34: First Love

7.5K 129 0
                                    

"Four letter word
But I don't have the guts to say it
Smile til it hurts
Let's not make it complicated
We got a story
But I'm about to change the ending
You're perfect for me
More than just a friend so we can just stop pretending now
Gotta let you know somehow

I'll be your shelter--" Sinagot ko ang istorbong call na nagpagising sa masarap kong tulog.

"Hmm?"

[NASAAN KA NA BA? KANINA PA AKO NANDITO SA LABAS NG BAHAY NIYO, BUMABA KA NA!] Siya pala. Ginamit na naman niya ang bossy niyang boses kaya nagising na ang diwa ko. Nako, na-late na pala ako ng gising, takte!

"Okay, 15 minutes lang!" And I ended the call and hurriedly went to the bathroom to get a super quick shower.

10 minutes lang ako naligo at 4 minutes na nag-ayos. Isinuot ko na agad ang black wedge ko at binitbit na lang ang blazer ko. Basa pa ang buhok ko, ano ba iyan!

Narinig ko ang busina niya na parang galit na galit na. Sorry, boss!
"Ay, sorry 'Sir'!" Malakas kong sabi. Kahit galit siya, hindi nawala ang pagka-gentleman niya kasi pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto.

"Ilang minutes ka na bang naghihintay sa labas?" Tanong ko habang pinapaandar na niya ng mabilis ang kotse niya.

"Mag-iisang oras na." Tipid niyang sabi at alam kong galit siya. Oh-oh. Ang tagal niyang naghintay. "Bakit b-ba kase ang aga mo n-ngayon eh." Bulong ko. "Sorry na, sa susunod tawagan mo ako bago ka pumunta para ready na ako." Napabuntong hininga na lang siya saka niliko ng mabilis ang kotse sa intersection. "A-ano ba! Ang bilis mo!" Matapos niyang iliko ang kotse niya, bigla niyang ipepreno!

"Sorry." He apologized. Tsk, kung galit siya, sabihin niya sa akin! Hindi iyong dinadaan niya pa sa ganito na pwede kaming mapahamak!

"Ibaba mo na ako." Sabi ko habang nakatingin sa labas.

"No." At nagmamatigas pa siya ngayon?

"Ibaba mo na sabi ako. " Hininto niya ang kotse niya at bumaba ako agad saka nag-abang ng taxi. Mas mabuti pang dito ako sumakay, mas safe pa kesa sa Gray na iyon.

Sabi niya lagi niya akong proprotektahan pero sa simpleng pagda-drive hindi na niya magawa?
"Oh Cathy, bakit late ka?" Si Nadia.

"Na-traffic lang." Sinungaling.

"Oh. Alam ko wala namang traffic kanina ah? Medyo kakarating ko lang kas--" Pinutol ko siya.

"Traffic nga pag dating sa akin eh." Madiin kong sabi.

Umupo na ako sa sit ko at nilagay ang gamit ko sa table. "Sorry Nadia." Nadamay pa siya sa galit ko.

"O-okay."
--+
"Pumunta ka sa office ko ngayon na." And he ended the call. Hindi man lang niya ako hinintay na sumagot.

Niligpit ko ang mga gamit ko at pumunta na sa office niya. Naiinis na ako pero ito naman ako, susunod sa kanya.

"Kunin mo na lang dito ang mga records." Tinuro niya ang mga envelopes at folders na nasa gilid niya. Hindi man lang siya makatingin sa akin! Bakit, sobrang busy ba niya? May tumatawag pa sa kaniyang ibang business clients, ganito ba siya ka-busy? Parang dati naman hindi ah!

Tinignan ko muna ang bawat label ng envelope. Nang makita ko na, hinugot ko ang isang brown envelope and accidentally, nalaglag sila lahat kasama ang isang makapal na libro. Ang clumsy ko, nakakainis.

Isa-isa kong pinulot ang mga envelopes at folders kasama na ang makapal na librong nakataob.

Ang bigat naman neto! Napahinto ako sa pag-aayos ng makita ang isang picture at isang ring ata ito na gawa sa grass? Tuyong-tuyo na nga lang ang grass.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now