Chapter 23

2.7K 56 2
                                    


Amethyst's POV

"Magpapanggap tayong sweet kapag kaharap sila tapos gagawa tayo ng paraan para magkahiwalay sila? Ang labo mo naman e. Tss." I said to him. Nandito kami sa cafeteria to talk about his plan kuno.

"Magiging sweet lang tayo kasi pagseselosin natin sila. Maihirap ba yun?" prente siyang nakaupo sa harap ko at naka-cross arms.

"Pagseselosin? Sa tingin mo ba eepekto yun? You're just an ex and I'm just a friend." medyo masakit yun ah, "I don't know pero parang wala naman ata silang pakealam kahit ano pang gawin natin sa harap nila and...yuck! Sweet moments with you? Eww, no!" I added.

"Why don't you trust me? Alam ko kung anong ginagawa ko." then he smirk. Parang sure na sure siyang magtatagumpay ang plano nya sa hitsura niya ngayon. Sabagay, mayabang nga pala 'to kaya over confident.

"Eh paano naman natin sila mapaghihiwalay?" I asked.

"Hindi natin sila hahayaang magkaroon ng quality time together at gagawin natin ang lahat para masira ang relasyon nila."

"So you mean...magiging konrabida tayo sa kanila?"

"Finally, nagets mo rin." sarcastic na sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at napaisip ako sa plano niya. Alam kong marami ng tumatakbo sa utak niya ngayon kung pano naming mapaghihiwalay yung dalawa. Dati, sinabi ko sa sarili ko na kung sinuman ang babaeng mali-link kay Jace ay sisiguraduhin kong magiging kontrabida ako sa kanila at gagawin ko ang lahat para mapaghiwalay sila. Pero ngayong nandito na ako, ganito pala yung feeling. Oh, akala niyo nakokonsensiya ako? Hell, NO! Para sa AmeJace, push!

"Deal." I said.

"But before that..."

"What?"

"Let's be friends." he said smirking offering his hand.

"For what?"

"It's part of the deal."

I just rolled my eyes and we shake hands, "Whatever." bored na sagot ko sa kaniya. May pa-friends friends pa siyang nalalaman. Tss.

"We're now partners in crime. At dahil diyan ilalatag ko na ang mga rules and regulations ko—"

"Rules and regulations? Akala ko ba—"

"First, no complaints." putol niya agad sa sasabihin ko at naka-evil smile pa siya.

"What the—"

"Second, ayoko ng maarte."

"Ano ka boss? Ayoko—"

"Third, dapat lagi kang active. Isang tawag ko lang dapat nandiyan ka na agad."

"For heaven's sake, I'm not Darna! And besides—"

"Fourth, you should trust me. Ako lang dapat ang masusunod at wag na wag kang gagawa ng kahit anong hakbang ng hindi ko alam."

"Wait, that's unfair! How about me? Ano ko, ako ang alipin tapos ikaw ang boss? No freakin' way!" reklamo ko at medyo binilisan ko ang salita ko para di niya putulin.

"And last...be happy." nakangiti lang na sabi niya na parang di narining laat ng reklamo ko.

"Eh?" nagtatakang tanong ko. What does he mean by that?

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon