Chapter 6

2.9K 50 1
                                    

Amethyst's POV


"Sure." super smile na sagot ko kay Jace ng tanungin niya ko kung gusto kong maglibot after namin mag breakfast. Hello? Jace Clarkson na yung nagyaya sa akin, choosy pa ba ko? Kung di na ko uuwi sa amin maiintindihan naman siguro ako ng parents ko. Hahaha joke lang.


"Great! Let's eat." biglang sabi niya. Maya-maya may mga waiter na naglabasan somewhere at inilapag ang sa table namin yung mga pagkaing dala nila. Grabe! Breakfast lang to diba? Ba't parang fiesta?


After namin kumain, napag-desisyunan namin na maglibot libot. Pero dun lang sa mga hindi mataong lugar. Nakakinis nga e. Ang daming nagpapa-picture sa kanya. 


Ang sarap sa feeling. Para na rin akong nakikipag date at si Jace Clarkson pa talaga ang kasama ko. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na abot kamay ko na siya. Nothing's impossible naman talaga diba? Nganga tuloy ngayon si Trish pag nalaman niya to. Siyempre nag-selfie kami ni Jace sa cellphone ko para ebidensiya na nakasama ko siya. Hindi naman siya tumanggi. Sa katunayan nga e may mga picture kami na nakaakbay siya sa akin, naka peace sign kaming dalawa, wacky, at kung anu-ano pa. Ang saya niya kasama! Dahil sa kanya, nakalimutan ko ang problema ko. Ako na ata ang pinaka-masuwerteng nilalang ngayon dito sa earth. 


6:00 pm na. Siguro kelanagan ko ng tanggapin yung katotohanang I have to go home na at magkaakhiwalay na kami ng Jace ko. Kahapon pa kasi ako di umuuwi pero nakakapagtaka lang hindi man lang nagtext or tumawag sila Daddy para tanungin kung nasan ako. Galit siguro sila kaya kelangan ko na talagang umuwi. 


"Nag-enjoy ako." sabi ni Jace.


"Me too.."

 

"Sa uulitin..."

 

"Huh? Mauulit pa ba?" I asked with a big smile.

 

"Ayaw mo ba?" 

 

"Hindi naman... Busy ka kasi diba? Nag-aaral ka at the same time artista ka..."

 

"Then?"

 

"May time ka pa ba tohave fun?"

 

"Oo naman. Binibigyan ko rin naman ng time ang sarili ko para mag enjoy." he said smiling.


"Ahhh... Ganun ba? Sige. Sa uulitin." naka-smile na sagot ko.


"So you mean. Okay lang sayo na lumabas tayo paminsan-minsan?" he asked.


I nodded.


"Great! So pwede ko bang hingiin ang number mo?" masayang sabi niya.


HUWAAAAAAH!!!! Hinihingi niya ang number ko!!! 


Agad kong inilabas ang cellhone ko at ibinigay ko sa kanya ang number ko.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon