18: Condolences

8.6K 139 0
                                    

Authors note: Hi readers! Please help me to share this story sa iba. Share this on your wattpad addict friends. (OPTIONAL. If you're willing to do it, then go! If you don't that's fine with me. ;-)) Happy 2k reads! Thank you sooo muchy muchy!
---+
"Catherine!" Napatigil ako sa pagkayakap kay papa. "Sige anak, maiwan ko muna kayo." Sa pagkawala ni Ren, pinatawad ko na din si Papa. Oo, mahirap pero sino pa ba ang magdadamayan? Kami kami lang naman.

Napatayo ako "Anong ginagawa niyo dito sir?" Nakayuko lang ako. Pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Condolence. Alam kong mahirap tanggapin, but I know he's in a good hands now." Pinapagaan niya ba ang loob ko? Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. "Thank you sir. Pero hindi mo naman na kailangang yakapin pa k-ko."

"Sorry." Sa ibang direksyon siya nakatingin ng sabihin niya iyon.

Lumabas muna kami at pumunta sa garden ng hospital. "Pwede kang umiyak." Paalala niya pagkaupo namin sa bench. Hindi ko alam kung nang-aasar siya pero umiyak naman ako. At sa pangalawang beses, inabutan na naman niya 'ko ng panyo niya. Ito rin iyong panyo na inabot niya sa akin noong unang beses na umiyak ako kasama siya.

Pinunasan ko agad ang luha ko "Sorry sir, naabutan niyo na naman akong ganito. Saka sorry din kasi umalis agad ako sa work ng walang pasabi." Sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. "It's okay. I know it's urgent."

"Bata pa kasi si Ren, may Congenital Heart Disease na agad siya. Hindi na rin naagapan dahil sa financial problem. Hanggang nauwi na lang sa heart failure sa sobrang lala. Wala na siya." Nakangiti ako habang nagkukwento. Wala napa kwento na rin ako, parang ang gaan kase ng pakiramdam ko pag kausap ko siya. Ewan ko kung bakit.
"But I know sir, he's with mama na. Sana masaya sila."

"W-wala ka ng mama?" Takang takang tanong niya.

Tumango lang ako. "Sorry sir, napakwento pa ko. Salamat sir, for listening and staying. Nakaistorbo pa ata ako." Nahihiya na tuloy ako. Eh kasi naman! Daldal ko.

Nawala iyong ngiti ko ng makita rin siyang ngumiti. "It's okay. At least napagaan ang loob mo. Done checking my face?" Ay! Nakatingin pa pala ako sa kanya. Yumuko na lang ako. "Sige po, u-una na p-po ako." Agad akong umalis. "Pwedeng 'wag ka ng pumasok bukas kung hindi mo pa kaya!" Sigaw niya. Nilingon ko naman siya at tumango.
Kahit papaano, nabawasan iyong sakit na nasa loob ko.

Nakasalubong ko si tita at papa "Paano ba iyan Cathy, uuwi na ako ha. Condolence talaga, babalik na lang ako uli. Sige ha, Crensio una na ako." Paalam ni tita. "Salamat po sa lahat, tita." Niyakap ko siya.

"Ako na muna ang mag aasikaso kay Ren, alam ko na marami ka ng nagawa para sa kanya. Eto na lang ang pambawi ko." Tumango na lang ako

"Pa, uuwi ka po ba sa atin?" Tanong ko.
"Oo."

"Sagutin mo nga ang tanong ko pa, saan ka tumitira noong hindi ka umuuwi sa atin?" Sana magsalita siya this time.

"Sa isang condo unit. Tara na anak, umuwi na tayo." Tapos sumakay kami ng taxi.

Tinignan ko ang phone ko at nakitang nag message si Pat ng 'condolence' pero si Leo, walang message. Simula nuong 'I love you' niya, hindi na talaga siya nagtetext or tumatawag. Tinry ko minsan na kontakin siya pero out of reach o kaya di niya sinasagot kahit messages ko. Feeling ko nga baka may surprise na naman ang isang iyon!

As papa opened the door, he gasped for what he saw. "Mukang ang dami ko na talagang na miss na pangyayari ah? May manliligaw na ang unica ija ko? Tignan mo ang isang ito, ang ganda." Nakangiting sabi ni papa habang hawak ang isang bouquet ng flowers. Ngayon ko na lang uli siya nakitang nakangiti. Pero hindi pa rin maitatago ang lungkot sa mga mata niya dahil nawalan siya ng isang anak. "Sino ba siya? Gusto kong ma-meet sa personal ang manliligaw mo, ano ngang buong pangalan niya?"

"Leorence Alvarez po, papa."

I've seen his smile vanished slowly. And I wonder why.

My Bossy Boss (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt