23: When He Found Out

8.1K 132 8
                                    

"Kain na anak, sakto lang ang dating mo nagluto ako ng sinigang na bangus. Favorite mo 'to diba?" Sigaw ni papa mula sa kusina.

Kumuha ako ng bowl at kumuha ng sabaw. "Hmm! Ang sarap! Namiss ko ito." Hinigop ko ang sabaw hanggang sa maubos ko iyon. Parang puputok na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Simula kanina sa Chinese-Taiwanese resto na iyon hanggang sa sinigang na ito.

"Iyan lang ba ang kakainin mo? Kumain ka kaya ng kanin." Paalala ni papa.

"Busog na po ako eh."

"Ha? Saan ka naman nabusog?" Nagtataka siya.

"Kumain po kame ng boss ko sa Chinese-Taiwanese resto." Maikling sagot ko.

"Mukang close kayo ng boss mo ah?" Sabi niya matapos uminom ng tubig. "Alam mo, mas gusto ko pa iyang boss mo kesa doon sa Leorence na iyon eh."

"Bakit naman po pa?" Bakit ba ayaw niya kay Leo?

"Mas mabait kase ang boss mo." Ha?
"Bakit pa, close ba kayo ng boss ko?" Natatawang sabi ko. Kung magsalita kase siya parang matagal na silang magkakilala.

Ngumiti lang siya at napailing. "Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na." Change topic na naman siya.
---+
'Nagluto na ako ng breakfast, nauna na ako sa trabaho.' -Papa

Ang sabi sa note sa ref. Ang aga naman niya. Kumain tuloy ako mag-isa.

"Here's your appointment and schedule." Sabay abot ko sa kanya.

"Dapat kahapon mo pa ito pinasa ah." At nilagay niya iyon sa table niya.

"Eh niyaya mo 'kong magdinner. Pero kahapon ko pa ito tapos no!"

"Good!" Puri ni Gray.

Lalabas na sana ako ng pinto ng tawagin niya ako. Lagi na lang niyang pinipigilan ang paglabas ko ah!

"Mamaya, hintayin mo na lang ako sa bus stop ah. May meeting kasi kame so hindi agad kita masusundo." Paalala niya.

"Okay. So pwede na ba 'kong lumabas?"

"Sure. See you later." Then tuluyan na akong lumabas.

"Kamusta naman ang dinner kagabi?" Sinilip pa ako ni Pat mula sa divider.

"Ayos lang." Sagot ko habang nag-eedit ng mga drafts.

"Ay so ganun na lang, walang kwento?" Hindi siya kuntento sa sagot ko.

"Mamaya na Pat! Kita mo namang busy ako eh!" Napasimangot tuloy ako.

"Ay, okay! Asahan ko ang kwento mamayang lunch ah!" Sa wakas tumigil na siya sa pangungulit.

"Talaga? Ehh!" Kinikilig si Pat sa kwento ko. Iyong part na tinuruan ako ni Gray gumamit ng chopsticks. Buti wala si Julius dito dahil busy.

"Edi nagkakamabutihan na kayo? Teka, paano naman si Leo? Lagpas three months na di pa tayo inform kung kailan uwi niya."

Si Leo.

"Hindi ko rin alam kung kailan siya uuwi eh. Sige balik na ako sa work. May mga tatapusin pa pala ako." Paalam ko. Nagkakamabutihan? Hindi pwede. Kawawa si Leo.
---+
Naglalakad ako papuntang bus stop. Iniisip ko kung kailan kaya ang balik ni Leo. Tama si Pat, lagpas one month na hindi pa siya umuuwi. Baka nag-get together pa sila ng ibang relatives niya.

Speaking of, hindi ko inaasahang makikita ko siya dito ngayon. Nandito na siya, totoo ba itong nakikita ko?

"Leo? Leo ikaw nga! Nakauwi ka na pala, bakit hindi mo sinabi!" Natutuwa akong makita siya ngayon. I was about to hug him pero tinulak niya ako.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Inabot niya ang phone niya sa akin. At ng makita ko ang mga pictures, gulat na gulat ako. Paanong?

Picture simula nuong muntik na akong masagasaan pero niligtas ako ni Gray, iyong mismong posisyon namin non, iyong mga araw na dinadamayan niya ako sa hospital, at iyong araw na hinalikan ako ni Gray. Eto iyong sa rooftop!

Inagaw niya agad ang phone niya at sinampal ako. Sinampal ako ni
Leo.

"B-bakit?" Parang ang bigat ng pakiramdam ko at maiiyak na ata ako.

"I should be the one asking you! Bakit Cathy, why are you doing this?!" Kitang kita ko ang galit sa muka niya. Puro pain at galit sa mata niya.

Hindi ako makasagot. Bakit ko ginawa lahat ng ito? Bakit hindi ko naisip si Leo? Unti-unting tumulo ang luha ko.

"Sabi mo maghintay lang ako, I love you so so much, you know that right? Then why are you hurting me like this? Habang naghihintay akong mahalin mo 'ko pabalik, your dating other guys! At sa boss pa talaga natin?! You! You asked me to wait but while I'm waiting nilalandi mo na ang ibang lalaki, while I'm away! That hurts me so much Cathy! Pinagmuka mo akong tanga! ISANG MALAKING TANGA NA AKO NGAYON! Kung ganito lang pala sana hindi mo na 'ko pinaghintay, sana matagal na nating tinapos 'to para hindi na umabot sa puntong 'to! ****!" Galit na galit siya na parang gusto na niyang manuntok pero hindi ako malandi! Masyado siyang masakit magsalita.

"Hindi ako malandi at wala akong nilalandi Leo! Sabihin mo nga, sinong nagsend sayo ng mga pictures na yon, ha?"

Biglang lumabas si secretary Dy mula sa kotse ni Leo. "Ako lang naman." Nakangiti pa siya.

"Ikaw? Masaya ka na ba sa ginawa mo, ha?" Tanong ko habang naluluha pa rin.

"Mabuti nga sinabi niya sa akin eh. Eh ikaw, hindi! Mabuti nga sinabi niya na ngayon pa lang para hindi ako nagmukang tanga ng matagal! Aaaahhh! Tapusin na natin 'tong hintayan, Cathy!" Sigaw niya.

Biglang may humintong kotse sa tabi namin. Si Gray. "Siya ba 'yon?!" Tanong ni Leo at nilapitan niya agad si Gray at sinuntok kaya napahiga si Gray sa sahig. "Anong problema mo?!" Halatang galit din si Gray. Lalapitan ko na sana sila pero.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko, ****!" Nagstart na naman silang magsintukan. "Tama na iyan!" Kahit anong awat ko hindi ko sila mapatigil.

"Malandi kang lalake ka! Nilandi mo siguro si Cathy 'no? Walang *iya ka! Boss ka pa naman niya!" Galit na sabi ni Leo.

"Huwag mong dinadamay si Cathy dito! Don't act like you're Cathy's boyfriend!" Tugon ni Gray.

"At ano, you're her boyfriend now? Inahas mo pa ko? Aba ****!"

"Mas **** ka!"

"TAMA NA!" Hinawakan ko si Gray sa braso at inilayo kay Leo, nilayo rin ni secretary Dy si Leo kay Gray.

"At ano, mas kinakampihan mo iyang boss mo? Sige lang!" Sigaw ni Leo.

"Pwede ba, tumahimik ka muna Leo! Tapusin na natin ito, huwag...huwag ka ng maghintay sa akin. Hindi na kita kayang mahalin pabalik. Ayoko ng maghintay ka. Sorry Leo, sorry." Naiyak na naman ako.

"Bakit Cathy? Dahil ba mahal mo na iyang lalakeng iyan? Hanep ah! Saglit lang akong nawala may mahal ka ng iba? Ganon ba iyon, ha?!"

"Hindi Leo! H-hindi naman kita minahal eh..." Alam kong nasasaktan ko siya ngayon, gusto ko lang na tumigil siya. "Sorry Leo, sorry!" Niyakap ko siya. "*****!" He murmured. Mahina niya akong tinulak kaya napatigil ako sa pagyakap sa kanya.

"Nagreresign na ako sa company." Sabi niya habang nakatingin kay Gray. "**** ka kase eh, inagawan mo ako habang wala ako." Binigyan niya si Gray ng matalas na tingin at sumakay na siya sa kotse niya kasunod si secretary Dy. Kasama pa talaga ang babaeng iyon?

"Cathy..." Tawag sa akin ni Gray.

"Huwag mo na muna akong ihatid ngayon, Gray. Huwag mo na muna akong lapitan o kausapin!" Saktong may dumating na bus at sumakay ako agad duon.

Ayoko na muna siyang makita, ayoko na munang pumasok pa sa isang problema.

---+
Love square ito! Haha!

#TeamGrayxCathy or #TeamLeoxCathy? Saan kayo?

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now