Chapter 31

2.5K 51 0
                                    



Amethyst's POV

"Seriously?!" I whispered to myself in annoyance. I took a deep sighed as I read another article I've searched. I've been searching here on my laptop for an hour pero halos pare-pareho lang din ang mga sinasabi. Seriously, google?

Ugh. Okay fine. Baka naiinis lang ako dahil totoo ang sinasabi ng google at iyon talaga ang eksaktong nangyayari sa akin ngayon. Napailing na lang ako at nasampal ko ang sarili ko, "No. No. No.This isn't happening to me, alright? Damn. This is driving me crazy for pete's sake and I hate it!" and I am talking to myself now. Great.

Out of frustration, pumunta akong kitchen to get some drinks para naman mahimasmasan ako ng biglang may mag-doorbell. I just rolled my eyes bago ako pumunta ng pinto at binuksan iyon.

"Good afternoon! Namili na 'ko ng mga lulutuin ko para sa dinner natin mamaya!" bungad niya at mukhang sobrang saya niya ngayon base sa mga ngiti niyang abot hanggang tenga.

"K.Fine." I answered saka ko siya tinalikuran.

"Sungit. Ba't pala di ka nagtetext? Di lang ako nakapunta dito kahapon e. Sus, nagtatampo ka ba?" tanong niya ng mapang-asar. Nandito na kami sa kitchen.

"Asa. Tinatamad lang ako noh atsaka... pumunta ka man dito o hindi, I-DON'T-CARE. Mas pabor pa nga sa akin kung di ko makikita 'yang monkey face mo, tss." pagdadahilan ko pero to be honest, naiinis pa rin ako sa kanya dahil dun sa nangyari nung isang araw kaya di ko talaga siya tinext pero kahit papano naman, okay na 'ko ngayon.

"Kunwari ka pa, na-miss mo lang ako e."

"Kapal talaga nito kahit kalian! Dun ka nga, ako na mag-aayos niyang pinamili mo!" inis pang sabi ko sa kanya at tinulak tulak ko siya palabras ng kitchen. E sa naiinis ako sa presence niya e.

"SIGNS OF BEING INLOVE? SERIOUSLY, AMETHYST? PFFT!"

Literal na nanlaki ang mga magaganda kong mata at mabilis pa sa segundong napatakbo ako papuntang sala para isara ang laptop kong nasa mesa pero huli na dahil pinagtatawanan na niya 'ko. Damn. Stupid Amethyst.

"I-Ikaw...n-napakapakelamero mo!" I shouted. Gosh, kung dati 200 beats per minute ang tibok ng puso ko, siguro ngayon dumoble na. Kainis.

"Sorry. Di ko naman sinasadyang mabasa e!" sagot niya pa na nagpipigil ng tawa.

"Pero kahit na! Sana di mo pa rin binasa!"

"Imposible naman yun, di naman ako bulag Amethyst. And besides, anong masama dun? Nahihiya ka ba sa akin? Sus."

"What the—can you please shut up?!"

"Okay lang yan. Si Jace ba 'yan?"

"What?"

"Si Jace. I mean...kay Jace ka inlove. Tama ba 'ko? Uyyy, inlove na siya. Ba't kailangan mo pang i-research e pwede ka namang magtanong sa akin. I told you I'll help you, right? That's what friends are for, remember?"

That's what FRIENDS are for. Why the hell I felt something unusual in my heart?

"O-Of course! M-matagal ko ng crush si Jace no! I just want to make sure of my feelings. M-mahirap kasi yung padalos-dalos." I lied.

"Oh, tumama naman ba?"

"Ewan, ang chismoso mo! Dun muna 'ko sa kwarto." pagkasabi ko nun ay tumalikod na 'ko sa kanya habang yakap yakpa ko yung laptop ko. I am now praying, hoping that he won't ask questions again regarding this topic. Pero nagulat ako at parang naputol ang hininga ko ng bigla niya 'kong akbayan.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon