25: Questions

6.9K 124 1
                                    

A/N: Hello readers! Huhu. Masyado niyo akong pinapasaya! Salamat sa votes niyo! Comment din kayo ha? ;)
---+
Cathy's POV

Nagising ako, bago ang alarm ko. Ayokong pumasok ngayon. Ayoko siyang makita, ayoko siyang makausap.

Kapag nagkita kame, tatanungin ko siya kung alam ba niya ang tungkol dito.

Ano bang iniisip ko?! Ayoko nga siyang isipin ngayon! Ayoko!

Nagtalukbong ako ng kumot. Parang ang lamig ngayon at parang uulan. That's great, gusto ko rin umiyak ngayon.

Umiyak kase may nasaktan ako. Umiyak kase hindi ko alam na nakakasakit na pala ako. Umiyak kase umabot sa puntong ganito.

Pinatay ko ang alarm ko. Bad trip kase tutunog pa, gising na nga ako! Hay ano ba iyan, malamang tutunog pa rin, hindi ko naman in-off eh.

Pakiramdam ko mababaliw ako.

"while I'm waiting nilalandi mo na ang ibang lalaki"

Iyan ang linyang tumatak sa akin.

Hindi ito totoo. Hindi naman date lahat ng nasa pictures na iyon. Pinagtataka ko lang kase, simula ng kiss namin ni Gray doon sa rooftop, nilapit na niya ang sarili niya sa akin.

Alam ba niya ang tungkol dito? Alam ba niya na si secretary Dy ang may gawa ng mga pictures?

"****." I murmured. Kailangang makausap ko siya. Pero mamaya ng lunch break.

Kinatok ako ni papa. "Breakfast na tayo, nak."

Buong pagkain ay tahimik lang kami. "Anak, kung may problema ka pwede mong sabihin sa akin."

"Ayoko po munang pag-usapan ngayon. Sana maintindihan nyo. Mamaya aalis po ako mamaya ah. Tapos na po ako." Kinuha ko ang pinagkainan ko at nilagay sa sink. Umakyat agad ako sa taas.

"Hindi ka ba papasok?" Sigaw ni papa mula sa baba.

"Hindi po!" Sagot ko.

Maya maya nagprepare na ako. Casual lang ang suot ko. Fitted jeans at loose shirt. Wala akong dalang bag. Phone at wallet lang. Parang gusto ko mag-dress ah. Ano ba! Hoy Cathy! Makikipag-usap ka lang, hindi makikipag-date!

Konsesya ko na mismo ang nagsabi. Umalis na ako ng bahay.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Ang dami kong tanong, at gusto kong masagot na lahat ng iyon ngayon na mismo dahil kapag pinatagal ko pa, hindi ko alam ang mangyayari sa sarili ko.

Pumunta na ako ng company at sumakay ng elevator para maka-abot sa rooftop. Hindi ako nagmadali dahil para din may nagtutulak sa aking huwag pumunta dito. Kahit naguguluhan ako, parang ayokong marinig ang mga sagot sa tanong ko. Parang hindi ko pa kayang marinig lahat ng iyon.

Umupo muna ako sa bench na nandito at hinintay ang taong alam kong makakasagot sa madaming tanong ko.

At hindi ako nagkamali, nandito nga siya. Tumayo ako at parang nagulat pa siyang makita ako. "Cathy?" Tawag niya.

"Mag-usap tayo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Saan mo gustong mag-usap tayo? Sa coffee shop--" Masyado siyang maraming satsat.

"Dito, dito na tayo mag-usap. Ngayon na."

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" Is he densed? Bakit ba nagtatanong pa siya?

"Dideretsuhin na kita, Gray. Alam mo ba ang tungkol dito?" Nakatingin kami sa mata ng isa't-isa.

"Anong sinasabi mo?" At painosente pa siya ngayon?!

"Huwag 'kang magpanggap na inosente! Sa simula pa lang 'di ba? 'Diba alam mong si secretary Dy ang may gawa ng pictures? When you kissed me here, tinulak mo pa ang batok ko para mahalikan ka lalo? Kase alam mong may kumukuha ng picture sa atin? Ano bang gusto mong palabasin?! Bakit mo ba ako tinutulungan? Bakit mo ba ako nilapitan? Bakit mo ginagawa lahat ng ito? BAKIT, GRAY? BAKIT?! Answer me!" Galit na talaga ako kaya napasigaw na ako. Sa simula pa lang ba, alam na niya lahat ng 'to?

Parang naiiyak na rin siya na ewan.

"You want me to answer all your questions?"

He asked.

I don't know, I don't know, parang ayoko pa pero hindi pwede, kailangan ko ng malaman, hindi ko na dapat palagpasin ang pagkakataong ito.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now