06: Letter

16K 245 1
                                    

"Haaay!" I stretched my arms. Buti walang pasok ngayon!

Bumaba na ako ng hagdan at nagdecide magluto ng breakfast. Sakto namang gising na din si Ren. "Hi ate!" Bati niya sabay yakap sa akin.

Inilagay ko na ang sunny-side up egg at sinangag sa mesa at inilabas ang tinapay.

"Asan si Papa?" Tanong ko.

"Tulog na tulog nga po eh." Sagot nya.

Tumango na lang ako. "Kailan ang graduation niyo? "

"This coming Wednesday na po Ate! Ate, gusto ko pumunta ka po ah, pati si Papa."

Nawala ang ngiti ko ng marinig kong gusto niya rin na pumunta ang Papa namin. Paano ko kukumbinsihing pumunta siya kung wala naman talaga siyang pakialam sa amin?

Pero naisip ko, minsan lang mangyari ang espesyal na pangyayaring ito sa buhay niya, isa pa may sakit siya. Kaya gusto ko na maramdaman niya na special lahat ng bagay, iyong hindi niya mararamdaman na puro talaga problema itong buhay namin.

"Oh sige na, kumain na tayo." Change topic para di halata na nalungkot ako sa sinabi niya.

---+

"Ren ano ba! Kailan ka ba matatapos dyan? Antagal mo namang magbihis eh!" Sigaw ko habang nasa labas ng pinto ng kwarto niya. Antagal tagal kasi.

Habang nagpapa-pogi pa si Ren, pumunta muna ako sa kwarto ni Papa. Tulog na tulog nga siya, at mukang pagod at lasing. Kawawa naman ang Papa ko. Hinalikan ko ang noo niya bago narinig ang sigaw ng kapatid ko, kinumutan ko rin siya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Tara na Ren!" Masaya kong sabi at hinawakan ang kamay niya, mamamasyal kami ngayon kagaya ng sinabi ko sa kanya.

---+

"Salamat po, Ate!" Nagulat ako ng biglang sabihin iyon ni Ren kaya napalingon ako sa kanya.

Kasalukuyan kaming nag-gogrocery matapos naming kumain ng lunch kanina sa Jollibee.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Kanina po, sa Jollibee. Nabusog po ako! Saka sa lahat-lahat ng binigay at tinulong mo. Hindi ka sumuko kahit minsan pagod na pagod ka na po sa trabaho mo, salamat sa lahat, Ate ko na maganda na sweet na mabait!" Natatawa tawang sabi niya.

"Asus~ andrama naman ng kapatid ko! Tara na nga, bayaran na natin itong mga to sa counter." Yaya ko, masyado na kasing madrama iyong sinasabi niya, sensitive pa naman ako. Baka maiyak pa ako bigla dito eh.

---+

Binuksan ko na ang pintuan at inilapag ang mga groceries sa kusina. Umakyat na si Ren sa taas para magbihis. Tapos kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at isinalin sa baso ko. Nang akmang iinumin ko na ito, muntik ko ng malaglag iyong baso dahil madulas siya. Mabuti na lang mabilis iyong reflexes ko at naagapan ng isang kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano 'to? Anong nangyayari? Sinawalang bahala ko na lang dahil baka sa pagod lang din.

---+

Time check: 10:47pm

Late na pero hindi ako makatulog. Hindi rin ako mapakali, parang may kailangan pa akong gawin ngayong araw? Oo nga pala, bakit parang hindi man lang lumabas si Papa sa kwarto niya? Andiyan pa rin ba siya sa kwarto niya? Check ko nga.

"Papa?" Binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko ng wala siya dito sa kwarto niya. Asan si Papa? Teka nga, bakit ba sobra akong nag-aalala sa kanya? Minsan nga 12 am na siya umuuwi eh! Nandoon na naman siguro sa mga kainuman niya iyon!

Pero hindi ko alam bigla ko na lang binuksan ang ilaw sa kwarto niya at may kulay puting envelope akong napansin sa higaan niya. Nilapitan ko iyon tapos binuksan ko.

Mahal ko'ng mga anak na Cathy at Ren,

Alam ko'ng nag aalala na kayo sa akin sa mga oras na binabasa niyo ito. Wag kayong mag-alala, nasa ligtas na lugar ako. Babalik din naman ako sa tamang oras mga anak. Aayusin ko lang ang buhay ko at kapag handa na akong ipakita ang sarili ko sa inyong dalawa, babalik ako. Sa totoo lang hiyang hiya na ako sainyo lalo na sa panganay ko'ng si Cathy. Alam ko'ng pilit niyang inaalagaan at iniintindi ako pero ako pa ata itong parang hindi naging tatay sa kanya. Babalik ako ha? Sana ay maghintay lang kayo. Cathy, alagaan mo palagi si Ren at syempre wag mo rin namang kalimutang alagaan pati sarili mo ha. Alam ko'ng kaya mo na ang sarili mo pero sana mag iingat ka pa rin. Salamat Cathy, sa lahat ng pag unawa mo ha. Sorry, sorry din sa lahat ng bigat na ginawa ko sayo, sa inyo. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Ren at binabawi ko na ang mga masasakit na salitang sinabi ko sa inyo. Kalimutan niyo na iyon kasi mahal ko kayo, at lagi ko kayong mamahalin.

Lovingly yours,
Papa

Gusto ko'ng magalit sa kanya pero at the same time nalulungkot pa rin ako. Ano, matapos ng lahat lahat ng masasakit na ginawa niya aalis na lang siya bigla at gagawa ng sulat gaya nito?! Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng tatay ko! Bakit kailangan niya pa'ng umalis para ayusin iyong buhay niya?! Alam ko'ng hindi ko dapat sabihin ito pero wala siyang kwenta! Nakakainis eh! Ano ng gagawin ko? Wala na nga kaming mama pati siya mawawala pa sa buhay namin? Paano na iyong kapatid ko?! Hindi niya alam na napakasakit sa amin lahat ng ginagawa niyang ito! Pakiramdam ko naulila na kami.

Hindi ko din alam kung bakit ayaw pang tumigil ng nakakainis na mga luhang ito! Bakit ba kasi ako umiiyak?! Dapat malakas na ako eh! Ayokong umiyak ng dahil kay Papa.

My Bossy Boss (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora