Chapter 41

3K 54 37
                                    



Amethyst's POV

"Hija, may problema ba?" biglang tanong ni mommy na siyang pumutol sa mga titig ko kay Cloud at dahilan para ibaling sa kanya ang atensiyon ko.

"A-ah...mom, dad, I think I need to go since I have some urgent school matters to deal with. Let's meet each other again next time," pinilit kong ngumiti pagkatapos ko silang halikan sa pisngi pareho 'tsaka ako nagmamadaling lumabas ng restaurant na 'yon. Nagtataka man sila sa inasal ko ay hindi ko na naisip pang magpaliwanag sa dami ng tumatakbo sa utak ko.

"Mr. and Mrs. Tuazon...I'm sorry. Hahabulin ko lang po si Amethyst." narinig kong sabi ni Cloud bago ako tuluyang makalabas ng resto. Hindi ko na pinansin pa iyon at binilisan ko lang ang paglakad ko, umaasang hindi niya 'ko maabutan but I'm wrong, "Amethyst, wait. Please listen to me first," he said ng mapigilan niya 'ko sa braso.

"Go ahead. I'll give you five minutes to explain your side," seryosong sabi ko sa kanya and I am just trying my best to hold back my tears.

"I love you. I love you so much Amethyst."

"But you lied."

"Sasabihin ko naman talaga sa'yo e. I was just looking for the perfect timing. And besides, aren't you happy? M-magpapakasal tayo oh. Imagine...tayong dalawa naman pala 'yung naka-arranged marriage."

"Wow. So you're expecting me to be happy after what I've been through, gano'n ba 'yon? Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko Cloud? I forced myself to live alone because of that fuckin' arranged marriage kahit na wala akong alam gawin sa buhay! Lumayo ako sa pamilya ko, Cloud."

"Because you didn't give me a chance nung gusto kang ipakilala sa akin ng parents mo."

"And you're blaming me? E bakit ikaw? Binigyan mo ba 'ko ng chance na makilala ka? We're both against in that marriage 'di ba? Kasi ang totoo sa'yo, mahal mo pa si Aileen! Am I right?" and from there, tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.

"No, Amethyst...It's not what I meant. Are you doubting my feelings again?"

"Because you're making me feel that way again! Gusto mo malaman kung anong nararamdaman ko nagyon?" I asked, "To be honest...masaya ako Cloud. Sobrang saya ko kasi akalain mo 'yun, ikaw na kaaway ko na naging best boyfriend in the whole world e siyang future husband ko pala na pilit kong tinaguan. Pero...pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit parang may mali? Masaya ako pero bakit masakit? Tell me the truth...kaya ba hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol dito dahil hanggang ngayon, against ka pa rin? Hanggang ngayon ba ginagamit mo pa rin ako para pagselosin si Aileen? M-mahal mo pa rin ba si Aileen?"

"Amethyst naman...how many times do I have to tell you that I am just looking for perfect timing—"

"Fuck that perfect timing! Kung talagang mahal mo 'ko you will tell me right away! Gaano ba kahirap sabihing ako ang future wife mo? Bakit ba hindi mo na lang sabihin ang totoo na ginagamit mo pa rin ako at hanggang ngayon ay mahal mo pa rin si Aileen!"

"Fuck that doubts of yours! Kung talagang mahal mo 'ko Amethyst, hindi mo pagdududahan 'yung pagmamahal ko sa'yo! This is the reason why it is hard for me to tell you dahil alam kong magkakaganito ka!"

"Masisisi mo ba 'ko Cloud? Unang dumating si Aileen sa buhay mo. Nasaksihan ko kung gaano mo siya kamahal at nakita ko lahat ng hirap at sacrifices mo just to win her back. Alam mo...tama sila...na hindi 'yung mga babaeng nagkandarapa sa'yo ngayon ang matindi kong karibal kung hindi 'yung unang babaeng minahal mo ng sobra bago ako."

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon