Chapter 14

2.5K 36 0
                                    

Amethyst's POV


Nagmamadali akong umuwi kanina dahil lang naman sa nalaman ko! OH MY GOOOSSSH! Sale pala ngayon sa Forever21! Kaya heto at nandito ako ngayon sa mall para mag-shopping! Since sobra ang perang nilagay ni Mommy sa account ko ay ipangsho-shopping ko na lang siya. Yiheee! Ang saya neto grabe!


Habang namimili ako ay biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon sa bag ko.Aish! Istorbo. Akala ko naman text, notification lang pala sa twitter ko. Di koi yon pinansin at ipinagpatuloy ko ang pamimili ng damit.


Maya-maya ay muling nag-vibrate ang cellphone ko at TAKE NOTE: Sunud-sunod na vibration iyon kaya naman nainis na ako at binuksan ko na ang twitter ko at—


o_O


WTF!


TRENDING AKO?!


"P-panong...nangyari yun?" I asked myself habang ini-scroll down ko yung results ng mga tweets sa akin and there! Yung picture pala namin ni Jace na nakaakbay siya sa akin. Teka, kanina lang to ah?

 

"Who's the girl? So lucky naman!"

"Girlfriend ba siya ni Jace?"

"Infairness, bagay sila!"


Ayan lang naman yung mga caption na nababasa ko from their tweets. Bagay daw kami ni Jace? Oh, well totoo naman. Nasa first spot sa trending list ang #JaceClarkson'sGF then nasa second spot yung #LuckyAmethystTuazon at nasa pang-third spot naman yung #AmeJaceCouple. Like, seriously? May mga picture na kami ni Jace nung una naming pagkikita pero joke ko lang naman na ia-uppload ko yun sa facebook, twitter or Instagram ko. Siyempre hindi ko gagawin yun dahil ayaw kong ma-issue si Jace ng dahil sa akin kahit kating kati na ko na i-uppload yun para ipa-inggit.


Pero kung kanina ay puro positive ang nababasa ko, may isang tweet na talagang nakapag-painit ng dugo ko.


"She's from Lambert University. She's not the girlfriend of Jace. Nilandi niya lang si Papa Jace! #DesperateAmethystTuazon"


Di ko na lang pinansin yun dahil so far, siya pa lang yung nababasa kong nag-tweet ng negative. Bahala siya! Ikakaganda niya yang pagiging insecure niya.


Ibinalik ko na yung cellphone ko sa bag ko atsaka ko ipinagpatuloy ang pamimili.


*******

Dumeretso ako sa isang restaurant after ko mag-shopping. Hello? Im hungry na kaya! Ang awkward pa nga e kasi halos lahat ng tao dun nakatingin sa akin. What's wrong? Alam ko maganda ako pero grabe naman sila kung makatitig.


Habang hinihintay ko yun order ko ay kinuha ko ulit yung cellphone ko sa bag ko atsaka ko muling binuksan yung twitter ko.


o_O


Trending na yung #DesperateAmethystTuazon at nawala na sa trending list yung #AmeJaceCouple at #LuckyAmethystTuazon. What the eff! Ang bilis naman?

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon