Chapter 19

2.4K 45 4
                                    

Jace's POV

"I know na masyado pong mabilis but as we all know, matagal na po kaming magkakilala ni Jace kaya ayun po... And promise ko naman po sa mga nagmamahal at sumusuporta kay Jace, I will take care of your prince so don't worry po. Magiging strong po ang relationship namin, promise po namin yan. Besides—"

In-off ko na ang TV at napatayo ako sa couch na inuupuan ko at hinarap si Tita May.

"What the hell was that Tita?! What does it mean?!" inis na tanong ko kay Tita May tungkol doon sa live interview ni Aileen.

"Jace, let me explain this—"

"Yes tita. You really need to explain this!"

"Aileen told us—me and her manager...na may balak ka daw ligawan si Amethyst Tuazon. Jace, alam mong hindi pwede yun sa career mo diba? Hindi lang sayo magkakaroon ng negative impact kundi pati na rin kay Amethyst pag nagkataon. Is that what you want?"

"Pero tita...may karapatan akong malaman kung ano yung mga pinaplano niyo na may kinalaman sa trabaho ko. Hindi yung ganito."

"Bakit Jace, pag sinabi ko ba sayo yung tungkol dito... will you agree for this? Ikaw lang at ang career na pinaghirapan mong buuhin ang iniisip namin. This is your Mom's dream for you, right?" she said. Hell yeah! This is my Mom's dream—ang maging sikat na artista ako. Pero pano naman ako?

I took a deep breath, "Until when?" I asked.

"Hangga't sikat ang JaceLeen."

"Pero Tita—"

"Hindi na mahirap sayo 'to Jace. Magpapanggap ka lang—I mean, kayo ni Aileen like a real couple. You're in showbiz for almost six years. Para saan pa't naging artist aka kung hindi mo kayang gawin ang simpleng acting lang na yun? Just think about it Jace. Kung talagang gusto mo si Amethyst, hindi mo hahayaang mapasama siya sa magulong mundo na kinabibilangan mo." she explained which made me think.

"I don't know if I can."

"Yes you can, Jace. Oh, and one more thing... don't tell this to anyone. Kahit sa mga kaibigan mo...kahit kay Amethyst. At kung maaari, iwasan mo muna si Amethyst. Para sayo rin to." then she turned her back atsaka ako iniwan dun.

Napaupo na lang ako at nasapo ko na lang ang noo ko. Damn this life!

**********

After ng shooting for this day ay diretso akong pumasok sa kotse ko at denial ang number ni Amethyst. Malamang napanood niya yung interview ni Aileen kanina. Kaso... ano namang sasabihin ko? Kakamustahin ko ba siya?

"H-hello, Amethyst?" kinakabahang sabi ko sa kabilang linya.

[.........]

"Amethyst? Are you okay?" tanong ko dahil hindi siya sumasagot hanggang sa makarinig na lang ako ng mga hikbi kaya bigla akong nagpanic, "A-Amenthyst... I-I'm sorry..." nasabi ko na lang at nanlulumo akong napahawak sa manibela. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagpapanggap lang kami. Bullshit!

[Your sorry is not enough... Nasaktan mo na 'ko...at ang sakit sakit.]

"Amethyst! No... J-just let me explain..."

[Para saan pa? Para magsinungaling ka na naman? Loving someone like you is the biggest mistake I did in my entire life because I ended up hurting myself. Pinaasa mo 'ko sa wala!]

"Amethyst, please... I will tell—"

Tut. Tut. Tut.

"Damn!" I shouted sabay hampas ko sa manibela. Hindi ko alam kung ano baa ng dapat kong maramdaman ngayon. Masaya ba dahil gusto din ako ni Amethyst kasi nasasaktan siya o maiinis dahil sinaktan ko siya. Leche! Bakit kung kelan pwede saka naman hindi pwede? Gets niyo? Ang gulo diba?

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon