19: Last Goodbye

8.7K 182 0
                                    

"Bakit pa?" Tanong ko agad at lumapit sa kanya.

Napapikit siya "Wala anak, napagod lang siguro ako. Sige na, magbihis ka na sa taas."

Sinunod ko na lang siya. Baka pagod lang talaga si papa.

~•~•~•~•~

"Anak, gumising ka na at kumain muna." Napangiti ako ng marinig ang boses ni papa. Ngayon ko na lang ulit ito naranasan.

Nakatulog pala ako.

Sabay kaming kumain ni papa at pinagusapan lang ang libing ni Ren. Grabe, parang ang bilis ng pangyayari, wala na talaga siya.

~•~•~•~•~
Ito na ang araw ng libing at ang ibang mga kamag-anak ko nandito, pati ibang office mates ko. Si Pat, Julius, secretary Dy at pati ang boss ko. Pinayagan naman niya akong hindi muna pumasok.

Matapos ang ilang oras, nagpaalamanan na kami.

"Cathy, condolence ah." Sabi ni Julius at Pat. Nginitian ko lang sila. "Una na kami ah."

Nilapitan ako ng boss ko at napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pagtibok ng puso ko na mabilis. Parang may racing sa arena, parang ganon. Pagod lang siguro ito.

"Condolences, Catherine. I would allow you to go back to work after 2 days. Dumadami ang clients." Ang cool ng itsura niya. Naka sunglasses pa siya na parang decent na pormahan talaga. "Ms. Catherine, have you heard what I said?"

Napabalik ako sa reality ko. "Yes sir. Thank you sa pagpunta." Nahiya tuloy ako kaya nakayuko lang ako. Hinawakan niya bigla ang chin ko at inangat ito kaya nagtama ang mga mata namin. Ano ba naman, ano ba itong ginagawa niya? Ang init na naman sa pakiramdam eh!

"Iiyak mo lang lahat, okay?" Bigla niyang nabitawan ang chin ko ng makitang papalapit si papa. "Y-yes sir."

"Condolences po Mr. Reyes." Very formal huh.

"Salamat, ijo."
"Sige po, mauuna na po ako. " paalam niya at umalis. "May gusto ba sayo iyon?" Tanong ni papa. Napakunot ang noo ko. "Papa! Boss ko po iyon at sa sobrang bossy niya, malabo atang magkagusto ako sa kanya." Humina ang boses ko pag dating duon sa part na 'malabo atang magkagusto ako sa kanya' bakit kaya? Baka pagod ako. "Ay sus. Halika na nga. Paalam muna tayo kay Ren."

Hinaplos ko ang lapida niya. "Bye Ren, I hope maging masaya ka na kasama ni mama. " Magkatabi lang ang lapida ni mama at Ren. Si papa naman ang nagsalita. "Mahal, sorry ah. Hindi ko natupad iyong pangako ko na aalagaan ko ang mga anak natin ng maayos. Hindi ako naging mabuting papa sa kanila pero ganun pa man, maayos na kami ng unica ija natin, sana bantayan mo si Ren dyan. Alam kong magiging masaya siya."

Hinaplos naman niya ang lapida ni Ren. "Ren, anak. Hindi man lang tayo nakapag bonding ng mas matagal kung alam ko lang. Di man lang nakabawi ng marami si papa sayo." Pinunasan pa niya ang tumulong luha nya. Kahit ako, naiiyak na eh. "Sorry anak. Alam kong hindi ako naging mabait na papa pero sana napatawad mo na ako ha. Magiging masaya ka na dahil kasama mo na si mama ha? Love you anak..." Naiyak na ng tuluyan si papa kaya hinawakan ko siya sa balikat para kalmahin.

"Tara na, pa." Niyaya ko na siyang umalis dito.

"Welcome back Cathy! Na miss ka namin. Sana okay ka na." Sabay yakap ni Pat sa akin.

"Oo, okay na ako. "

"Ms. Catherine, pinapatawag ka sa office ng boss. Sumunod ka sa akin." Sabat ni secretary Dy kaya sumunod na lang ako. Istorbo siya sa totoo lang.

"Ms. Catherine, I hope you're fine now. May ibibigay lang ako sayong papers at paki-review na lang. Saka paki-edit itong sa USB." Binigay niya ang USB at ilang papers sa akin. "Kailangan ko na iyan bukas ha. Sige, you may go now. "

Tumango ako at lumabas na, bago pa ko lumabas narinig ko pa si secretary Dy. "Please, wag mo ng gawin to, Gray..."

Sumagot naman si sir. "Sorry Bea. Sinabi ko naman say--" Hindi na siya pinatapos ni secretary Dy.

Hindi naman sa chismosa ako, curious lang naman. Kayo talaga!

"Dahil ba sa kanya? How dare you Grayson! After what I've done ganito na lang?! Ang daming ginawa ng family ko for you pero ano, dyan sa Catherine na iyan nasira tayo lalo na ikaw! Magsisisi ka. Sisirain ko siya sayo!" Naramdan ko ang foot steps na papalapit kaya umalis na ako agad sa tapat ng pinto.

Pero ano daw? Catherine? Sinong Catherine iyon?
---+
Bakit walang masyadong reads ang previous chaps? :( Basahin niyo po for more exciting chapters! ;)

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now