Chapter 9

2.8K 54 2
                                    

Amethyst's POV


7:35 pm.

Nandito na kami ni Trish ngayon sa harap ng bahay at di pa kami bumababa ng sasakyan. Kinakabahan ako I SWEAR.


"I think you're ready.." nakangising sabi ni Trish.


"Ewan... Gusto ko ng umatras Trish..."


"Okay. Madali lang naman akong kausap..." she said at muling inistart yung sasakyan.


"Joke lang... Ito naman di mabiro..." then I laugh. Fake laugh.


"Okay. Then we should go inside." sabi niya atsaka bumaba ng sasakyan.


Huminga muna ako ng malalim atsaka bumaba.


Nag-doorbell ako.


"Sino po sila?" salubong sa akin ni yaya.


"Yaya! Ako to si Amethyst!" I said. Seriously? Di niya ko nakilala? 


"SEÑORITA?!" gulat na sigaw niya.


"Sssshhhhh... Nandiyan na ba sila sa loob?"


Tumango lang si yaya na halatang gulat pa din.


"Let's go Trish..." yaya ko kay Trish at dire-diretsong pumasok sa loob.


Bumungad sa akin sila Mommy at Daddy na masayang nakikipag-kwentuhan dun sa... I think yun na yung parents ng future husband ko.


Uh-oh. This is it.


"Oh, Trish hija... kasama mo ba si Amethyst?" mom asked.


Nilingon ako ni Trish.


"Ehem..." umubo ubo muna ko. "AH... MOM...DAD..." I said again in a husky voice.


"AMETHYST?!" sigaw nila pareho ni Dad.


Okay. Ito na talaga yun... ramdam ko na ang tensiyon...


"WHAT HAPPEN TO YOU MY PRINCESS?" nagtatakang tanong ni Dad.


"AAHHH...DAD.. I'M SO SORRY. THIS IS THE REASON KUNG BAKIT AYAW KO PONG MAGPAKASAL! K-KASI PO...ISA PO AKONG...UHMM—AAHHH...T-TOMBOY..." wew! Kadiri!


"Alam mo ba kung ano sinasabi mo anak?" singit ni Mommy na halata sa hitsura na hindi makapaniwala.


"Alam ko po Mommy... alam ko po kung ano ang ginagawa ko. It's just like... nagpapakatotoo lang po ako sa sarili ko..."

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon