Epilogue

13.8K 188 8
                                    

Hello sa inyo! (May readers pa ba ko?) Sorry kung naging hiatus ito, ewan ko ba kung bakit! Hahaha. Pasensya na sa mga naghintay, actually matagal na itong draft at hindi ko lang na-publish, salamat sa pag-unawa at salamat ng sobra dahil may mga nagbabasa pa rin at umabot nga ng 5.1k reads. Arigatou everybody! :*

A/N: Finally! Na-reach na rin natin ang end. Enjoy reading ~! :*

---+
"Kayo po ba ang mommy ng patient?"

"Opo doc, ako po. Ano po bang lagay ng anak ko?" Nag-aalalang sabi ni tita, and I feel the same way; alalang-alala na ako.

"Hindi talaga namin inoperahan ang patient, chineck lang namin siya. And base on several tests na ginawa namin, malaki ang tinamo niyang sugat. We need an experts para magamot siya. I'm sorry Mrs, excuse me."

Napaupo na lang si tita at naiyak. Pilit ko siyang pinatahan pero habang ginagawa ko iyon naiiyak rin ako.

Dalawang araw matapos ang aksidente, tinawagan ako ni tita.

[Ija, ngayon na ang alis namin papuntang U.S ah. Are you sure hindi mo na talaga titignan si Gray?]

Gustung-gusto ko siyang makita, pero may nagtutulak sa akin na huwag. Ayoko, ayoko siyang makita. Ang gulo. Naguhuluhan ako ng sobra.

"B-balitaan mo na lang po ako tita. Tita, i-promise mo sa akin na kapag naging maayos ang lagay niya tatawagan niyo ako agad, please tita." Umiiyak na sabi ko.

[Okay, I'll promise. Tatawag ako agad. ]

"Have a safe trip t-tita." I immediately ended the call.

Nung sinilip ko siya sa private room niya two days ago, gusto kong tumakbo papalayo, gusto kong makalayo agad.

Ayoko siyang makitang ganon. Puro sugat ang muka niya, natanong ko pa sa sarili ko kung siya ba talaga iyon.

Gusto ko siyang makitang ayos, iyon ang gusto ko. Hirap na hirap siya, alam ko iyon.

Simula nuon, parang na-trauma ako na lumapit sa kanya.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at hinayaan ang sariling umiyak. Sana maging maayos ang operation niya, sana bumalik siya agad.

Balikan mo ako agad, Gray...
---+
Nagising ako at nakitang nakaupo si papa sa gilid ng kama ko.

"Good morning, anak." Napangiti ako. Siya ang nagbibigay ng rason kung bakit pa ako ginigising ng Diyos tuwing umaga. I'm thankful hindi na niya ako iniwan.

"Good morning pa." Unti-unti akong umupo.

"Anak, alam kong umiiyak ka pa rin kada gabi. Anak ipahinga mo naman iyang mata mo. Diba sabi nga nila, babalitaan ka nila kapag bumuti ang lagay niya?"

"Pero pa ang tagal naman kasi." Naiiyak na naman ako, hindi ko mapigilan.

"Oh, iiyak ka na naman. Anak wala kang pasok ngayon, imbis na ikulong mo ang sarili mo dito sa kwarto buong araw, pasayahin mo naman ang sarili mo sa mga simpleng bagay."

"Pa, sa kanya lang naman ako sumasaya eh." Pinunasan niya ang luha sa mata ko.

"Anak, babalik si Gray. Hindi siya mawawala gaya ng iniisip mo ngayon."

"Pero paano kapag hindi successful iyong operation? Makakabalik pa ba siya? Sure ba kayong makakabalik siya?"

"Anak, shhh. Bigyang pansin mo naman iyong mga positive na bagay, puro ka kasi negative eh. Ganito, mag-ayos ka ha. Wear your most beautiful dress at lumabas ka naman. Huwag mong itago iyang ganda mo. Sige na tumayo ka na dyan." Bago niya isara ang pinto nagsalita ulit siya. "Mag break fast na tayo. Mag-ayos ka pagkatapos ah?" At tuluyan na siyang lumabas.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now