Chapter 32

2.7K 57 2
                                    

Amethyst's POV

"Amethyst, are you done? 4am na oh, baka maabutan tayo ng traffic sa daan pag—"

"I'm ready!" nakangiting sabi ko pagkabukas ko ng pinto. I'm so excited for this vacation since matagal na rin akong hindi nakakapagbakasyon.

"Where's your things?" he asked.

"Nasa loob, pakikuha na lang. Thanks!" pagkasabi ko nun ay nilampasan ko na siya at inayos ko itong color yellow kong sombrero. OMG, ang ganda ko talaga!

"Dalawang luggage ang dala mo? Yung totoo, wala ka na bang balak umuwi?" reklamo niya agad as he saw my luggage.

"I just want to make sure. Mas okay na yung sobra kesa kulang."

"Oh, eh di ikaw magbitbit nitong isa!"

"Kaya mo nay an. Kaya nga dito ka natulog diba para matulungan akong magbitbit?"

"I changed my mind, sige na bitbitin mo na 'yang isa total gamit mo naman 'yan. Let's go?" nginisihan niya lang ako saka siya lumabas ng unit ko bitbit lang ang isang luggage.

"Cloud naman! Hindi ko kaya 'to—"

"Kaya mo yan! Halika na kasi male-late na tayo!" narinig ko pa siyang tumawa kaya wala akong nagawa kundi bitbitin itong isang luggage ko. Gosh, ba't baa ng bigat nito? Ano ba 'tong pinagdadala ko?

"Ang bagal mo!" inis pa na sabi niya pagkarating ko sa may tapat ng elevator. Nasa loob na siya at nakapindot siya doon sa button para hindi ito magsara.

"Ang bigat kaya!" inis rin na sagot ko sa kanya pagkapasok ko sa loob. An gaga aga nag-aaway na naman kami, kainis.

"Sino ba kasing may sabi sayo na dalhin mo lahat ng gamit mo? Atsaka...bakit ba ganyan 'yang suot mo?"

"Ano na namang problema mo sa suot ko? Sabi mo okay lang mag-short?"

"Oo nga pero bakit naka-sleeveless ka na? Malamig sa byahe."

"Hindi naman tayo magji-jeep diba? So ibig sabihin, walang hangin na papasok kaya okay lang 'tong suot ko!"

"Tigas talaga ng ulo mo! Para ka pang timang diyan sa sumbrero mo, tss. Pwede namang mamaya isuot."

"Ang dami mong napapansin! Baka pati itong slippers na suot ko gusto mo na ring pansinin para mula ulo hanggang paa na?"

Napatingin naman agad siya sa paa ko, "Sabagay, ang pangit nga." aniya sabay tawa.

I gritted my teeth out of irritation and I am ready to pull his hair when the elevator opened at ang napakagwapong mukha ni Jace ang bumungad sa amin, "J-Jace." I uttered. Napatingin akong muli kay Cloud at ayun, blangko na ang facial expression ng mokong.

"Hi, they're waiting outside. We've decided to pick you up here since kayo na lang din naman yung kulang. So, let's go?" he said smiling.

"Sure." sagot ko ng nakangiti na rin. Mukha ba naman ni Jace ang sumalubong sa umaga mo e.

"Ako na magdadala ng gamit mo." he insisted at kinuha niya yung bitbit kong luggage.

"Sa kanya rin 'to. Dalhin mo na rin." cold naman na sabi ni Cloud at ibinigay kay Jace yung isa ko pang luggage bago siya nagpatiunang maglakad palabas. Salbaheng unggoy talaga!

Napakamot na lang ako sa batok ko ng mapansing nabigatan si Jace sa gamit ko, "I'll help you. Pasensiya na kung mabigat."nahihiyang sabi ko.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon