Chapter 44

2.3K 32 0
                                    


Amethyst's POV

"C-Cloud..." I mumbled. "N-naalala mo na 'ko?" nauutal pang tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay seryoso pa ring nakatitig sa akin.

"Of course! How could I forget you?" blangko ang ekspresiyon na sagot niya.

"Really? Omg, Cloud! Finally!"

"How could I forget you, e kanina lang nagkita tayo sa mall 'di ba?"

"W-what?"

"Hmm. Sa Bench store, remember? What are you doing here? Sinusundan mo ba 'ko?" salubong ang kilay na tanong niya kaya napalunok ako.

I am disappointed. I thought naaalala na niya 'ko. I thought everything will be back to normal.

"Who's following you? M-me? Baka naman ikaw? Stalker ka no?" I retorted with a grin in my face. Nandito na 'ko kaya itutuloy ko na 'to. I won't give up until he remembers everything about me.

"What? Ako? Stalker? Wake up, Amethyst! You're the one who keeps on following me wherever I go," he laughed a little after he said that.

"Hindi ba puwedeng coincidence lang?"

"Then that's it! You finally said it yourself--coincidence!"

"Ah basta, stalker ka pa rin!"

"You know what, bahala ka na sa buhay mo. Isipin mo na lang kung anong gusto mong isipin, okay?" pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya 'ko at umalis ng hindi man lang ako nililingon.

Nagbago na siya. 'Yung dating Cloud kasi short tempered. For sure, sisigawan agad ako no'n at makikipagtalo kung sasabihan ko siyang stalker.

Napa-buntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat na naglakad palabas ng building.

"Bakit umalis agad 'yon?" tanong ni Trish ng magkita-kita na kami ulit.

"What do you think?" I replied, still disappointed. Nakuha naman nila agad ang ibig kong sabihin. It means, it's another failed mission.

"We need to make another plan," usal ni Cullen.

"Plan B pa lang naman tayo. Marami pang letters na natitira sa alphabet. Huwag kang panghinaan ng loob Amethyst," nakangiti namang sabi ni Carl kaya napatango na lang ako.

Carl's right.

"Who says I'm disappointed? We're just getting started," I uttered with a playful smile.

"Iyan ang totoong Amethyst na kilala na namin! Fight, fight, fight!" ani Trish kaya nagtawanan kami.

Maaaring hindi pa rin ako naaalala ni Cloud pero naniniwala akong darating din ang tamang panahon. Hindi ako magsasawang ipaalala sa kanya ang lahat ng magagandang memories na pinagsamahan naming dalawa.

"I will wait Cloud. I will wait until you'll be able to tell me that you love me... again."

***********

Today is another day which means another mission is waiting for me. Another week have already passed at hindi ko na alam kung pang-ilang mission na namin 'to para sa Oplan: Bring Back Cloud's Memories. We've decided not to count the mission dahil hanggang 'Z' lang ang alphabet meaning, may ending. What if nasa plan 'Z' na pala kami at hindi pa rin ako naaalala ni Cloud, 'di ba? So mas okay na 'yung thought na basta may plano, go lang ng go.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon