Chapter 16

2.5K 48 1
                                    

Jace's POV

Nandito na ko ngayon sa dressing room na naka-assign sa akin at nagpi-prepare na ko para sa shooting. It's been a weeks since we started. Bigla namang pumasok si Tita Mae—ang manager ko.

"Ready ka na ba Jace?" she asked.

"Yes po. Nandiyana rin ba si Aileen?"

"Yep. Yung part mo muna sa swimming pool ang unang ishu-shoot kasi inaayusan pa si Aileen."

"Okay."

"Siyangapala Jace, I have something to tell you."

"Ano po yun?"

"First time pa lang kayong nakita sa TV ni Aileen nung conference pero nag-trend agad kayo. Mukhang nag-click sa masa ang team up niyo. That's why...continue what you're doing and show more affection to Aileen para mas better."

Napilitan akong mag-nod sa sinabi ni Tita Mae. Show more affection? Hindi pa ba sapat yung pinapakita ko? Tss.

"Uhm, Sir Jace...start na daw sabi ni direk." sabi ng isang staff na pumasok ng dressing room ko.

"Okay, sunod na po ako." I said.

********

Sa isang beach resort dito sa batangas ngayon ang location ng shooting. Una akong kinunan na kunwari ay nalulunod dahil may phobia sa mga beach or pool ang character ko kaya hindi ako marunong lumangoy at doon na papasok ang character ni Aileen at ililigtas ako.

"Hey! Are you okay?" she asked ng magkamalay ako.

Sa pagdilat ng mga mata ko ay mai-speechless ako dahil sa kagandahang taglay niya at—

"CUT!" direk shouted kaya sabay kaming tumingin sa kanya ni Aileen, "Jace, dagdagan mo pa ng emotion yung pagtitig mo sa kanya."

"Yes, direk." sagot ko.

"Okay, dun tayo sa scene na idinidilat mo na yung mata mo."

Pumikit ulit ako at dahan-dahang dumilat atsaka tinitigan ang babaeng nasa harap ko at—

"CUT!" sigaw ulit ni Direk kaya huminto ulit kami, "Jace, ano bang nangyayari sayo? I said show some emotions. Kulang yung pinapakita mo." dagdag pa niya.

"Sorry, direk." I said.

"Okay ka lang ba Jace?" tanong ni Aileen. Nagnod lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Okay, balik tayo sa scene na yun." utos ni Direk.

The hell! Ano bang nangyayari sa akin? Ba't parang bigla akong nailing kay Aileen? Ito yung feeling na naramdaman ko nung si Vanessa pa yung ka-love team ko e. WTF. Anong gagawin ko?

Alam ko na!

"Okay, 1-2-3,ACTION!" pagkasigaw ni Direk ay pumikit na ko atsaka ako dahan-dahang dumilat at full of emotion kong tinitigan yung napakagandang babae na nasa harapan ko ngayon kaya naman, "CUT! Very Good Jace!" nakangiting sabi niya sa akin.

Haaay. Ang ganda talaga ni Amethyst!

Bumalik ako sa katinuan ng biglang nagtilian yung mga fans namin na nanonood sa set. At ng malaman ko kung ano yung tinilian nila—si Aileen pala na nilagyan ako ng tuwalya sa balikat. Shoot! Di ko napansin yun ah. Anyway, ganyan talaga ang mga fans ko. Sa simpleng gestures lang na ginagawa namin ng ka-love team ko ay kinikilig na sila.

"T-thanks." nakangiting sabi ko kay Aileen na ginantihan din ako ng isang matamis na ngiti.

"Okay, prepare yourself for the next scene. We'll take it after a few minutes, may inaayos lang sila sa loob." saad ni Direk sa amin kaya nag-nod kami ni Aileen.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon