28: He Saved Me Again

8.5K 137 2
                                    

"A-ano iyong r-rason mo?" Nginitian niya lang ako at maya-maya lumayo na siya sa akin. "Forget it. One day you'll know. Tara sa veranda?" Yaya niya kaya pumunta kami doon.

Binuksan niya ang sliding door at maaraw na. Hindi gaya kanina na umuulan pa. "Nakita ko na ito kanina, buti nga maaraw na hindi gaya kaninang umuulan." Sabi ko at sabay kaming sumilip. Tanaw na tanaw ang mga buildings dito. Ang ganda. Kitang kita ang buong siyudad. Kapag gabi siguro dito, kita mo ang city lights.  "Mas maganda siguro dito kapag gabi ano? Masarap sigurong mag star gazing dito. Na try mo na ba mag star gaze?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Gusto ko i-try kasama ka." Is he trying to make me pakilig? Gravity, sumasakit ang ulo ko. Umupo muna ako sa upuan at isinandal sa table ang ulo ko.

"Cathy" tawag niya sa akin. Lumingon ako sa kaniya "You look pale, are you sick?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Medyo nagulat pa ako pero alam ko namang walang malisya yon.

Hinawakan niya din ang noo ko, napapikit tuloy ako. "You're sick. Let's go downstairs." Inalalayan pa niya ako pababa. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Maaalahanin. "Gray, kaya ko namang bumaba ng hagdan." Binitawan niya naman ang kamay ko at humawak na lang sa railings ng hagdan. Napatigil ako dahil sumakit ng sobra ang ulo ko, pero keri pa naman. "Okay ka lang?" Tanong niya. "Oo naman." Sagot ko.

Umupo ako sa sofa habang nagpunta naman siya sa kusina. "Kainis naman, ngayon pa 'ko nagkasakit kung saka siya ang kasama ko." Bulong ko sa sarili ko habang hawak ang noo ko.

"Humiga ka kaya muna, at pupunasan kita." Paalala niya habang hawak niya ang planggana na may towel. "Ako na lang. Kaya ko na ang sarili ko." Tumayo ako at inagaw ang towel sa kanya pero tinaas niya iyon. Ang tangkad kaya nya! "Hindi, ako na. Ako na nga sabi!" At ginamit na naman niya ang bossy niyang boses. Pinahiga niya ako at pinunasan ang pisngi at noo ko.

"Bukod sa pagiging boss ko, nurse na rin pala kita ngayon." Pang-aasar ko.

"Nakuha mo pa talagang mang-asar eh 'no? Kakaiba ka talaga."

"Anong kakaiba? So alien ako, ha?"

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. I mean, your different from other girls I met." He explained. Napangiti ako. Ewan, nangingiti ako.

"Matulog ka kaya muna? Gigisingin na lang kita pag ihahatid na kita. Teka, nilalamig ka ano?" Tumango ako. Nilalamig ako pero pinagpapawisan pa rin ako. "Sige wait lang, kukuha ako ng kumot sa taas."

Hinintay ko siyang bumalik at ng makabalik siya, kinumutan niya ako agad. "Thank you, Gray." Sabi ko habang nakapikit. "You're always welcome." Sagot niya at naramdaman kong may humalik sa noo ko. Napangiti pa nga ako eh.
-----+
"Catherineeeee! Catherineeee!" Niyugyog-yugyog pa niya ako. "Aaahh! Ano ba?!" Sigaw ko at agad na napatayo. Eto na naman, magkalapit na naman ang muka namin. "Ah, sorry. A-ano uuwi na ba tayo?" Umayos ako ng upo at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Kinapa niya ang noo ko. "Nabawasan na ang lagnat mo. May masakit pa ba sayo? Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Napatingin ako sa Jollibee na paper bag sa center table. "Bumili ka pa talaga neto?" Tanong ko habang binubuksan ang brown paper bag. "Oo, para sayo naman eh." Ayan na naman siya.

"Ikaw nga umamin, bakit ba palagi mo na lang akong binabanatan?" Natawa siya. "Hindi iyon banat, iyon talaga ang gusto kong sabihin." Sabi niya at hinalo ang spaghetti niya saka binigay sa akin. "Medyo okay na ang pakiramdam ko. Hindi na masyadong masakit ang ulo ko. Ganito naman ako, mabilis magkalagnat pero mabilis ding gumaling." Sabay subo ng spaghetti ko. Parang nagutom ako bigla. Kinagatan ko pa ang burger ko. Bida talaga sa sarap ang Jollibee.

"Cathy," Tinawag ako ni Gray kaya napatigil ako sa pagkain. "Hmm?"

Medyo lunapit siya sa akin at nilagay ang daliri niya sa gilid ng lips ko.

My Bossy Boss (Completed)Where stories live. Discover now