02: Eye Contact

31.9K 343 5
                                    

"Cathy! Paki-type naman to tapos pa xerox mo rin ah. Pakipasa sa akin sa Monday. Salamat!" Sabi sa akin ng isang babaeng kulang na lang ay maging top less dahil sa suot nyang damit na kita na ang cleavage. Sya si Secretary Dy.

Jusmiyo! Tambak na nga ako sa gawain tapos dadagdagan pa uli. Huhuhu!

Sinimulan ko ng i-type yon. Grabe lang, 5 pages na back to back. Di nga!? Ako yata favorite nilang tambakan ng gawain dito eh!

"Gusto ko, pag laki mo maging isa kang business woman ha, para umasenso tayo. Pag umasenso tayo, pwede mo na mabili ang gusto mo, maaalagaan ng maayos si Ren at ang papa mo."

"Gusto ko po daming laruan! Tapos papakainin ko si Ren at papa ng maayos! " sagot ko noon kay Mama.

"Hoy!"

Nagulat ako sa biglang tapik sa akin.

"Lutang ka dyan ah? " sabi ni Leo sa akin. Siya ang pinaka kasundo ko dito sa trabaho. My officemate slash boy best friend.

"Wala lang, may naisip lang."

"Tambak ka na naman ah? Takte, favoritism sila! Ikaw lagi pinapagawa niyan. Gusto mo tulungan kita?"

Ang bait talaga ni Leo! "Talaga? Pwede?" Ngiting ngiting sabi ko. Gusto kong mapatalon sa tuwa!

"Oo, papa-print ko na lang naman yung sa akin eh. Ano ba dyan?"

Binigay ko sa kanya yung 5 pages of paper na back to back at tumayo na siya. "Sige ha, doon na ko sa pwesto ko. " nginitian ko siya "Sige, thank you!" Sigaw ko.

Bigla naman akong tinawag ni Pat na katabi ko lang sabay sabing 'Sshhh!' Napatingin ako sa likod namin at nakita ko yung boss namin.

Fact: Siya ang boss na iba kapag nagalit. Super bossy na mahilig magdikta ng 'ganyan! Gawin mo yan! Anong tinatanga-tanga mo dyan?! Mag type ka! I-pa xerox mo to!' And so on blah blah blah.

Napabalik ang tingin ko sa monitor na nasa harap ko ng mapansin kong nakatingin siya sa akin ng masama. Omg!

"Okay, lunch break!" Sigaw nung boss namin. I felt a sight of relieved kahit papano. Naalala ko kasi dati:

Nakatitig si Pat sa kanya at sakto namang nagkatitigan din sila. Tumingin si boss ng masama kay Pat. Biglang pumunta si Boss sa room niya tapos.tapos.tapos!

"GAWIN MO LAHAT NG IYAN! Ipasa mo sa akin by Thursday at kapag hindi mo nagawa yan,"

Lumapit sa tenga niya si Boss
"Dadagdagan.ko.yan. At kapag nahuli pa kitang nakatingin sa akin, sisiguraduhin kong mawawala ka sa pwesto mo ngayon."

Halos maiyak na si Pat (Patricia) noon dahil Sunday binigay sa kanya at kailangang mapasa ng Thursday. Grabe sobrang daming paper works no'n at basta grabe.

Yun ang isa sa rules na kailangang tandaan dito.

Kaya nga kahit saved by the lunch time na ako, kinakabahan pa rin ako dahil baka bigla niya kong bigyan ng tambak na paper works.

Ganon! Ganon siya ka strikto pagdating sa aming office workers. Wag na wag mo lang siyang tignan o titigan at malalagot ka.

------+

"Sana wag. Kase hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako" kwento ko sa kanila habang ngumunguya.

"I will pray for you friend. Nako, halos Hindi ako nakakatulog no'n ng bigyan niya ko ng tambak na paper works. I hate him a lot na tuloy! Gwapo pa man din."

Napapailing na sabi ni Pat. Friendship ko rin siya dito.

"Nako Cathy! Sabihin mo lang kapag binigyan ka niya ng tambak na ganon! Hindi ako makakapagpigil at lulumpuhin ko siya ng hindi na siya--" napahinto si Leo sa pagsasalita ng biglang magsalita si Pat.

"Asus! Masyadong obvious na gustong gusto mong protektahan si Nikky kay boss! Ahihihi~" mala mangkukulam na hagikgik ni Pat.

Natahimik na lang si Leo at parang namula pa at napakamot pa sa batok. Alam ko ng may gusto sa akin si Leo, iniintay ko lang sabihin niya yun, saka kung meron nga, mag aantay pa rin siya dahil hindi pa ako ready dyan. May mga priorities muna ako. Nginitian ko na lang sila at pinagpatuloy ang pagkain.

----+

"Cathy, pinapatawag ka." Nagulat ako sa biglang tawag sa akin ni Secretary Dy. All eyes on me talaga. Halos alam na ata naming lahat ang ipapagawa ng mabait naming boss sa akin. Sinundan ko lang siya. Omg! Eto na yung pinaka kinakabahan ako eh.

"Eto na siya s-sir." parang naiilang na sabi ni Secretary Dy. Tapos lumabas na siya ng room. Ohmyyy. Gusto kong sumigaw ng 'SECRETARY DY! WAG MO AKONG IWAN DITO MAAWA KA! PRAMIS GAGAWIN KO LAHAT NG IPAPAGAWA MO!'' Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang seryosong mukha niya. Iniwas ko ang tingin ko agad.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito ngayon?" Nakatingin siya sa mga mata ko pero sa necktie nya lang ang tingin ko.

Alam ko ba? Sasagutin ko ba na alam ko po kung bakit ako nandito dahil bibigyan nyo po ako ng paper works. Ay hindi, baka magalit siya. Sasabihin ko na lang 'Hindi po'

"Opo sir." Hala! Sabi ko nga hindi ang isasagot ko eh.

"Buti naman" tapos ngumiti siya. Gwapo nga siya. Tama pala si Pat. Ka-turn off lang ang ugali niya. Tsk. "Lumapit ka dito." sabi niya. Lumapit naman ako.

Binigyan niya ako ng dalawang dangkal na mga papel. Susme! Ang bigat! "Monday ah"

Hala, malalaglag ko pa yung iba pero agad siyang lumapit at sinalo yon. Magkatapat ang mga muka namin at biglang pumasok si Secretary Dy- " Ehem. E-excuse me?" Parang sinadya niya yung pagubo niya. Agad akong lumayo at ipinatong ni boss ang ibang papel sa mga ibang papel na hawak ko. Tumingin siya ng masama bigla sa akin "You may go." at agad akong lumabas.

Nakakaiyak! Never kong inimagine na magiging isa ako sa tatambakan niya ng mga papel niya. Ang dami na namang gawain! Overtime ako nito bukas!

-----+

*KRIIIIIIINGG! KRIIIIINGGG!*

Time check: 7:02 am

Hala, omg! Badtrip! Late na late na ako! Hindi ako pwedeng absent dahil minus 1000 php ang sweldo ko ngayong buwan na ito!

Binilisan ko ang pagligo ko.

Nakabihis na ako ng bumaba ng hagdan.

"Oh ate? Bakit nandito ka pa po?" Tanong ni Ren habang kinukusot pa ang mga mata.

Gumising siya para pumasok. Kahit may sakit siya sa puso, pinipilit pa rin niyang makapag aral at tinutustusan ko iyon. Sayang rin, graduating na siya ng preschool eh.

'Na late ako ng gising eh. Mag oatmeal ka na lang muna ha, una na ko." Hinaplos ko ang ulo niya.

*beep* tinignan ko ang phone ko.

From: Pat

Uy! Papasok ka ba? Anong balak mo?! Nandito si boss!

Susme!

----+

Medyo na pagabi ang update.

Btw, tawag ni Pat kay Cathy ay Nikky, orayt?

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon