20: His Past With Her

9.7K 193 3
                                    

Kumatok ako sa office niya at sumalubong ang nakasimangot na mukha ni secretary Dy. "Why are you here?" Tanong niya ako at pinanlisikan pa niya ako ng mga mata niya. Nakakatakot ah, para siyang witch! Really!

"Ipapasa ko lang po ito kay...sir. Nandyan na po ba siy--" she cut me off.

"Wala! Wala pa siya dito! Ako na lang ang magpapasa! You may go!" Hinigit niya ang paper at USB and I gasped nong nakita kong may punit na ang papers na iyon. Nanira pa siya!

"Look what you did?! May punit na! Ayaw mo pa kasing ibigay eh!" Sigaw niya na parang ako ang may kasalanan ng lahat.

"Correction lang po Ms. Beatriz Dy, hinigit niyo po sa akin iyang mga papel at hindi po ako ang may kasalanan kung bakit may punit ang iba dyan." Depensa ko habang nakatingin sa kanya. Aba hindi ako papatalo.

"Oh, so you're saying that this is my fault? How dare you?!" Hinagis niya pa sa muka ko ang mga papel, ang bastos niya, nakakagigil!

Lalapitan niya na ko pero dumating siya "What happened?"

"Sir Gray, look what your employee did! Hinagis niya sa akin ang mga papers na iyan then pinunit pa niya. How rude is she?" Napailing na lang ako sa maling sinasabi niya.
"Sir, that's not true. Hinigit niya sa akin ang mga papers kaya napunit. You're rude! Ikaw ang naghagis sa muka ko ng mga iyan!" I can't control my temper now because of this woman!

"Enough! How can you do that Bea? This is my employee, you should treat her well. " Sabi ni sir at mas nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"You know that this is our presentation for tomorrow! Ulitin mo iyan Bea! Let's go Ms. Catherine." Tapos inalis na niya ang akbay niya sa akin.

"So you chose that girl over me?! I hate you!" Sigaw pa niya. Napangiti ako.

Aba ewan ko kung bakit basta nangingiti ako!

"Sorry for what happened Catherine, ako na ang nagso-sorry. Sige na bumalik ka na sa work place mo."

Tumango ako "Sige sir, thank you po." Tumalikod ako at napangiti na naman. Baliw na ata ako. "Sabi ng wag mo akong pino-'po'" paalala niya.

Lumingon ako uli at tumango na lang sa kanya. Oops I forgot.

Nang mag lunch break na, kasabay ko na si Pat at ang kanyang soon-to-be boyfriend na si Julius. Yes, nanliligaw na sa kanya ang lalaking ito.

"Kailan ba ang balik ni Leo?" Biglang tanong ni Julius. Nagkatinginan kame ni Pat.

"Hindi na nga iyon nagtetext sa akin eh. Eh sayo, Nikky?" Sabay tingin sa akin ni Pat. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Maski sa akin, hindi. Laging out of reach ang phone, tapos hindi nagrereply sa text ko." Sagot ko.

"Ay, baka may surprise na naman iyon sayo! Gosh! I can't wait!" Pat excitedly said.

"Doon excited ka, ang maging boyfriend ako, hindi?" Biglang sabi ni Julius at niyakap naman siya ni Pat. Magharutan daw ba.

"Iyon din ang gusto kong mangyari pero parang hindi eh. Ang strange kasi ng huling tawag niya. 'I love you' then iyon na ang last." Kwento ko.

Bilang kaibigan, hindi ko maiwasang mag-alala kay Leo. Baka may nangyari ng masama sa kanya o ano, hindi ko pa alam.

---+
Naglalakad ako papuntang bus stop ng maalala kong araw-araw na nga pala akong ihahatid ng boss ko.

Sakto naman ang dating niya. "Sakay na."

Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa itinigil niya ang kotse sa kanto kung saan may lugawan, mga street food stalls.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now