Chapter 11

3.2K 52 2
                                    

Amethyst's POV


Grabe! Until now, I still can't believe. Napakaliit talaga ng mundo. At talagang nananadya ang tadhana! Una, si Cullen, na dahilan kung bakit ko nakilala sa personal ang aking love of my life na si Jace. Although yung nagdala talaga sa akin ang pinaka-dahilan, bale sanga lang si Cullen... ah basta, di ko naman kasi alam kung sino yung nagdala sa akin dun pano ko siya pasasalamatan? Psh. Tapos panagalawa, ang ugat ng problem ko—si Carl na future husband ko at ang lalaking, uggh! How would I describe him? That evil guy! Sige na nga, that OH- SO- HANDSOME-EVIL GUY na Cloud Montero pala ang pangalan! Akalain mong magkakaibigan pala sila?! At ngayon, mga kaklase ko pa! Grabe na to, wooooh!


"Amethyst, tara na!" yaya sa akin ni Trish.


Sayang umalis agad si Jace kasama si Cullen. May taping daw kasi siya. Yayayain ko sanang mag-lunch. (^____^)V


"Trish, mukhang close na kayo nung future husband ko ah?" natatawang sabi ko.


"Sino si Clo- I mean si Carl?!" gulat na tanong niya.


"Uh-huh.."


"Huh? Di noh. Mabait naman siya, atasaka friendly..."


"Oh, e di sayo na! Please Trish! Gawin mo ang lahat para ma-inlove siya sayo, please..." parang tanagang pagmamakaawa ko.


"Baliw ka na ba?!"


"Eh kasi naman! Pag na-inlove sayo yun e di hindi na siya ipapakasal sa akin..."


"Tumigil ka nga Amethyst! Kakakilala ko lang dun sa tao e."


"Sus... tatagal pa yan! Hahaha basta si Jace abot kamay ko na!" tapos nag-evil laugh ako.


"Astig mo nga e! Biruin mo kilala ka nung apat?!" amazed pa na sabi niya.


"You know me..." I said with seductive smile.


After that chismisan thingy, dumeretso na kami sa cafeteria to take our lunch.


"Amethyst! Trish!"


 Napalingon kami dun sa tumawag sa magaganda naming pangalan. Si Carl pala.


Nakangiti kaming lumapit sa table nila. Peke na nga yung ngiti ko, nawala pa dahil dun sa unggoy na katabi niya.


"Hey you, BADLUCK GIRL..." bungad sa akin ni handsome-evil guy.


"Hello MY STALKER." bati ko naman sa kanya. Napansin ko namang nag-iba ang aura niya dahil sa sinabi ko. HAHAHA wag mo kong umpisahan unggoy ka dahil tatapusin kita!


"Wala ng vacant table... since dalawa lang kami ni Cloud you can sit here and join us." Nakangiting wika ni Carl.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon