07: My Savior Is My Boss?!

15.7K 247 2
                                    

"Paano yan? Bukas na ang recognition ni Ren?" Tanong ko kay Leo.

Nandito na rin si Pat at kasama namin siya ni Leo ngayon sa Cafeteria ng building.

"Ipaliwanag mo kay Ren iyong nangyari. Maiintindihan naman niya iyon. Alam kong mabuti siyang bata." Suggestion ni Leo.

"Kaya nga naman! Saka tumigil ka na nga dyan sa kakaiyak mo! Iyong mata mo namumugto pa!" Sermon ni Pat saakin.

Paano, muka akong zombie na naka-drugs kanina. Di kasi ako nakatulog ng maayos tapos iyak pa ko ng iyak. Yes, I'm so weak. Tapos ngayon umiiyak pa rin ako habang kausap sila. Ayos lang na nakikita nila akong ganito, kaibigan ko naman sila.

Sumubo ako ng chocolate cake saka nagsalita "Ang hirap naman." sagot ko na lumuluha pa rin.

Tinap na lang ni Pat iyong likod ko "Kaya mo yan."

Hinaplos naman ni Leo iyong ulo ko habang pinunasan ko na iyong luha ko.

---+

Tinawag na ang pangalan ni Ren at umakyat na ako ng stage kasama niya. Masaya ako kase first honor siya, parang lahat ng pagod ko worth it kase nasuklian naman niya. Proud ate here!

Binilhan ko siya ng reward at napaliwanag ko na sakanya lahat ng nangyari. Tama nga si Leo, naintindihan niya iyon. Pero alam kong minsan hinahanap pa rin niya ang presensya ng Papa namin. Alam kong mas mahirap para sa kanya ang tanggapin iyon.

---+

From: Pat

Celebration ni Julius ng birthday nya bukaaaas! Sama ka Cathy? Tara! Para mawala iyang dinadamdam mo xD
9:49 pm

To: Pat

Ayoko, kayo na lang. Salamat na lang :)

√ 9:51 pm

Nasa way na ako papuntang sakayan ng bus ng bigla akong i-text ni Pat. Ayokong sumasama sa mga ganyan. Bakit pa ko sasama eh si Papa naman talaga ang kailangan ko ngayon at hindi iyang celebration na iyan! Babatiin ko na lang si Julius na ka office mate ko rin.

Papa naman, kailan ka ba babalik? Kahit minsan pasaway ka mahal pa rin kita, namin. Hindi ko maiwasang mangulila sa presensya mo. Iyong may sisigaw bigla sa akin, laging sisigaw ng 'nakakainis!', may biglang magbubukas ng pinto pagdating ng alas dose ng madaling araw. Nakakainis lang kasi kahit address o phone number niya, hindi ko ala--

Napatigil ako sa pag-iisip ng masilaw sa ilaw ng paparating na sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nasa kalsada na pala ako. Masyado ata akong pre occupied pero bago pa ako tamaan ng sasakyan na paparating, may humila sa braso ko at napahiga na lang ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko nga, maririnig na anytime eh.

Nasa ibabaw ko siya ng saktong huminto ang sasakyan. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang... Ang mukha niya, dahil sa ilaw na mula sa sasakyan para tuloy siyang anghel.

Napansin niya atang akward na ang posisiyon namin kaya tumayo na siya. Inalok niya ang kamay niya sa akin, tinanggap ko naman iyon.

"S-salamat sir." Sabi kong nakayuko, nahihiya ako. Tumango lang siya. Kung hindi dahil sa kanya, malamang nasa ospital na ako ngayon.

Naglakad na kami papuntang sidewalk ng mapahinto ako bigla...magkahawak pa rin pala ang dalawang kamay namin at napansin din naman niya iyon kaya inalis na rin niya. "Sorry" sabi niyang bossy pa rin. Tumango na lang ako.

"Ihatid na lang kaya kita?" Ano?! Inaalok ako ng boss ko na sumabay sa kanya? Wow. For the second time around, bumait na naman sa akin boss naming mahilig magpagawa ng paper works!

"N-no sir. Kaya ko na po, salamat na lang po." sagot ko sabay ngiti kahit hindi naman niya nakita kase nakayuko pa rin ako.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang baba ko para makita ang muka ko. Ano to? Bigla ko na lang tinabig iyong kamay niya. Sorry naman nabigla lang.

"Wag ka na ngang yumuko. You're beautiful if you chin up." ANO DAW? ANONG NANGYAYARI KAY BOSS?

"H-ha ano po? Bakit ka po ganyan sir? Hehe." Bakit pakiramdam ko ang init, parang hindi ako makahingang maayos, hangin!

He chuckled. Wow ulit. Ang gwapo naman ng tawa niya, manly pero parang hot ay di ko na ma-explain basta ang gwapo niya pati ng tawa niya. Ano Cathy?

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at pumasok sa loob. Wala ang astig ng kotse niya. Black na makintab pa! Binaba niya ang windshield sa gilid niya para silipin ako.

"Ms. Catherine, come on." Alok uli niya.

Umiling ako para sabihing ayoko.

"Get.inside.the.car.NOW" Ano ba yan, kanina ang bait bait tapos parang mangangain uli ngayon. Nakaemphasize pa iyong "Now" eh!

"GET INSIDE!" Sigaw niyang parang galit na. Dali dali akong sumakay. Katakot eh.

---+

"S-sir," panimula ko, bakit parang pag kasama ko siya naiilang ako lagi?

Lumingon naman siya sa akin.

"T-thank you po sa kanina ah. Thank you rin po sa paghatid niyo sa akin, pakibaba na lang po ako dyan." Sabi ko.

"Sa tingin mo ba niligtas lang talaga kita kanina? Hah! I'm your boss after all, hindi ko gagawin iyon sa empleyado ko lang. May naalala lang ako kaya ko ginawa iyon."

Hininto na niya ang sasakyan niya sa gilid. "Eh kahit ganun pa man, thank you pa rin po." sabi ko at lumabas na pero bago ko pa isara ang pinto, narinig ko siyang nagsabing "Ingat ka. Bulag ka pa naman." Grabe ah! Sadyang pre occupied lang naman ako kaya hindi ko nakita iyong paparating na kotse ah! Sasabihin ko sana iyon pero mabilis na niyang pinatakbo ang sasakyan niya. Akala ko pa naman, ah!

Pero nakakapagtaka lang kasi talaga! How can my BOSSY boss, be my SAVIOR?

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now