11: Soon

15.1K 184 2
                                    

"Thank y-you boss" Hindi malakas, hindi rin naman mahina. Sapat na para marinig ni boss ang sinabi ko. Nagmadali akong tumayo para habulin ang naglalakad na palayong si Leo, matapos niyang makitang nagyayakapan kami.

"Sandali lang Leo!" Hindi niya ako pinansin at dire-diretsong naglakad lang hanggang makapasok kami sa loob ng ospital.

"Leo!"

"Leo wait!"

"Sandali Leo!"

"Leo! Iyong nakita mo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lingunin niya ako at nagsalita.

"Iyong nakita ko? Ah, wag mo na lang intindihin iyong nakita ko. 'Wag mo na lang intindihin na nasaktan ako sa nakita ko."

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Grabe ka Cathy! Ano ba yang ginagawa mo?! Aish! hindi ko man lang naisip si Leo bago gawin iyon! Iyang utak mo talaga minsan Cathy!

Napapadyak akong umupo sa upuan malapit sa pwesto ko. Napatakip ako ng muka. Anong gagawin ko? Pumunta na akong room ni Ren para puntahan si Leo, I will say sorry to him. Grabe, hindi pa kami pumapasok sa isang relasyon pero nag-cause agad ako ng problema sa kanya!

"Leo, usap muna tayo?" Tanong ko sa kanya ng makita siya. Wala siyang sagot pero lumabas siya ng kwarto kaya sinundan ko siya. Good thing at wala na ang papa ko sa kwarto ni Ren.

"S-sorry Leo." Sabi ko sa kanya ng diretso sa mata niya.

"Sorry rin." Tapos niyakap niya ako. So I hugged him back. "Kung gusto mo ng masasandalan, nandito lang naman ako eh. Sabihin mo kung ano yang kinikimkim mo, sa iba mo pa sasabihin nandito naman ako, si Pat."

Tumango na lang ako sa mga sinabi niya. Tama siya. "Basta wag mo ng uulitin 'yon ah?" Tanong niya.

Sumagot ako "Hindi na po. Basta wag ka na rin seloso ah?" Pang aasar ko. Tinawanan niya na lang ako.

"Pero ano ba namang karapatan kong magselos kung hindi pa naman tayo, 'di ba?"

"L-Leo naman eh." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ngumiti siya, "Kalimutan mo na iyon, tara kain na tayo." At pumasok na kami sa loob.

---+

Tinanggal ko ang eyeglass ko at ipinikit ang mga mata ko. Magdamag na nga pala akong nakatutok sa screen nitong computer sa harap ko. Pero parang exagge, hindi naman talaga magdamag. Hindi pa ako nagdi-dinner kahit alas nuebe na at uwian na. Pero si Leo at Pat nasa tabi ko pa rin. Ah, na touch naman ako sa ginagawa nila.

"Tired? You should rest na." Maarteng sabi ni Pat habang nakatutok sa iPhone 6 niya.

"Maaga pa eh. Nasanay na akong umuwi ng alas diyes eh. "

Kumunot naman ang noo ni Leo. "Okay, from now on, babaguhin na natin ang nakasanayan mo. Uuwi na tayo ngayon Cathy, come on." at hinatak niya ang kamay ko pero nagprotesta ako. "Teka lang, teka!"

Napahinto naman siya sa paghila sa akin. "Papatayin ko muna iyong computer." Pinatay ko agad iyon at kinuha ang bag, at sinuot ang eyeglass ko.

"Ay so ganun na lang? Teka sama rin ako!" Sigaw ni Pat at sumunod sa amin.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng magsalita si Pat. "Uy, bar muna tayo dali! Nagyayaya mga friends ko eh. Sama kayo para mapakilala ko kayo sa kanila!"

"Cathy needs to rest okay? Kung gusto mo Pat, idadaan na lang kita doon at magparty-party ka mag-isa mo." Natatawa-tawang sagot ni Leo.

"Asus. Protective suitor naman nito! Nakakakilig! Don't worry, private bar siya ngayon. Nikky nandoon mga ibang college friends natin, minsan lang ito."

My Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon