Chapter 43

2K 30 0
                                    


Amethyst's POV

"Carl, please tell me. What happened to Cloud?" I asked crying.

[Huwag ka sanang mabibigla Amethsyt pero...gising na siya. Gising na si Cloud! Gising na ang future husband mo--]

Hindi ko na pinatapos na magsalita si Cloud dahil pinatay ko rin agad 'yung cellphone as I heard that Cloud's already awake. Agad agad akong nag-prepare para pumunta sa hospital.

"Wait for me, love. Malapit na 'ko," nakangiting bulong ko sa sarili ko while driving my car as fast as I can.

Pagkarating ko pa lang sa hospital ay halos patakbo at madaling madali ang ginawa kong paglalakad. I am just excited to see him at feeling ko sasabog ang puso ko sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.

Mas lalo namang lumakas ang tibok ng pusi ko ng makarating ako sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react kapag magkaharap na kami. Yayakapin ko ba siya agad? Hahalikan?

"Ah bahala na! I'll just let my heart speak," I said to myself then took a deep sighed first before I turned the door knob.

Kusang nawala ang mga ngiti sa mukha ko at napalitan iyon ng pagkunot ng noo dahil sa tumambad sa akin. Cloud is wide awake and smiling but... he's holding Aileen's hand who's sitting beside him. Hindi nga siguro nila 'ko mapapansin kung hindi pa napalakas ang pagsara ko ng pinto.

"You're here, hija," pilit ang ngiting bati sa akin ng mommy ni Cloud. "I don't have any idea what's happening. I don't know why she's here and holding my son's hand," bulong pa niya sa akin na halatang nagtataka din. Napatingin ako kina Carl at Cullen kibit-balikat lang ang isinagot sa akin.

Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Cloud and he was staring at me blankly. Galit ba siya sa akin because I broke up with him?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. May benda pa siya sa ulo at nakaupo lang siya habang nakasandal sa headboard ng hospital bed. He's staring at me pero magkasalubong na ngayon ang mga kilay niya.

"Hi," halatang plastic na pagbati sa akin ni Aileen ng makalapit ako sa kanila.

"Excuse me," nakangiti pero nang-aasar na sabi ko sa kanya ng hatakin ko siya patayi at itulak ng bahagya para malayo siya kay Cloud. "Sorry pero mukhang naliligaw ka kasi," pagkasabi ko no'n ay umupo ako agad sa inalisan niyang puwesto. Sinamaan niya 'ko ng tingin at tinawanan lang ako nila Carl at Cullen pati na rin ng mom ni Cloud pero hindi ko na iyon pinansin dahil na kay Cloud na ang atensiyon ko.

Dahil sa sobrang tuwang nararamdaman ko na makita muli ang mukha niya ng malapitan, napaluha ako at niyakap siya bigla ng sobrang higpit.

"I missed you Cloud. Thank God you're awake. Sobrang nag-aalala ako sa'yo. Sorry sa nangyari, promise I won't let go of you anymore. I won't let anyone ruin us again. I love you, Love. I love you so--" nahinto ako sa sasabihin ko ng alisin niya 'ko mula sa pagakayakap ko sa kanya. Nagtataka akong tinitigan siya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"What are you talking about?" tanong niya at kagaya ko, halatang halata sa hitsura niya ang pagtataka. "Who are you?" he asked.

Bahagya akong natawa sa huling tanong niya. Lumang style na 'to e. I've seen this in so many dramas-- 'yung nagka-amnesia 'yung bida tapos 'di niya kilala ang sarili niya at kahit na sino.

It's so common but uhm...I hope he's kidding.

"Nice joke, Cloud. I know you were mad at me before your accident that's why I'm here to say sorry. Stop saying jokes like that, nagsisisi na nga 'ko 'di ba?" I said but nothing has changed about his expression.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon