Chapter 39

3.5K 63 22
                                    



Amethyst's POV

Since start na ng practice ngayon para sa upcoming theater play namin ay dumeretso akong stadium dahil alam kong nandun na yung tatlo. Halos lahat ng madaanan kong kapwa estudyante ay nginingitian pa ako at binabati ng "Congrats sa inyo ni Cloud, Amethyst." yung iba naman, "OMG, bagay na bagay kayo! Sabi na nga ba e." like, wtf? Hindi ko sila pinagpapansin dahil ang goal ko ngayon ay ang mapatay ko sila Trish, Cullen at Carl.

"Hi, bestfriend! You know what, dumami na yung shipper ng loveteam niyo after what happened! OMG na this!" bungad ni Trish ng makita ako when I entered the stadium. Napatingin tuloy lahat sa akin at ang lalawak ng ngiti nila even Ms. Zalora. Buti na lang at wala pa sila Jace at Aileen, hindi rin nila narinig yung biggest revelation ko na kagagawan nung tatlo.

"It was Trish's idea." mabilis na usal ni Carl ng balingan ko sila ni Cullen.

"Carl is right. We've just supported her idea." segunda naman ni Cullen.

"Hoy? Ano 'to? Laglagan na, ganern? Lahat naman tayo may kinalaman dito!"

"Tumigil nga kayo! Wag na kayong magturuan dahil tatlo kayong papatayin ko! Humanda—"

"Ui, Cloud!" biglang sabi ni Trish na kumaway at ngumiti sa likuran ko kaya di ko natuloy yung sasabihin ko.

Napairap ako sa ere at nakapamewang na nagsalita uli, "Magtigil ka Alcantara. Akala mo madadaan mo pa 'ko sa panloloko niyo?"

"Try mo kayang lumingon?" Carl suggested na tinanguan naman agad ni Cullen. Aish, magkaibigan talaga sila.

"Para ano? Para makatakas kayo sa akin? Hindi na kayo makakawala dahil—"

"Lumingon ka kasi para makita mo 'ko. I'm here Amethyst."

Napalunok ako at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko nga ang boses na yun mula sa likuran ko.

"G-gaano siya kalapit?" halos pabulong lang na tanong ko sa tatlong unggoy na nakangisi sa harapan ko.

"Soooobrang lapit." Trish mouthed.

"Dude! Anong masasabi mo sa major revelation ni Amethyst kanina?" biglang tanong ni Cullen kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

"That was...unexpected. Well, sino ba namang makakatiis ng charm ko diba? I can't blame her." he answered from the back at kahit di ko siya nakikita, I know he's smirking to death.

Lakas loob akong hinarap siya at itinulak dahil sa sobrang inis. Nagtaka sila sa ginawa ko including him pero wala akong pakealam at tinitigan ko lang siya lalo ng masama, "Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para mapigilan 'tong nararamdaman ko sa'yo. Hindi mo alam kung anong tiniis ko dahil alam ko kung hanggang saan lang ako—hanggang kaibigan lang dahil iba ang gusto mo. Ganyan ba kayong mga lalake? Tuwang tuwa kayo kapag may napapaasa kayo? Kapag may umiiyak at nasasaktan ng dahil sa inyo? Kung biro lang lahat sa'yo yun, wala naman akong magagawa. Ikaw 'yan e, si Cloud Montero! Yung kauna-unahang lalakeng gago na minahal ko." I blurted out na siyang nakapagpatahimik sa lahat ng nandito ngayon sa stadium, "Oo, mahal kita! Masaya ka na ba? Ikinaguwapo mo na ba yun? Oh e ano naman ngayon kung mahal nga kita? May nagbago ba? May magbabago ba?"

"Amethyst, I was just—"

Di na niya natuloy yung sasabihin niya dahil tialikuran ko na siya at pinuntahan yung classmate kong na-assign as stage director. Ramdam kong lahat ng atensiyon ay nasa aming dalawa pero di ko na lang pinansin iyon. Basta naiinis ako sa kanya.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon