Chapter 5

3.3K 62 1
                                    

Amethyst's POV


"One shot of tequila please.." sabi ko sa bartender. Siguro naman kahit panandalian mawawala ang problema ko dito. Ganun ba kadesperado ang parents ko na mapangasawa yun? Hindi ko nga gusto yun e. Kahit na sabihin nilang we have time para makilala ang isa't isa. Ayoko nga siya makilala e. Ayoko malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.  

"Here's your one shot of tequila miss.." the bartender said. Nilagok ko agad yun na parang tubig lang ang iniinom ko.  

"One more..." I said sabay lapag ng baso.

Naglapag agad yung bartender hanggang sa makarami na ko. Traydor tong inumin na to ah. Nahihilo na ko.

"One more.." sabi ko pa pero umiikot na yung paningin ko.


***************


Cloud's POV


After namin makapag-usap ni Carl ay bumalik muna ako sa condo ko. Sosyal ba? May condo unit pa 'ko e. Doon ko dineretso yung mga gamit ko at hindi sa bahay namin. Oo, nakahiwalay ako kahit may kwarto naman ako sa bahay. Well, gusto ko lang ng privacy. Pero bago ako dumiretso sa condo, dumaan muna ako sa isang bar malapit na din sa condo ko. Gusto ko munang magpalamig ng ulo. Masyado akong napi-pressure sa biglaang desisyon ng parents ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na to. For once, gusto ko munang kalimutan yung problema ko.


Pagpasok ko sa bar dumiretso agad ako sa counter table.


"Red wine please." sabi ko dun sa bartender.


"Here sir." 


Habang iniinom ko yung wine ay nahagip ng mata ko yung babaeng natutulog. Di ko makita yung mukha niya dahil nakatakip yung buhok niya dito. Grabe, halatang lasing.


"Psh. Iinom inom di naman pala kaya.." i whispered sabay tingin ulit dun sa bartender, "One more please." utos ko. Gumalaw yung babae sa tabi ko kaya't napatingin ulit ako at ng hawiin niya ang buhok niya at— "SIYA NA NAMAN?! HANGGANG DITO BA NAMAN SINUSUNDAN AKO NG MALAS?!" nasabi ko sa sarili ko.


"Kanina pa yan dito sir.. kilala niyo po ba?" tanong nung bartender habang sineserve yung order ko.


"Huh? uhm.. ah h-hindi!" I said. E hindi ko naman talaga kilala yan e.


"Ganun po ba? Kawawa lang yan dio sir. Maraming bastos dito. Baka kunin lang yan ng kung sino at baka ma-rape..." sabi ulit ng bartender.


"I don't care. I don't know her." sabi ko sabay inom.


Aalis na sana ako ng biglang may lumapit na tatlong lalake sa counter table.


"Isang tequila nga." utos nung isa.


"Tatluhin mo na!" sigaw naman nung isa.


"WOW! Pare! Blessing!"

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon