04: Priorities So Im Sorry

16.5K 278 1
                                    

Monday

*knocks*

Bakit walang sumasagot? Nakailang katok na ako ah! Ang bigat kaya ng mga papel na ipapasa ko sa kanya! Baka naman hinihintay niya na lang akong pumasok? O baka naman galit na galit na siguro siya kahihintay na buksan ko na ang pintong ito? Buksan ko nga!

Gulat na gulat

Iyan ang reaksyon ko ng buksan ko ang pinto. Sana pala hindi ko na lang binuksan. Ikaw kaya hindi ka ba magugulat kapag nakita mo na naghahalikan sina Secretary Dy at boss! At! Huwag ka ah! Nakakandong pa si Secretary Dy sa kanya! Mga tao talaga minsan oh! Harot! Oras ng trabaho eh. Eh nakakataas ng blood pressure iyong mga taong ganyan eh! Baka makaistorbo ako. Sinara ko na lang ng dahan dahan itong pintuan. Sana di nila ako nakita o narinig.

----+

_Rooftop_

Lunch break na at kasama ko si Leo na uminom ng C2 at kumain ng adobong luto ng mommy niya. Hindi ko na matatanggi na masarap ang adobo niya!

"Ang sarap ng luto ng mommy mo! Masarap din siguro iyong sayo no?" Tanong ko.

Parang nagulat naman siya sa tanong ko. "Masarap y-yung sa-sa akin?" Tanong niya.

May mali ba sa sinabi ko?

"Ibig kong sabihin, masarap ka din ba'ng magluto?"

Napakamot naman siya sa batok niya. "Ahh! Linawin mo kasi! Hahaha! Di naman gaano, sakto lang." Tunango na lang ako. Malinaw naman ata ang tanong ko.

"Asan pala si Patricia?" Tanong niya.

"Umuwing Iloilo. Libing ng lolo niya." Sagot ko.

Tapos nagkaroon ng 2 minutes of silence between us. Hindi ko alam dito kay Leo! Lagi naman siya ang nag o-open ng topic tapos ngayon tahimik at parang kasing lalim ng Pacific Ocean iyong iniisip!

Nililigpit ko na ang pinagkainan ko ng tawagin niya ako. "Cathy..." Lumingon ako sa kanya.

"Alam mo ba?" Tanong nya.

"Hindi pa. Ano ba iyon?" Sagot ko.

He chuckled "Kung ganon, makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko, okay?"

Tumango na lang ako tapos nakita ko yung cute na smile niya. Tapos nakatingin pa siya sa mga mata ko kaya di ko na tuloy maalis ang tingin ko sa kanya.

"Alam mo ba, simula ng maging mag kaibigan tayo, I was so happy. Simula ng nalaman ko lahat ng sayo, hinangaan na kita. Kahit wala ka ng mama, kahit may sakit ang kapatid mo, kahit sinasaktan ka ng tatay mo, nagagawa mo pa rin ang ngumiti. Noong una nga crush lang kita eh. But every time we're together, I realized that this thing isn't just that 'crush' thing. You know what, every smile you made, my heart-- ahh! Corny man na pakinggan, pero your smile makes me fall in love with you...

Alan mo ba na gusto kita?

I like you Catherine..."

Hinawakan niya ang kamay ko tapos hinalikan niya iyon. Sa mga sinabi niya, lalo na yung last sentence na 'I like you Catherine' biglang bumilis iyong tibok ng puso ko. Pero at the same time, naguluhan ako. Bakit? Bakit biglang ganito? Anong dapat kong isagot sa lahat ng tanong niya?

Lumuhod siya sa harap ko "Catherine Nicole, can I be your boyfriend?" Hawak niya ang silver ring na may ribbon. Best friend ko nga ito, alam niyang mahilig ako sa ribbons.

Kanina malakas ang tibok ng puso ko pero noong naisip ko sina Papa at Ren, biglang huminto ang pagtibok nito. Akala ko nga mamamatay na ako eh!

Paano kung sinagot ko siya?

Mawawalan na ng atensyon ang pamilya ko dahil mapupunta na lahat ng iyon sa kanya?

Eh bakit ko naman pinagplaplanuhang sagutin siya?

Hindi ko naman siya mahal eh.
Hindi ko siya mahal kagaya ng pagmamahal na meron siya sakin. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At sa tingin ko, hindi na iyon lalagpas pa.

Pero wala talaga akong alam sa mga ganito.

Mas madami pa akong priorities kaysa sa pagboboyfriend. Malaking responsibilidad din kaya ito.

Ngumiti si Leo ng nakakaloko "Nakakangalay ah!" Napatigil ako sa pag iisip. Bumalik ang tingin ko sa singsing. Napayuko ako't napapikit. She*e! Ang hirap nito!

"Leo..." Panimula ko.

"I'm s-sorry, sorry, hindi ko pa kayang pasukin itong bagay na ito."

Akala ko magagalit siya o maiinis at sasabihing 'SORRY? ANG HABA NG SINABI KO TAPOS NANGALAY AKO SA PAGLUHOD, IYAN LANG ANG SAGOT MO?! PUSANG GALA AH!"

Pero ngumiti lang siya at tinago ang magandang singsing sa bulsa niya. Hinawakan ko ang braso niya. "Leo, s-sorry talaga ah. Eh kailangan ko kasing alagaan pa sina Papa at Ren eh. Tapos mga priorities ko sila, sorry pero aaminin ko, hindi pa kita mahal gaya ng meron ka sa akin. S-sana maintin---"

"Shh. Okay lang, I understand. Pero... Okay lang ba na hintayin ko na mahalin mo ako?" Tanong niya.

Tanong na mahirap din na sagutin.

----+

Authors note: Kapag nagkatime po ako magdededicate po ako ng chapter. Comment po kayo guys! Para sa suggestion o how's every chapter, somethin' like that. At saka sa makakabasa nito, pag pray nyo po ako! (≈^∞^≈) para sa test ko tomorrow! Hehe. Thank you sa mga nagbabasa!

PS. 3+ comments and I will update the next chapter. Kapag walang nag-comment walang update! Hahahaha :P

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now