39: 3rd Anniversary

8.3K 118 4
                                    

Nakaakbay siya sa akin habang may hawak na basket ang isang kamay niya habang nakayakap ako sa bewang niya. Papunta kami sa park at duon kami kakain.

Ako ang naglagay ng blanket sa green na green na grass habang nilalabas niya ang mga pagkain tapos nag start na rin kaming kumain.

"Alam mo, kahit kailan ang sarap ng hangin dito! Nakakarelax, ano?" Kwento ko pagkatapos ngumuya.

"Yeah, kaya nga dito kita dinadala palagi kasi nga maganda at presko ang hangin. Come." Niyakap niya ako at hiniga ako sa dibdib niya habang magkahawak ang dalawang kamay namin- intertwined pa ha!

Kumuha ako ng strawberry at sinubo iyon sa kanya. "Hmm, sumasarap iyong prutas kapag sinusubuan mo ako. " sabi niya.

"Ohh? Talaga?" Medyo natawa pa ako.

"Oo. Ayaw ko kaya sa strawberries at grapes. Pero kapag sinusubuan mo ako non, sumasarap sila sa panlasa ko." Nakangiti niyang sabi.

"Talaga? Eh di, palagi kong gagawin iyon." Hinalikan niya ang noo ko tapos nahiga na lang ako sa lap niya habang pinagmamasdan ang asul na asul na kalangitan. Naks, tagalog na tagalog naman ako.

Siya naman ang sumubo ng strawberry sa akin at ganun din ako sa kanya.

Hay, sana palagi na lang kaming ganito, masaya, walang problema puro ngiti at tawa lang.
----+
Sinagot ko ang panghuling tawag ng isang client na kailangan daw ni Gray sa isang meeting dahil ka business partner niya ito.

Matapos ng medyo mahabang usapan, binaba ko na ang phone at hinigop ang natitirang 3 in 1 coffee ko. Parang ang dami naming ginawa ngayon dumadami kasi ang clients dahil lumalaki na ang company nila Gray.

"Bye Cathy! Una na ako ha? See you!" Niyakap ako ni Nadia at niyakap ko rin siya. "Okay, ingat!"

Niligpit ko muna ang mga papers sa table ko saka pinatay ang computer sa harap ko. Parang may kakaiba akong nararamdaman.

Nang papalabas na ako ng pinto biglang tumawag si Gray. "Hmm?"

[Wag na wag kang gagalaw! Dyan ka lang ha? Stay there!] Parang hinihingal ang boses niya kaya kinabahan ako. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko.

"H-ha? Bakit? Ano bang nangyayari?" Gusto ko ng lumabas dito kasi nag-aalala na ako at the same time natatakot rin.

[Listen, huwag kang magbubukas ng pinto okay?] At nawala na lang ang call. Ano ba talagang nangyayari? Biglang namatay iyong ilaw dito sa loob! Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa bag ko. Ano ba kasing nangyayari? Okay lang ba si Gray?

Ano ba kasi talagang nangyayari? Don't tell me dahil lumalaki na ang company nila may mga traydor na pumasok dito tapos may mga dalang baril tapos...

Napailing na lang ako sa naisip ko. 3rd anniversary pa naman namin ngayon tapos ganito iyong eksena.

Dinikit ko ang mga tenga ko sa pinto at pinakinggan ang mga sounds...pero wala naman akong naririnig na kahit ano! Hindi kaya patay na silang lahat? "Hindi!" Sigaw ko. Hindi pwede!

Dahil matigas ang ulo ko, binuksan ko ang pinto at ginamit ang flashlight sa phone ko. O-okay lang k-kahit nakaabang na sa akin ang masamang taong may hawak na baril dito b-basta makita ko si Gray.

Walang katao-tao at parang wala namang bakas ng krimen. Baka mamaya may multo dito! Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa biglang nagbukas ang ilaw.

"HAPPY 3RD ANNIVERSARY BOSS GRAY AND SECRETARY CATHY!"

Lahat ng mga office workers, chairman at iba pang workers dito sa company sinigaw iyon, may mga hawak silang balloons at nagsabog pa ng confetti. Nakita kong may dalang bilog na cake si Gray na may naka lettering ng 'Happy 3rd Anniversary! I love you!' Napangiti na lang ako.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now