Chapter 40

2.8K 44 0
                                    


Amethyst's POV

Lutang ako hanggang sa matapos ng tuluyan ang play. Papunta na kaming dalawa ngayon sa backstage at feeling ko sobrang awkward ng atmosphere. Sinalubong naman kami nila Ms. Zalora at ng ibang casts at niyakap nila kami kaya medyo nalayo sa akin si unggoy.

"Hoy! Punyeta kayong dalawa! Binigla niyo kami sa kissing scene ah!" daldal ni Trish, badtrip lang.

"Infairness sa kissing scene niyo ah, ang daming na-shock. Pero pucha highlight yun ng play!" segunda naman ni Carl.

"Wala yun sa script sa pagkakaalam ko. What's the meaning of that, dude?" nakangising tanong ni Cullen sa pinsang unggoy.

Ano 'to? Puro kissing scene na lang ba pag-uusapan namin? Hindi ba sila marunong makiramdam na sobrang awkward na para sa part ko?

"Well... bigla ko na lang kasi naramdaman na gusto kong halikan si Amethyst." sagot ni Cloud na siyang nakapag-painit ng dugo ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin bago ako nag-walk out. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin yun sa harap ng mga classmates namin?

Gigil na gigil akong dumiretso sa dressing room at doon padabog na naupo sa harap ng salamin. Tinatawag nila ako kanina nung nag-walk out ako pero di ko na sila nilingon. Naiinis ako at parang ayokong makita ang pagmumukha ng Cloud Montero na yun! Hindi dahil sa awkward ako kundi dahil sa naiinis talaga ako sa kanya. Ano yun, hahalikan niya lang ako kung kelan niya gusto? Ang kapal huh!

"Amethyst—"

"What are you doing here? Get out! I don't want to see your face anymore!" sigaw ko ng makita ko siyang pumasok. Pero imbes na lumabas ay isinara lang niya ang pinto saka ni-lock.

"Amethyst, let's talk." he started.

"Why did you do that? Why did you kissed me?" inis na tanong ko at sa sobrang inis ko ay di ko na napigilang umiyak. The hell. "Pinaglalaruan mo ba 'ko Cloud? Siguro iniisip mo na nagustuhan ko yung ginawa mo kasi alam mong gusto kita? Ganun ba kadesperada ang tingin mo sa akin?"

"N-no. It's not like that Amethyst."

"Then tell me!" sigaw ko sa kanya, "O baka naman...pinapaasa mo lang ako kasi nag-eenjoy kang may nagkakagusto sayo? Sa tingin mo ba kina-guwapo mo 'yang pagpapaasa mo?"

"Can you please listen to me first?"

"Bakit di mo na lang kasi ako diretsahin? Ano? Sabihin mo yung totoo! Siguro iniisip mong uto-uto ako? Ano, Cloud? Sumagot ka!" inis na inis pa ring tanong ko sa kanya at lalo lang akong nakaramdam ng matinding inis ng di siya sumagot at yumuko lang sa harap ko, "See? Wala kang masabi dahil tama ako? What the heck Cloud! Kung iniisip mong—"

"I LOVE YOU! I'VE FALLEN INLOVE WITH YOU AMETHYST! SATISFIED?!" he shouted annoyed, "Damn."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at feeling ko na talagang huminto ang ikot ng mundo dahil sa mga sinabi niya. Shit. Bakit ganito ang tibok ng puso ko.

"K-kalokohan," I said stuttering ng bumalik ako sa katinuan.

"See? Tatanong tanong ka tapos di ka maniniwala?" inis na sabi niya sa akin.

"Pwede ba Cloud. Tama na ang joke please."

"Do you think I'm joking?"

"Bakit, hindi ba? Tss. Sinong niloko mo?"

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon