boss namin ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahinto ako sa paglalakad at napapikit. Naramdaman ko na lang na may tumulong sa aking magbuhat ng mga papel na dala ko kaya napadilat ako, it was my boss's secretary.

Nang akmang ilalagay ko na sa table niya ang papers I felt like my world stop. The next thing I knew is all went black and before that, I heard my name being shouted.

---+

"Nakakaawa na kasi eh."

I know that im surrounded by my best of friends at binuksan ko ng unti unti ang mata ko at hindi nga ako nagkamali dahil nandito si Leo at Pat. Nasa hospital ako.

"Cathy! Good to know that you're awake." Nakangiting sabi ni Leo.

"Okay ka na ba?" Pat asked, worried.

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanila kahit medyo nahihilo pa 'ko. "What happened?" Tanong ko sa kanila.

"You lost your consciousness because of depression and stress, you should have rest daw muna sabi ng doctor." Pat explained. I looked at Leo as if he wants to say something.

"Our boss brought you here. Pinapayagan ka daw niyang mag rest basta 2 days lang."

Napangiti ako. Makakasama ko ang kapatid ko. "Thank you guys." Sabi ko sa kanila habang nakangiti pa rin.

"Magthank you ka rin sa boss natin." Patricia suggested.

Should I?

Ito na ang pangalawang araw ng 'rest' day ko at bukas wala, kailangan ko na ulit pumasok. Pumasok ako sa kwarto ni Ren, nilapag ang dala kong pagkain, at pinagmasdan ang mahimbing niyang tulog.

Grabe. Awang awa ako sa kapatid ko na nagdudusa sa sakit niya. Bakit ba kase pinanganak siyang may Heart Disease? Basta Ren, magtatrabaho ako ng maigi at makakalabas ka din dito.

Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at ng makita niya 'ko, ngumiti siya. Parang sa isang ngiti niya lang, lahat ng pagod ko nawawala.

"Kain ka na para makainom ka na ng gamot." Sabi ko sa kanya at dahan dahang pinaupo.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now