40: Unexpected

8.7K 113 2
                                    

"Oh anak, nandyan na ang sundo mo!" Narinig kong sigaw ni papa mula sa baba. Na-late kasi ako ng gising kaya kakatapos ko lang maligo. Hindi pa tuloy ako nakakain.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at humalik kay papa. "Pa, alis na po ako." Niyakap niya ako at binigay sa akin ang isang baunan. "Alam kong hindi ka na makakakain, kaya ginawan na kita ng sandwich. Sige na ingat ka." Kahit kailan talaga, palagi akong inaalala ni papa. Bumawi talaga siya sa lahat ng kasalanan niya sa akin dati.

"Thanks pa! Love you!" Lumabas agad ako at nakita ko na siya.

"Na-late ba ako ng sobra?" I asked. Ngumiti siya sa akin at kinuha ang bag ko saka ako pinagbuksan ng pinto "5 minutes late" sagot niya. Buti na lang five na lang, last week kasi ten minutes. Hehe! Pumasok na ako sa loob.

"Bukas half day lang tayo." Sabi niyang nakangiti.

"Alam na?" Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.

Kapag half day lang kame, madalas kaming mag-date—kumain sa labas, mag picnic, mag mall, mag road trip at kung anu-ano pa!

Mabilis lang kaming nakarating sa company at nag-park siya agad. He held my hand and we walk together.

"Saan mo gustong pumunta bukas?" He asked habang naglalakad kami papunta sa main door.

"Wala."

"Wala?" Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko.

"Oo! Duon na lang tayo sa condo unit mo at mag-food trip. Susubuan ulit kita ng grapes!" Natatawa kong sabi.

"If that's what you want."

"Good morning po sa inyo!" Ang kadalasang bati ng mga nakakasalubong namin.

"See you later." Hinalikan niya muna ako bago magpunta sa office niya. Palagi lang siyang ganun, hahalikan ako bigla. Ang sweet kaya niya!

"Hi Nadia!" Bati ko sa kanya and she just waved at me. Busy ata masyado.

-8PM-
Inayos ko ang mga papers at nilagay silang lahat sa folders saka inayos ang bag ko.

Napatingin ako kay Nadia na nakatutok pa rin sa computer niya na halos hindi na kumukurap.

"Hey Nadia, mauuna na ako ah? Hindi ka pa ba uuwi?" I asked. Kadalasan kasi siya palagi ang nauunang umuwi sa aming dalawa kaya nakakapagtaka na nags-stay pa siya rito.

"Kailangan ko kasing mag-over time dahil may binabayaran ako. Go ahead, be safe." Sabi niya. Tumango na lang ako at lumabas ng pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ko, nakita ko agad ang gwapong muka niya. "Papasukin na sana kita sa loob eh. Let's go?" He held my hand and sabay kaming naglakad.

"Let's go for a dinner date." Sabi niya habang pinapatakbo ang kotse niya.

"Saan tayo magdi-dinner?" Tanong ko.

Dinala niya ako sa  pizza and pasta resto.

Natapos ang dinner at hinatid na niya ako sa amin. Ang sweet niya talaga. Alam kong pagod na siya pero he still manage to have ourselves a quality time together.

Maaga akong nagising, ewan ko kung bakit pero parang hindi ako mapakali. 5 am pa lang gising na ako, pinilit kong matulog ulit pero hindi talaga nag-work.

Gising na kaya si Gray? I started calling him.

[Hmm? Bakit?] Mukang nagising ko pa siya.

"Sorry, nagising pa kita. Nami-miss lang kita."

[Its okay. I miss you too. Sunduin kita mamaya ha? Love you.]

"Okay. Love you too." And I ended the call. Napangiti na lang ako.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now