08: My Fear

15.6K 209 1
                                    

"Yes! Kinikilig ako!" Sabi pa ni Pat at tinusok tusok pa ang tagiliran ko. Nakwento ko kasi sa kanya iyong kahapon. Between me and our bossy boss turned into my savior.

Natawa na lang ako sa kanya. "Oo nga pala, paano naman si Leo kung sakaling may gusto nga sayo ang boss natin?" Tanong niya. Kita niyo 'to, malisyosa ang isip. May gusto na ba agad kapag niligtas? "Ano ka ba Pat! As I said earlier nga, hamak na empleyado niya lang ako, tayo! Kaya imposible iyon, saka hindi rin ako umaasa. Malisyosa mo lang talaga. Ayun, hinihintay pa rin niya ako. Minsan kumakain kami sa labas kapag may time na wala kaming ginagawa." Sagot ko.

Nasabi ko na rin pala sa kanya iyong tungkol sa amin ni Leo at sa ginawa niya noon.

--+

Pumalakpak ang boss namin, hudyat na nakakuha ng lahat ng atensyon namin. "Okay, okay listen! Dumadami ang business partners ng kumpanya at kailangang ko'ng mag-assign ng maraming gawain sa inyo alright? We should get this work perfectly. But don't worry kase ngayon ko lang naman ipapagawa sa inyo ito. Okay back to work!" At saka tumalikod na sinundan naman siya ni Secretary Dy.

May mga narinig pa akong bulungan na 'ngayon lang daw pero lagi naman niya tayong tinatambak ng gawain rito' at 'Magreresign na nga ako dito bukas' tama naman sila. Pinag-iisipan ko rin ang pagreresign dito eh. Sinubukan ko dating mag-apply sa kung saan pero malupit ang buhay dahil sa dinami-dami ko'ng pinasahan ng application form, WALANG TUMANGGAP SA AKIN. Masaklap man, tiniis ko na lang dito, masasanay rin naman ako diba? 5 months na kaya ako dito! Wow diba?

---+

"Hatid na kita sa inyo?" Alok ni Leo sa akin.

"Hindi na. Sumama ka na lang sa celebration ni Jake. " Sagot ko namang nakapagpangiti sa kanya.

"Bakit pa ako sasama doon?"

"Para sumaya ka, bukas pa naman na ibibigay iyong mga gawain natin. Relaxation na rin, 'di ba?"

"Ayoko, nandito na ang happiness at relaxation ko eh. Bakit lalayo pa 'ko?" Ngiting ngiti naman siya.

Pinalo ko naman ng mahina ang braso niya at natawa na lang "Tara na nga! Ayaw mo pa patalo eh!" At sumakay na kami sa kotse niya.

"Goodnight! Take care!" Sigaw ni Leo. I waved at him and said "Goodnight!" Nang makauwi na kami sa amin.

---+

Ilang araw na o buwan na nga ata? Ay ganun pa rin. Busy pa rin kaming mga office workers sa mga ginagawa namin. Sa sobrang busy namin ay may ibang napapa-overtime at isa na ako doon. Sobrang hirap na kung minsan nakakalimutan ko'ng may Ren ako. Na baka mamaya di pa siya kumakain o kaya umiinom ng gamot niya. Gamot? Teka, baka wala ng gamot ang batang iyon?! Susme Cathy ang kapatid mo! Napapabayaan mo na!

Hindi na lang muna ako nag-overtime ngayong araw at nagpaalam na sa kaibigan ko'ng si Leo, si Pat wala. Umuwi na, hindi siya nag-oovertime dahil tamad siya.

"Hatid na kita? Uuwi na din ako eh." Alok uli sa akin ni Leo.

"Oops! Wag ka ng tumanggi tara na lang!" Hindi pa ako nakakasagot ng hilahin niya ang kamay ko.

"Nakakahiya na Leo eh. Napapadalas na paghatid o kung minsan pagsundo mo sa akin." Diretsong tingin lang ang binibigay ko ng sabihin iyon habang nagdadrive siya.

Ngumiti siya. "Wag ka'ng mahiya sa akin. It's okay for me. I don't care if you can cause troubles. At least ikaw naman at hindi ibang tao. "

I smiled. This man is really thoughtful.

Bago pa kami makauwi sa amin, bumili muna kami ng gamot sa kalapit na drugstore sa subdivision namin, para kay Ren.

"Thank you Leo. Sige, uwi na ko. Ingat." Sabi ko sa kanya.

"You're always welcome. Wag ka'ng mahihiyang tumawag sa akin kung may kailangan ka ha? Goodnight!" At umalis na siya.

Nang akmang bubuksan ko na ang pinto, nakaramdam ako bigla ng kaba. Hindi ko alam kung anong meron at bakit ko 'to nararamdaman. Basta biglaan na lang.

Inatake ang kapatid ko ng sakit niya sa puso. Nakatumba na lang siya sahig namin.

Kaya pala ako kinakabahan. Sana hindi na lang nangyari 'to. Madaming sana akong naiisip ngayon, hindi na ako nagdalawang isip na tawagan si Leo.

"L-Leo..." Tawag ko sa kanya at patak lang ng patak ang luha ko habang nasa lap ko ang walang malay na kapatid ko.

[Bakit Cathy? Anong nangyayari? Umiiyak ka ba? Anong kailangan mo?] Sunod sunod na tanong niya.

"Pumunta ka dito, please. Si Ren, si R-Ren... Leo, si Ren." Tulo lang ng tulo ang luha ko.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin siya. Sinakay namin siya sa kotse at agad dinala sa ospital.

--+

Inabutan ako ni Leo ng brown na paper bag. Pagkain ata ang laman kung hindi ako nagkakamali. Pero tinitigan ko lang ito.

"Cathy, kumain ka. You haven't eat your dinner yet ah." Leo convinced me.

"Ano? Gusto mo pa'ng subuan ka ni Leo?" Nakangiting tanong sa akin ni Pat. They insist me but still, I'm not insisted.

"Eto ako. Okay na okay pero hindi ko na namalayan na sa sobrang busy ko, napabayaan ko na mismong kapatid ko. Okay ako Pat! Okay lang ako kahit magutom ako ngayon! Kasi hindi naman ako iyong may sakit, hindi naman ako ang mahihirapan, si Ren! Hindi ko namamalayan na wala na pala siyang gamot! Ako na lang nga ang nag-iisang tumatayong nanay-nanayan niya pero wala akong kwenta! Napakapabaya ko'ng kapatid! P-pakiramdam ko, wala...na...a-akong silbi. Lahat na lang ng importanteng tao sa buhay ko nawala na. Kaya hindi...ako p-payag na pati siya mawala ng dahil sa kapabayaan ko." Naiiyak na pala ako ng sobra to the point na napapahagulgol na lang ako.

Natatakot ako. Natatakot na ako na pati ang kapatid ko, pwedeng mawala sa isang saglit lang. Madami na akong masyadong naiisip. Nakaka stress na!

Niyakap na lang ako ni Leo at ibinaon ko sa dibdib niya ang mukha ko. Tama, this is what I really need right now, a hug and a person who will listen to me. Naramdaman ko ang paghalik ni Leo sa ulo ko at hinaplos haplos niya ang buhok ko.

"Everything's gonna be alright, Nicole." Pagpapagaan naman ni Pat ng loob ko. Kahit alam ko na tamad ang babaeng ito, nagpunta pa rin siya dito sa ospital para tignan ako.

"Salamat sa inyong dalawa." sabi ko sa kanila.

"Family of the patient?" Napalingon agad ako.

"A-ako po Doc. Kamusta po ang kapatid ko?" Sana ayos na si Ren.

My Bossy Boss (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt