Chapter 35

2.9K 57 0
                                    


Amethyst's POV

Since trimester and Lambert University, we only have one week vacation bago mag start ang panibagong semester at sa kasamaang palad, it starts today. Nakakabitin man ang bakasyon namin, wala pa rin kaming magagawa because it is mandatory for us to study. Well, medyo nag-enjoy din naman ako sa vacation namin nila Cloud, 'medyo' lang dahil bukod sa na-sprain ako sa paa e nandoon din kasi si Aileen na nababalutan ng itim na aura.

"Trish, nasan sila Cloud?" I asked when I got inside the classroom. Iilan lang kaming nandito ngayon sa room at halos kalahati ng block namin ang wala including Carl, Cullen, Jace and Cloud. First day na first day, absent sila?

"Wow. Sa dami ng nawala sa klase natin, talagang si Cloud lang hinanap mo?" she answered me with a grin on her face kaya napailing na lang ako at inirapan siya, "Nasa Gymnasium sila nagpa-practice ng basketball."

"Basketball?"

"Ay, new student te? Sports Festival na ng Lambert next week, di ka na-inform?" natatawang sabi pa niya,"Nandun din si Aileen to support Cloud. Aren't you—"

"Aileen is already there to support him and besides, wala naman akong pake dun sa unggoy na yun."

"Luh, pinagsasabi mo? Napaghahalataang bitter ka Amethyst! Itatanong ko lang naman kung pupunta ka din ba dun para suportahan si Jace."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inirapan pero tinawanan lang niya 'ko. Nanahimik na lang ako kesa naman may masabi akong kung ano.

"Hindi ka pupunta dun?" she asked again.

"Where?"

"Sa Gymnasium. Hinahanap nila tayo. Pupunta ako, sama ka?"

Tumango na lang ako saka kami lumabas ng room papuntang gymnasium.

Hindi pa man kami totally nakakapasok ay rinig na rinig na namin ang sigawan sa loob. Teka, practice lang yun diba? Di naman na 'ko nagtaka when we entered the place. Talaga namang mapapasigaw ka at mapapatili kapag nakita mo ng naglalaro sila Carl, Cullen, Jace at Cloud sa court. Idagdag mo pa yung celebrity factor ni Jace. No wonder karamihan ng nandito ngayon puro girls.

"GO, CLOUD THE MONKEY!" I exclaime when Cloud shoot the ball and it's a 3 point shot. Napatayo pa 'ko at nagtititili pero agad ko ring itinigil dahil napatingin sa akin lahat ng nandito ngayon including Aileen who's now throwing a death glare on me. As if I'm scared. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at napa-face palm na lang. The fuck. Bakit si unggoy yung na-cheer ko instead of Jace? And great, Cloud is now smiling like idiot while dribbling the ball. Stupid Amethyst, aish.

"Actions speaks louder than words. Totoo nga." Trish murmured and she's sitting beside me but her attention is on the game. Seems like she's talking to herself.

"What?" I asked arching an eyebrow.

"Kahit na hindi mo sabihing gusto mo siya, halata naman sa mga kilos mo." she stated. Magsasalita na sana ako when she point her inder finger on my mouth, "And don't you dare deny it."

TInabig ko na lang ang kamay niya at umiling iling. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa court at napaisip. Masyado na ba 'kong obvious? Kaunting tiis na lang, ginagawa ko naman ang best ko para mawala 'tong kahibangan ko sa unggoy na yun e. Sinisiguro ko namang hindi na 'to lalalim pa. Napangiti naman ako when Jace smiled at me and waved his hand. Water break muna sila kaya pumunta ako sa area ng team nila para batiin si Jace pero bago pa man ako makalapit kay Jace ay may humarang sa aking unggoy na siyang nakapagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Damn this guy.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon