Chapter 7

3K 44 0
                                    

Amethyst's POV


Monday morning.


It's already 6:30 am. Buti naman at 8 pa ang pasok ko ngayon. Bumaba ako at naabutan ko sila mommy sa living room. Oo nga pala. 9pm na ko nakauwi kagabi. Dumeretso na ko agad sa kwarto ko nun kasi pagod na ko. Hindi ko na rin kinatok sila mommy kasi alam kong pagod din sila sa trabaho at baka nagpapahinga na kaya hindi nila alam na nakauwi na ko. For sure sasabunin na nila ko ngayon. Okay lang kasi hinanda ko na rin ang sarili ko kagabi pa.


"Good morning hija. Buti naman at gising ka na." Dad said habang naka-smile.


Tumayo si Mommy.


"Let's go. Ready na yung breakfast." sabi ni mom atsaka dumeretso sa dining room.


Habang kumakain..


"Uhm... Mom, Dad... I'm so sorry.Sorry po talaga sa nagawa ko. Nabigla lang po ako sa mga biglaang desisyon niyo... Sana naman po naiintindihan niyo ko..." sabi ko sabay subo ng pork steak.


"It's okay." sabi ni mom tapos nag-smile pa siya saken. Huh? Parang ang weird? Yun lang yun?


Nakatitig lang ako sa kanila. Nakakapagtaka lang. Hindi naman sa gusto kong mapagalitan. Siyempre ilang araw akong di umuwi tapos hindi pa ko nagtext or tumawag man lang sa kanila para ipaalam kung nasan ako. 


"Bilisan mo na sa pagkain at baka mahuli ka pa sa klase mo." natauhan ako ng magsalita si daddy. Okay. Baka warning pa lang to. Hindi muna siguro nila ko papagalitan. Baka sa susunod na lang kapag inulit ko pa.


Isa lang ang ibig sabihin nito....




HINDI AKO GROUNDED!!!! YESSSSSSSS!!!



"Thanks Dad. Thanks Mom." tumayo ako at kiniss ko sila pareho tapos umakyat na ko para magprepare sa pagpasok.


——


 **Lambert University**


"TRISH!!" sa pintuan pa lang ako ng classroom ng mapasigaw ako kaya't lahat ng classmates ko ay napatingin sa aken."Hehe. Sorry." I said tapos nag-peace sign ako sa kanila at dumeretso na ko sa upuan sa tabi ni Trish.


"Anong meron? Ba't parang ang saya mo?!" nagtatakang tanong niya.


"Trish! Si Jace! Magkasama kami kahapon!!" kilig na kilig na sabi ko sa kanya.


Tinitigan niya lang ako at wala man lang karea-reaksiyon ang mukha niya.


"Utot mo Amethyst!" biglang sabi niya.


My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon